Save
Busy. Please wait.
Log in with Clever
or

show password
Forgot Password?

Don't have an account?  Sign up 
Sign up using Clever
or

Username is available taken
show password


Make sure to remember your password. If you forget it there is no way for StudyStack to send you a reset link. You would need to create a new account.
Your email address is only used to allow you to reset your password. See our Privacy Policy and Terms of Service.


Already a StudyStack user? Log In

Reset Password
Enter the associated with your account, and we'll email you a link to reset your password.
focusNode
Didn't know it?
click below
 
Knew it?
click below
Don't Know
Remaining cards (0)
Know
0:00
Embed Code - If you would like this activity on your web page, copy the script below and paste it into your web page.

  Normal Size     Small Size show me how

Filipino (Midterm)

Larawang Sanaysay, Replektibong Sanaysay, Mga Manunulat ng Sanaysay

QuestionAnswer
Larawang-Sanaysay isang uri ng artikulong pang-edukasyon na naglalayong makapagbigay ng babasahin at larawang magpapakita ng isang isyung maaaring pag-uusapan.
Larawang-Sanaysay Ito ay kalimitang naglalaman ng maikling panimula at buod ng istorya.
Larawang-Sanaysay mga inihanay at sunod-sunod na larawang naglalayon upang magbigay ng kwento o ‘di kaya ay nagpapakita ng emosyon.
Larawang-Sanaysay Maaaring ito ay mga larawang mayroon kapsyon o larawang mayroong maikling sanaysay.
Larawang-Sanaysay Sa kabuuan, ito ay maaaring isunod sa kahit anong gustuhin ng manunulat na istilo. Walang limitasyon, ganito ang photo/photo essay
Sangkap ng Larawang-Sanaysay 1. Teksto ("Journalistic Feel") 2. Larawan (Clear Picture)
Mga Katangian ng Mahusay na Larawang-Sanaysay 1. Malinaw na Paksa 2. Pokus 3. Orihinalidad 4. Lohikal na Estruktura
Ang Larawang-Sanaysay ay mga larawang nagpapahayag ng mga sumusunod: 1. Kronolohikal na Istorya 2. Isang ideya 3. Isang panig ng isyu
Mga dapat isaalang-alang sa paglikha ng larawang-sanaysay 1. Maghanap ng isang paksa naayon sa iyong interes. Humanap ka ng mga paksang may malaking kaugnayan sa komunidad at kayang maunawaan ng kahit na anong henerasyon
Mga dapat isaalang-alang sa paglikha ng larawang-sanaysay 2. Magsagawa ng pananaliksik bago isagawa ang pictorial essay
Mga dapat isaalang-alang sa paglikha ng larawang-sanaysay 3. Hanapin ang tunay na kuwento. Matapos ang pananaliksik, maaari mo nang matukoy kung saang anggulo na gusto mong dalhin ang inyong kuwento. Ang pangunahing layunin ng bawat larawan ay upang lumikha ng isang kapani-paniwala at natatanging kuwento.
Mga dapat isaalang-alang sa paglikha ng larawang-sanaysay 4. Ang kuwento ay binubuo upang gisingin ang damdamin ng mambabasa. Gamitin mo sa larawan ang damdaming dapat na mamayani rin sa mga mambabasa.
Mga dapat isaalang-alang sa paglikha ng larawang-sanaysay 5. Magsimula ka nang kumuha ng larawan. Sa bawat “shot” na pagkuha ng larawan na gagawin mo, siguraduhing ito ay maaaring makapagbibigay ng diin sa konseptong nais mong ilahad sa iyong pictorial/photo essay.
Repleksyon pagbabalik tanaw o pag-uulit
Sanaysay Ang sanaysay ay isang maiksing komposisyon na kalimitang naglalaman ng personal na kuro-kuro ng may-akda.
Replektibong Sanaysay isang masining na pagsulat na may kaugnayan sa pansariling pananaw at damdamin sa isang partikular na pangyayari
Replektibong Sanaysay Tumutulong sa atin na mag-isip nang higit pa hinggil sa ating sarili
Replektibong Sanaysay isang uri ng sanaysay na bilang isang manunulat ay sinusuri natin ang ating sariling mga karanasan sa buhay. Karanasan at pananaliksik kung paano tayo binabago at pinauunlad ng mga karanasan sa buhay dulot ng mga pagbabagong nagaganap sa sarili
Replektibong Sanaysay Ang pagsulat ng isang replektibong sanaysay ay may kaunting kaibahan kung sino ang bumabasa nito.
Replektibong Sanaysay Halimbawa: Ang pagsulat ng isang replektibong sanaysay mula sa mga mag-aaral sa kolehiyo ay may kaibahan sa mga replektibong sanaysay na nababasa sa alinmang magasin o sa mga tinipong sanaysay
Panimula ng Replektibong Sanaysay Ang manunulat ay nagbibigay ng maikling salaysay bilang introduksyon sa pagbabahagi ng karanasan na nais bigyan ng replektibong pagsulat tuwiran man o ‘di tuwiran man ang hatid nito.
Katawan ng Replektibong Sanaysay Nagpapaliwanag kung sa papaanong paraan ang isang manunulat ay napabago at kung ano ang mga natutunan mula sa karanasang tinalakay
Katawan ng Replektibong Sanaysay Mga rebelasyon kung paano nabago ang kalagayan pagkaraan ng ilang panahon at papaano nagpapatatag ang mga natutunang ito sa sariling buhay
Konklusyon ng Replektibong Sanaysay Paglalahad ng mga pagbabago at epekto ng lahat ng pagbabagong nangyari. Ang manunulat ay maaaring tumingin sa hinaharap at maaari din namang tumingin sa nakaraan.
Gabay sa Pagsulat ng Replektibong Sanaysay 1. Bigyan ng pansin ang panahong saklaw ng repleksyon. 2. Isa hanggang dalawang pahina lamang ang repleksyon. 3. Inaasahang hindi na magpaligoy-ligoy pa.
Gabay sa Pagsulat ng Replektibong Sanaysay 4. Maaaring gumamit ng wikang pormal o kumbensyonal. 5. Magbigay ng mga halimbawa o aplikasyong natutuhan sa klase. 6. Laging isaisip na ito ay gagraduhan batay sa talas ng iyong pagmumuni-muni.
Gabay sa Pagsulat ng Replektibong Sanaysay 7. Huwag balewalain ang mga mahalagang tuntunin bagaman ito ay isang personal na gawain. 8. Ipaloob ang sarili sa mikro at makro na lebel ng pagtingin sa mga konseptong tinalakay
Gabay sa Pagsulat ng Replektibong Sanaysay 9. Banggitin ang mga sangguniang galing sa iba’t ibang sanggunian. 1o. Maglagay ng pamagat.
Hakbang sa Pagsulat ng Replektibong Sanaysay 1. Ikonsidera ang pagkalap ng mga datos at mga bagay na kailangang gamitin. 2. Pagandahin ang panimulang bahagi. 3. Pagtalakay ng ibat ibang aspekto ng karanasan.
Hakbang sa Pagsulat ng Replektibong Sanaysay 4. Ang Kongklusyon ay dapat na magkaroon ng repleksiyon sa lahat ng tinalakay 5. Kinakailangang malinaw na nailalahad ng manunulat ang kaniyang punto upang lubusang maunawaan ng mambabasa 6. Rebyuhin ng ilang ulit ang repleksyon.
Replektibong Sanaysay Replektibong Pag-iisip + Mahalagang Impormasyon
Replektibong Sanaysay Nakaraan na pangyayari -> Mga mangyayari
Caiingat Cayo Sanaysay na isinulat ni Marcelo H. Del Pilar
Marcelo H. Del Pilar Kilala sa sagisag panulat na Piping Dilat, Plaridel, Dolores Manapat, at Pupdoh
Marcelo H. Del Pilar Siya ay isinilang noong ika 30 ng Agosto 1850 sa Kupang, San Nicolas, Bulacan Siya ay bunso sa sampung magkakapatid ng mayamang pamilya nina Don Julian del Pilar na isang gobernadorcillo at Doña Blasa Gatmaytan.
Marcelo H. Del Pilar Nag-aral siya sa Colegio de San Jose at nagtapos ng abogasya sa Unibersidad ng Santo Tomas (UST) noong 1880.
Marcelo H. Del Pilar Noong Pebrero 1878, pinakasalan niya ang pinsang si Marciana del Pilar at nagkaanak sila ng pito
Hanapbuhay ni Del Pilar Pangunahing lider ng Kilusang Propaganda, Isang dakilang makata at manunulat, Tagapagtatag at editor ng Diariong Tagalog, Naging ikalawang editor ng La Solidaridad kapalit ni Graciano Lopez Jaena
Ilan sa mga akda ni Del Pilar Dudas, Caiingat Cayo, Kadakilaan ng Diyos, Dasalan at Tocsohan, Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinas, Pasyong Dapat Ipag-Alab nang Puso ng Taong Babasa, La Frailocracia Filipina
Tema ng Sanaysay na Caiingat Cayo Ito ay isinulat sa panahon ng pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas
Paksa ng Sanaysay na Caiingat Cayo Ito ay tungkol sa panunuligsa ng mga Pilipino sa pamamalakad ng mga kastila
Saan at kalian inilathala ang Caiingat Cayo? Agosto 3, 1888 sa Barcelona
Inspirasyon ni Del Pilar sa pagsulat ng Caiingat Cayo Ito ay sagot at pagtuligsa niya sa akda ni Padre Jose Rodriguez na may pamagat na Caiingat Cayo.
Inspirasyon ni Del Pilar sa pagsulat ng Caiingat Cayo Isinulat niya ang sariling bersyon ng akda ni Jose Rodriguez upang ipakita kung paano ginamit ng mga prayle ang pangalan ng ating Diyos para sa kanilang pansariling kapakanan at kapakinabangan
Inspirasyon ni Del Pilar sa pagsulat ng Caiingat Cayo Nais ni Del Pilar na ipagtanggol ang Noli Me Tangere ni Jose Rizal na binatikos ni Jose Rodriguez at tuligsain ang mga prayle
Jhoanna Lynn B. Cruz Dakilang Manunulat, Guro sa Panitikan at Malikhaing Pagsulat sa University of the Philippines Mindanao, Presidente ng Davao Writers Guild, Tagapangasiwa ng Rehiyon sa Timog Mindanao sa National Committee on Literary Arts
Mga akda ni Jhoanna Lynn B. Cruz 1. Woman Loving (2010) 2. Agua de Viuda (2016) 3. Halakata, Ms. D! (1999) 4. Abi Nako (2020)
Sapay Koma -Ang “Sapay Koma” ay isang sanaysay na isinulat ni Jhoanna Lynn B. Cruz -Nagwagi ito ng pangatlong gantimpala sa Kategorya ng Sanaysay sa 58th Carlos Palanca Memorial Awards for Literature 2008. -Tungkol sa relasyon nila ng kanyang asawa noon
Edgar Calabia Samar -Pinanganak noong 18 February 1981 sa San Pablo City, Philippines -Siya ay nakapagtapos ng elementarya hanggang sekondaryang pag aaral taong 1988-1998 sa isang katolikong paaralan ng Liceo de San Pablo
Edgar Calabia Samar -Graduate ng AB in Psychology taong 2002 sa Ateneo de Manila University -Siya ay nagtuturo ng Philippine Literature at Creative Writing sa Ateneo de Manila simula taong 2011
Edgar Calabia Samar -Nagkamit ng MA in Filipino Literature taong 2004, at taong 2011 natanggap niya ang kanyang Doctor of Philosophy sa University of the Philippines in Diliman,kasama ang parangal ng Gawad Antonio Abad para sa pinakamahusay na Disertasyon.
Edgar Calabia Samar -Naging Direktor ng 7th National Writers Workshop noong Oktubre taong 2007 na ginanap sa Sacred Heart Novitiate Quezon City
Naging Manunulat si Samar dahil... Siya ay nangunguna sa mga pagsusulit ng kakayahan simula noong siya ay nasa primaryang antas pa lamang sa Laguna, Kung kaya't siya ay pinag aral sa Ateneo de San Pedro sa halip na sa pampublikong paaralan.
Naging Manunulat si Samar dahil... Sa kabila na siya ay lumaki sa relihiyosong pamilya, at pinagtutulakang maging sakristan, malinaw na ang buhay sa simbahan ay hndi para sa kanya, kundi ang buhay sa pagsusulat na nagdudulot ng ibang kasiyahan sa kanya.
Naging Manunulat si Samar dahil... Siya ay nahalina sa pluma at papel simula nang siya'y bata pa, siya ay sumusubok sa mga patimpalak sa pagsusulat nung siya'y nasa elementarya at nahihirang bilang kauna-unahang punong patnugot ng kanilang pamahayagang papel.
Mga Sanaysay ni Samar -"Si Big Brother, Si Boy Bastos, at ang Pagsasalba ng Katawan sa Textong Popular Ayon Kay Antonio Pigafetta" in Malay 20, No. 1 (2007) -"Paghawak sa Panahon: Ang Salaysay Bilang Talinghaga sa Tula"[permanent dead link] in Loyola Schools Review 6 (2007)
Mga Nobela ni Samar -Walong Diwata ng Pagkahulog na isinalin sa ingles na pinamagatang "Eight Muses of the Fall" -Sa Kasunod ng 909 -Halos Isang Buhay: Ang Manananggal sa Pagsusulat ng Nobela -Janus Silang at ang Pitumpu't Pitong Pusong
Mga Nobela ni Samar -Janus Silang at ang Tiyanak ng Tabon -Janus Silang at Labanang Manananggal-Mambabarang
Koleksyon ng mga Maikling Kwento ni Samar Alternatibo sa Alternatibong Mundo: 13 Metakuwento/Malakuwento"
Mga Tula ni Samar -Pag-aabang sa Kundiman: Isang Tulambuhay -Maskara't Pambata: Malatulambuhay -Samantalang Sakop at Iniibig: Panibagong Tulambuhay
Estilo ng Pagsulat ni Samar -Mas nabighani sa long-form fiction kaysa sa pamamahayag or journalism -Nawili sa pagsusulat ng mga tula -Karamihan sa kaniyang gawa ay nakasulat sa wikang Filipino (felt natural for him)
Estilo ng Pagsulat ni Samar -Ang kanyang hilig at kaalaman sa mga komics ay makikita sa kanyang mga gawa. (ex: “Uuwi na ang Nanay Kong Si Darna” ) -
"Si Big Brother, Si Boy Bastos, at ang Pagsasalba ng Katawan sa Textong Popular Ayon Kay Antonio Pigafetta Gamit bilang lunsaran ang ilang bahagi ng Primo Viaggio Intorno al Mondo ni Antonio Pigafetta bilang seminal na akda ng 'pagsasalba' ng katawan sa Pilipinas
"Si Big Brother, Si Boy Bastos, at ang Pagsasalba ng Katawan sa Textong Popular Ayon Kay Antonio Pigafetta Sisiyasatin ng papel na ito ang 'pagsa-salita' ng katawan sa dalawang textong popular: sina Big Brother at Boy Bastos.
"Si Big Brother, Si Boy Bastos, at ang Pagsasalba ng Katawan sa Textong Popular Ayon Kay Antonio Pigafetta 1) Bakit sa katawan natin ipinoposisyon ang represyon?; 2) Paano nagaganap ang pagpoposisyon ng represyon sa katawan?;
"Si Big Brother, Si Boy Bastos, at ang Pagsasalba ng Katawan sa Textong Popular Ayon Kay Antonio Pigafetta 3) Ano ba ang katawan na tinutukoy natin sa ganitong pagpoposisyon ng represyon?
"Si Big Brother, Si Boy Bastos, at ang Pagsasalba ng Katawan sa Textong Popular Ayon Kay Antonio Pigafetta Sa pamamagitan ng dekonstruksiyon sa produksiyon at reproduksiyon sa mga texto ng katawan kina Big Brother at Boy Bastos, ipapakitang hindi magkasalungat at imbes ay magkaibang mukha lamang sila ng iisang proseso ng 'pagsasalba ng katawan'.
Awards ni Edgar Calabia Samar -1997 National Schools Press Conference, Second Place for Editorial Writing in Filipino -1999 6th Ateneo-Heights Writers' Workshop, Fellow for Poetry in Filipino -2000 1st UST National Writers' Workshop, Fellow for Poetry in Filipino
Awards ni Edgar Calabia Samar -2001 38th UP National Writers Workshop, Fellow for Poetry in Filipino -2002 PBBY-Salanga Writer's Prize, Grand Prize for "Uuwi na ang Nanay Kong si Darna!" -2003 1st Iyas-La Salle National Writers' Workshop, Fellow for Poetry in Filipino
Awards ni Edgar Calabia Samar -2004 Palanca Awards for Poetry in Filipino, First Prize for "Tayong Lumalakad Nang Matulin" -2004 Gawad Surian sa Tula, Grand Prize for "Kung Bakit Tayo Nakikinig sa Alamat" -2005 NCCA Writer's Prize, Grand Prize for Walong Diwata ng Pagkahulog
Awards ni Edgar Calabia Samar -2007 46th UP National Writers Workshop, Fellow for Poetry in Filipino -2007 Gantimpalang Collantes sa Sanaysay, Second Prize for "Tungo sa Pag-awit ng Inadung" -2009 Man Asian Literary Prize, Longlist for "Eight Muses of the Fall"
Awards ni Edgar Calabia Samar -2010 International Writing Program, Fellow
Alejandro Abadilla -(10 Marso 1906–26 Agosto 1969) -Makata ng Modernistang Tula -Ama ng Panulaang Tagalog
Alejandro Abadilla -Isinilang siya sa Salinas, Cavite noong 10 Marso 1906 sa isang simpleng pamilya. -Nagtapos siya sa Mababang Paaralan ng Baryo Sapa at sa Mataas na Paaralan ng Cavite.
Alejandro Abadilla -Nakamit niya ang titulong Batsilyer sa Sining ng Pilosopiya mula sa Unibersidad ng Santo Tomas noong 1931. -Nagsilbi siyang konsehal sa munisipyo ng Salinas hanggang 1934, at pagkaraan ay naglako ng seguro para sa Philippine-American Life Insurance.
Alejandro Abadilla -Nagkaroon siya ng walong anak sa asawang si Cristina Zingalava. -Pumanaw siya noong 26 Agosto 1969. -Siya'y pinarangalan ng "Republic Cultural Heritage Award" noong 1966 nang dahil sa kaniyang kontribusyon sa Literatura ng Pilipinas.
Alejandro Abadilla -Bukod sa pagiging makata, siya ay isang nobelista at kritikong pampanitikan -Sa kaniyang mga akda, hinamon at sinalungat ni Abadilla ang dikahong paggamit ng tugma at sukat sa tula at ang labis na romantisismo sa panitikang Tagalog.
Alejandro Abadilla -Isa siya sa mga tagapagtatag ng Kapisanang Panitikan, at editor-tagapaglathala ng magasin nitong Panitikan upang isulong ang pagpapaunlad ng panitikang Tagalog.
Alejandro Abadilla -Itinuturing ang tula niyang ”Ako ang Daigdig” na hudyat ng pagsilang ng Modernistang pagtula sa Tagalog bukod sa lumikha ito ng malaking kontrobersiya sa nilalaman at sa anyong may malayang taludturan.
Mga Gawa ni Alejandro G. Abadilla -Ang kaniyang mga aklat ng tula ay Ako ang Daigdig at Iba Pang Tula (1955), -Piniling mga Tula ni AGA (1965), at Tanagabadilla (1964, 1965); -Ang kaniyang mga nobela ay Singganda ng Buhay (1947) at Pagkamulat ni Magdalena (1958).
Mga Gawa ni Alejandro G. Abadilla -Siya ang editor ng mga antolohiyang Parnasong Tagalog, ang unang pagtitipon sa isang aklat ng mga pangunahing tula ng mga makatang Tagalog mula 1800 hanggang 1940s,
Mga Gawa ni Alejandro G. Abadilla -Mga Kuwentong Ginto (1936, kasama si Clodualdo del Mundo Sr.), Ang Maikling Kathang Tagalog (1954, kasama si Federico Sebastian at A. D. G. Mariano), at Maikling Katha ng 20 Pangunahing Awtor (1957, kasama si Ponciano B. P. Pineda).
Pagsikat ni Alejandro G. Abadilla -Nagsimula siyang makilala bilang kontrobersiyal na manunulat noong buksan niya ang isang kolum sa pamimilì ng mahuhusay na maikling kuwento at tula.
Pagsikat ni Alejandro G. Abadilla -Pinamagatan niya ang kolum na Talaang Bughaw at minarkahan sa pamamagitan ng isa hanggang tatlong asterisko ang ipinalalagay niyang husay ng isang nalathalang akda.
Pagsikat ni Alejandro G. Abadilla -Maraming nagalit na katandaan at popular na manunulat dahil malimit na mababa ang kanilang markang asterisk.
“Ako ang Daigdig” ni Alejandro Abadilla AKO ANG DAIGDIG AKO ANG TULA AKO ANG DAIGDIG ANG TULA NG DAIGDIG AKO ANG WALANG MALIW NA AKO ANG WALANG KAMATAYANG AKO ANG TULA NG DAIGDIG
“Ako ang Daigdig” ni Alejandro Abadilla Maaaring makabuo ng dalawang kahulugan sa paggawa nito: 1. Pag-aaklas sa tradisyunal na sukat at tugma ng isang tula. 2. Pag-aaklas laban sa mga mananakop sa bansang Pilipinas.
“Tula: Kaisahan ng Kalamnan at Kaanyuan” ni Alejandro Abadilla -Ang manunulat ay ang pangunahing nangangasiwa sa daloy ng paksa, ang nilalaman, at ang balangkas ng tula. -Ang sanaysay na ito ay naging hudyat ng paghuhugis sa bagong mukha ng panulaan nang panahong iyon – Makabagong Panulaan at Prosang Tagalog.
“Tula: Kaisahan ng Kalamnan at Kaanyuan” ni Alejandro Abadilla -Ang tradisyunal na pagsulat ng tulang may sukat at tugma, ay isang napakahalagang batayan upang maituring na tula ang naisulat. Ito ay isang sagradong elemento sa pagkilala ng sining ng kapanahunang iyon.
“Tula: Kaisahan ng Kalamnan at Kaanyuan” ni Alejandro Abadilla -Ipinaliwanag sa sanaysay na ang pagbabagong hangad na ito ay hindi isang pagwasak kundi isang paglinang. -Binigyang linaw din dito ang maling paniniwala ng mga kritiko na masisira ng pagbabagong ito ang katutubong balangkas ng Tulang Tagalog.
“Tula: Kaisahan ng Kalamnan at Kaanyuan” ni Alejandro Abadilla -Ayon kay Abadilla, ang pamamaraan sa pagsulat ng tula ay hindi mahalaga. Sa halip, ang laman, damdaming may hubog, kulay, tinig, at ang daloy ng mensahe na gustong ibahagi ng makata sa kanyang mga mambabasa ay ang lubos na dapat mabigyang diin.
Created by: gelgel
Popular Languages sets

 

 



Voices

Use these flashcards to help memorize information. Look at the large card and try to recall what is on the other side. Then click the card to flip it. If you knew the answer, click the green Know box. Otherwise, click the red Don't know box.

When you've placed seven or more cards in the Don't know box, click "retry" to try those cards again.

If you've accidentally put the card in the wrong box, just click on the card to take it out of the box.

You can also use your keyboard to move the cards as follows:

If you are logged in to your account, this website will remember which cards you know and don't know so that they are in the same box the next time you log in.

When you need a break, try one of the other activities listed below the flashcards like Matching, Snowman, or Hungry Bug. Although it may feel like you're playing a game, your brain is still making more connections with the information to help you out.

To see how well you know the information, try the Quiz or Test activity.

Pass complete!
"Know" box contains:
Time elapsed:
Retries:
restart all cards