click below
click below
Normal Size Small Size show me how
G5 SS 4Q Ch13
| Question | Answer |
|---|---|
| Ito ay isang konsehong gumagawa ng patakaran o batas para sa mga bansang sinakop ng Espanya | Consejo de Indias |
| Ito ang namumuno o kumakatawan sa konseho ng kolonya. | Viceroy |
| Ano pinakamataas at pinakamakapangyarihang posisyon noong pamahalaang sentral? | Gobernador-heneral |
| Anu-ano ang mga kapangyarihan ng isang gobernador -heneral? | Kapangyarihang panlehislatibo, pang-ehekutibo at panghudisyal |
| Ito ang kapangyarihan ng isang gobernador-heneral kung saan maaari niyang suspindihin ang mga batas na nagmula sa hari ng Espanyang hindi angkop sa kalagayan ng bansang nasasakupan. | cumplase |
| Sino ang pinaka-unang gobernador-heneral? | Miguel Lopez de Legazpi |
| Sino ang pinakahuling gobernador-heneral? | Diego delos Rios |
| Siya ang haring nagtatag ng Real Audiencia. | Haring Felipe II |
| Anu ang kataas taasang hukuman o pinakamataas na hukuman ng bansa noong panahon ng Espanyol? | Real Audiencia |
| Anu-anu ang mga katungkulan ng Real Audiencia? | Naglilitis ng mga mapang-abusong pinuno. |
| Anu-anu ang apat na oidor na nagsisilbing alcaldes de crimen sa Real Audiencia | gobernador-heneral, piskal, alguacil mayor, tenyente de gran chanciller |
| Ito ay isang sistema sa pamahalaang Espanyol kung saan ang Audiencia at bagong gobernador-heneral ay nagsasagawa ng imbestigasyon sa panunungkulan ng dating gobernador-heneral at sa mga kasamang opisyal nito sa ilalim ng kanyang pamumuno. | residencia |
| Ito ang tagapagsiyasat na pinadadala ng konseho upang magmasid sa kalagayan ng bansa at gumagawa ng ulat sa hari ng Espanya | visitador |
| Anung uri ng pamahalaan ang itinatag o ipinatupad ng mga Espanyol sa Pilipinas? | Pamahalaang Sentral |
| Sino-sinong ang mga gobernador-heneral na naging tapat at mabuti sa kanilang mga tungkulin? | Simon de Anda, Jose Raon, Jose Basco, Narciso Claveria, at Carlos Maria de la Torre |
| Ito ay mga lupang ipinagkakaloob ng hari ng Espanya bilang gantimpala sa katapatan ng mga tauhang Espanyol. Kasabay dito ang mga mamamayang naninirahan sa lupa. | Encomienda |
| Ito ang tawag sa namumuno sa isang Encomienda. | Encomendero |
| Ano ang tungkulin ng isang encomendero? | Pangongolekta ng buwis at pangangasiwa sa kanyang nasasakupan |
| Ano ang dalawang uri ng pamahalaang lokal ? | Pamahalaang Panlalawigan at Pamahalaang Panlungsod |
| Ito ay isang Pamahalaang Panlalawigan na namamahala sa mga lugar na nasakop ng Espanyol at kumikilala sa Pamahalaang Espanyol | Alcaldia |
| Ito ay isang Pamahalaang Panlalawigan na namamahala sa mga lugar na hindi pa lubos na nasasakop o napasusuko ng mga Espanyol | Corregimiento |
| Siya ang namamahala sa Alcaldia | Alcalde Mayor |
| Siya ang namamahala sa Corregimiento | Corregidor |
| Ito ang pribilehiyong ipinagkaloob sa mga alcalde mayor at corregidor kung saan sila ay maaring lumahok sa kalakalang galleon. | indulto de comercio |
| Ito ang namumuno sa isang pueblo. | gobernadorcillo |
| Ito ang namumuno sa isang baranggay. | cabeza de baranggay |
| Ito ay isang gusaling tinutuluyan ng mga bisita o manlalakbay sa kanilang bayan. | casa tribunal |
| Ano ang pinakamataas na tungkulin na maaring gampanan ng isang Pilipino noong panahon ng Espanyol? | gobernadorcillo |
| Ano ang mga prebilihiyo ng isang gobernadorcillo? | Hindi paglahok sa polo (sapilitang paggawa) at hindi pagbabayad ng buwis |
| Ito ang pinakamaliit na yunit ng pamahalaang noong panahon ng Espanyol. | Barangay |
| Sino ang pinakabatang naging cabeza de barangay sa edad na 17. | Emilio Aguinaldo |
| Ano ang mga pribilehiyo ng cabeza de barangay. | mapabilang sa principalia o aristokrasya, di pagbayad ng buwis at di kabilang sa polo |
| Ito ay mga pueblong lumaki at naging lungsod na naging sentro ng kalakalan, edukasyon. Ito ay sakop ng pamahalaag panlungsod. | ayuntamiento |
| Sila ang namamahala sa ayuntamiento. | alkalde-mayor at mga konsehal |
| Sila ang mga karaniwang ginagawang cabeza de barangay. | Raja at sultan |
| Noong 1836, ang Pilipinas ay napabilang sa konsehong ito sa tulong ng konseho de filipinas. | Ministro de Ultramar |
| Ano ang mga 3 sistema o hakbang na ginamit ng hari ng Espanya upang masiyasat ang uri ng pamamahala ng mga gobernador-heneral at mga opisyal sa mga bansang kolonya? | Real Audiencia, Residensia at Visitador |
| Ito ang kapangyahiran ng pinunong magpatupad ng batas | Ehekutibo |
| Ito ay isang bansang sinakop at pinamumunuan ng ibang bansa | Kolonya |
| Ito ang kapangyarihan ng pinunong gumawa o lumikha ng batas | Lehislatibo |
| Ito ay mga karapatan, kalakasan o benepisyo na para lamang sa iilang taong nabiyayaan nito | Pribilehiyo |