click below
click below
Normal Size Small Size show me how
Bahagi ng Pananalita
Filipino: Bahagi ng Pananalita
Question | Answer |
---|---|
Pangngalan | Ito ay mga pangalan ng tao, hayop, pook, bagay, pangyayari. Halimbawa: Chel Diokno, Nueva Ecija |
Panghalip | Ito ay panghalili sa pangngalan. Halimbawa; ako, ikaw, siya |
Pangatnig | Ito ginagamit para ipakita ang relasyon ng mga salita sa pangungusap. Halimbawa: dahil, samantala, para |
Pandiwa | Ito ay nagsasaad ng kilos o gawa. Halimbawa: bumoto, pumila, awit, sayaw |
Pang-ukol | Ito ay salitang ginagamit upang dugtungin ang pangngalan, panghalip, pandiwa o pang-abay sa pinag-uukulan nito. Halimbawa: Para sa, Ayon kay, Hinggil sa |
Pang-angkop | Ito ay ang mga katagang nag-uugnay sa magkakasunod na mga salita upang mas madulas ang pagbasa nito. Halimbawa: na, ng |
Pang-uri | Ito ay naglalarawan ng katangian ng pangngalan o panghalip. Halimbawa: Magandang (bata), Mataas (na puno) |
Pang-abay | Ito ay naglalarawan sa pang-uri, pandiwa at kapwa nito pang-abay. Halimbawa: (Mabilis) siyang tumakbo. Umalis kami (kahapon ng umaga). |
Pantukoy | Tinutukoy ang relasyon ng paksa at panaguri sa pangungusap. Halimbawa: ang, mga, sina, nina |