click below
click below
Normal Size Small Size show me how
Reviewer Filipino PE
| Question | Answer |
|---|---|
| Ano ang Karagatan at Duplo? | Isang uri ng tulang sagutan ng mga nagtutunggaling makata hindi sa paraang padula, kundi sa tagisan ng mga katwiran sa paraang patula. |
| Ang ____ ay isang pamanang pangkalinangan ng ating mga ninuno. | Karagatan |
| Ito'y paglalaro sa paraang tula ng mga binata't dalaga na ang paksa ay pagliligawan. | Karagatan |
| Ginaganap sa bakuran ng isang namatayan sa oras na sumapit ang ikasiyam na gabi matapos na mailibing ang yumao. | Duplo |
| Ay mga salita o parirala na ipinapalit sa mga tuwirang salita na tumutukoy o naglalarawan sa isang bagay, tao o pangyayari. | Eupemistikong Pahayag |
| Mga Elemento ng Tula | Sukat, Tugma, Tono at Paksa |
| Ang matandang tula o ang makalumang tula ay ang mga akdang may taglay na ____ at ____. | Sukat at Tugma |
| Ang bawat taludturan ng tula ay may takdang bilang ng ____. | Pantig |
| Ang ____ ay ang bilang ng pantig ng tula. | Sukat |
| Ito ay karaniwang ____, _____, _____ o ____. | Ito ay karaniwang lalabingwaluhin, lalabinganimin, lalabindalawahin o wawaluhin. |
| Isang pampanitikang paraan ng pagpapahayag na ginagamitan ng mga salitang labas sa patitik o tahas na kahulugan upang magmunyi ang isang larawan o anino. | Tayutay |
| Ginagamitan ng isang pamamaraang tuwas sa karaniwang anyo ng paglalahad upang makapagbunga ng isang tanging bisa. | Tayutay |
| Mga Uri ng Tayutay | 1. Pagtutulad o Simile 2. Pagwawangis o Metapora 3. Pagsasatao o Personipikasyon 4. Pagmamalabis o Eksahirasyon |
| Paraan ng paglalarawan at paghahambing ng dalawang magkaibang bagay. | Pagtutulad o Simile |
| Karaniwang gumagamit ng mga salita't pariralang katulad ng, tulad ng, parang, gaya ng, kasing-, sing-, at ga-. | Pagtutulad o Simile |
| Paghahambing ngunit hindi na ginagamitan ng mga pangatnig. | Pagwawangis o Metapora |
| Paglalarawan sa mga bagay sa paligid gamit ang mga katangiang pantao lamang. | Pagsasatao o Personipikasyon |
| Ito ay isang pagpapahayag na lampas sa mahinahong larawan ng katotohanan sa hangaring magbigay-riin sa katotohanan pinagmamalabisan. | Pagmamalabis o Eksahirasyon |
| Ang katangian ng mga tula noong panahon ng Hapon ay maikli. | Haiku |
| Kilala ito sa pagiging masining nito na pangkasangkapan ang talinhaga. | Tanaga |
| Ang ____ ay binubuo ng 17 pantig at nahahati sa tatlong taludtod at may bilang na lima-pito-lima (5-7-5). | Haiku |
| Isa sa mga katutubong tula sa Pilipinas na naglalaman ng pangaral at payak na pilosopiyang ginagamit ng matatanda sa pagpapagunita sa kabataan. | Tanaga |
| Binubuo ng apat na taludtod at bawat taludtod ay may pitong pantig. | Tanaga |
| Mga Pangungusap na Walang Paksa | 1. Pangungusap na Eksistensyal 2. Pangungusap na Pahanga 3. Maikling Sambitla |
| Ito ay pinangungunahan ng "may" o "mayroon". | Pangungusap na Eksistensyal |
| Nagpapahayag ng damdamin na paghanga. | Pangungusap na Pahanga |
| May tig iisahin o dadalawahing pantig na nagpapahayag ng matinding damdamin. | Maiikling Sambitla |
| Mga Hakbang sa Paggawa ng Pananaliksik sa Aklat | 1. Pagpili ng Paksa 2. Pagpapahayag ng Layunin 3. Ang Paghahanda Ng Tentatibong Bibliyograpiya 4. Ang Paggawa ng Tentatibong Balangkas 5. Ang Pangangalap ng mga Datos |
| Nakasalalay sa matalinong pagpili ng paksa ang tagumpay ng isang mabuting pananaliksik na gagawin. | Pagpili ng Paksa |
| Magkaroon ng isang paunang pahayag ng layunin ang papel o sulating pananaliksik. | Ang Pagpapahayag ng Layunin |
| Dapat na suriing mabuti ang bawat salita upang matiyak ang kahulugan nito. | Ang Pagpapahayag ng Layunin |
| Ang paghahanda ng pansamantalang bibliyograpiya ay simula ng paggamit ng aklatan. | Ang Paghahanda Ng Tentatibong Bibliyograpiya |
| Ang ____ ay mahalagang gabay sa isang maayos na anyo ng isang pananaliksik o pag-aaral. | Ang Paggawa ng Tentatibong Balangkas |
| Huwag kalimutan na maipasaabot sa mambabasa ang pinagkukunan ng mga kaalamang hindi galing sa mananaliksik. | Ang Pangangalap ng mga Datos |
| Dapat matutuhan ng isang nagsasaliksik ang paggamit ng _____ sa silid aklatan. | Kard Katalog |
| Tatlong Uri ng Kard Katalog | 1. Kard ng Awtor 2. Kard ng Pamagat 3. Kard ng Paksa |
| Mababasa sa kard na ito ang buong pangalan ng sumulat ng aklat. | Kard ng Awtor |
| Nakasulat sa kard na ito ang pamagat ng aklat. | Kard ng Pamagat |
| Inaayos ito ng paalpabeto batay sa paksa. | Kard ng Paksa |
| Sa unang linya ng kard, unang mababasa ang paksa na nakapaloob sa aklat. | Kard ng Paksa |