click below
click below
Normal Size Small Size show me how
G5 AP 4Q Ch15
| Question | Answer |
|---|---|
| Pinuno ng Maynila na tumutol sa pananakop ni Legazpi | Raja Soliman |
| Malawak na bulubundukin sa gitnang hilaga ng pulo ng Luzon | Kabundukan ng Cordillera |
| Taguri sa mga katutubong naninirahan sa mga kabundukan na nanatiling nagpapahalaga sa kanilang paniniwala at tradisyon | cultural minority |
| Ito ang tawag sa relihiyon ng mga Muslim | Islam |
| Ang nagpadala ng kauna-unahang ekspedisyon sa Mindanao. | Gobernador-Heneral Francisco Sande |
| Taguri sa banal na digmaan ng mga Muslim | Jihad o Holy War |
| Tawag sa Kabundukan ng Coldillera na nangangahulugang "Bagong Lalawigan". | Nueva Provincia |
| Siya ang pinadala ng mga Espanyol para sakupin ang mga isla ng Sulu at Maguindanao. | Kapitan Esteban Rodriguez de Figueroa |
| Sultan ng Maguindanao na matapang na nakipaglaban sa mga Espanyol. | Sultan Kudarat |
| Nanguna sa pag-aalsa laban sa pang-aabuso ng mga encomendero sa Cagayan. | Magalat |
| Anu-ano ang mga lalawigang matatagpuan sa kabundukan ng Cordillera? | Benguet, Abra, Kalinga, Apayao, Mountain Province, Ifugao at Baguio |
| Ano ang unang pulo na sinalakay ng mga Espanyol sa Mindanao? | Pulo ng Jolo sa Sulu |
| Noong 1578, sino ang nagpadala kay Kapitan Esteban Rodriguez de Figueroa upang sakupin ang Sulu at Maguindanao | Gobernador-Heneral Francisco Sande |
| Ano ang mga dahilan ng di pagtanggap ng mga katutubo sa mga Espanyol? | pagtutol sa bagong relihiyon, hindi paggalang ng mga pinunong Espanyol sa diwa ng pakikipagsanduguan sa mga katutubong pinuno, pangamkam ng lupa ng mga katutubo, di makatarungang pagbubuwis at pagpapatrabaho |
| Anu-ano ang mga pakikipaglabang ginawa ng mga katutubo laban sa mga Espanyol? | Paglaban ng mga Moro, paglaban ni Sultan Kudarat, pag-aalsa ni Magalat, pakikipaglaban ng mga pangkat-etniko sa Cordillera, pagtakas o pagtira sa labas ng pamayanang itinatag ng Espanya |
| Ano ang dahilan ng pag-aalsa ni Magalat kasama ang iba pang mga datu ng Tuguegarao? | Naging abusado at mapagsamantala ang mga encomiendero sa Cagayan. |
| Bakit nabigong sakupin ng mga Espanyol ang Maguindanao? | Nagkulang sila sa probisyon at di napasok ng grupo ni Figueroa ang Rio Grande ng Mindanao |
| Bakit nabuo ang mga cultural minorities kung saan ang kanilang kultura ay kanilang napanatili? | Lumaki ang bilang ng mga katutubong nanirahan sa mga bundok dahil sa kanilang ginawang pagtakas sa mga Espanyol. |
| Bakit ang mga Muslim sa Mindanao ay hindi nasakop ng mga Muslim? | Nagkaisa at buong tapang na nilabanan ng mga Muslim sa Mindanao ang mga Espanyol |
| Bakit nabigong sakupin at kontrolin ng mga Espanyol ang Kabundukan ng Cordillera? | Nakipaglaban ang mga Igorot sa mga Espanyol at hindi agad mapasok ang kanilang lugar dahil matatarik na daan nito |