click below
click below
Normal Size Small Size show me how
FPL REVIEW
1ST SEM PRELIMS, 12 ST. EDITH STEIN
| Question | Answer |
|---|---|
| Ay isa sa mga makrong kasanayang dapat mahubog sa mga mag-aaral. | Pagsusulat |
| Mga Makrong Kasanayan | Pakikinig, Pagbabasa, Panonood, Pagsulat, Pagsasalita |
| nakabatay sa pansariling pananaw, karanasan, naiisip o nadarama ng manunulat. | Personal o Ekspresibo |
| ang makipag-ugnayan sa ibang tao o sa lipunang ginagalawan. Ang ibang tawag sa layuning ito ng pagsusulat ay “transaksiyonal.” | Panlipunan o Sosyal |
| Uri ng Paglalarawan | Subhetibo at Obhetibo |
| may pinagbabatayang katotohanan. | Obhetibo |
| Ang manunulat ay maglalarawan ng napakalinaw at halos madama na ng mambabasa, subalit ang paglalarawan ay nakabatay lamang sa kanyang mayamang imahinasyon at hindi nakabatay sa isang katotohanan sa totoong buhay. | Subhetibo |
| Pangangailangan sa Pagsulat | Wika, Paksa, Layunin, Pamaraan ng Pagsulat, Kasanayaan Pampag-iisip, Kaalaman sa wastong pamamaraan ng pagsulat, at kasanayan sa Paghahabi ng Buong Sulatin |
| Mga paraan ng pagsulat | Paraang Impormatibo Paraang Ekspresibo Paraang Naratibo Paraang Deskriptibo Paraang Argumentatibo |
| Nagsisilbing behikulo para maisatitik ang mga kaisipan, kaalaman, damdamin, karanasan, impormasyon, at iba pang nais ipabatid ng taong nais sumulat. | Wika |
| Ang pagkakaroon ng isang tiyak at magandang tema ng isusulat ay isang magandang simula dahil dito iikot ang buong sulatin. | Paksa |
| Ang layunin ay magsisilbing gabay sa paghabi ng mga datos o nilalaman ng isusulat. | Layunin |
| May limang paraan ng pagsulat upang mailahad ang kaalaman at kaisipan ng manunulat batay na rin sa layunin o pakay sa pagsusulat. | Pamaraan ng Pagsulat |
| Taglay ng manunulat ang kakayahang mag-analisa upang masuri ang mga datos, mahalaga man o hindi, na ilalapat sa pagsulat. | Kasanayang Pampag-iisip |
| Sapat na kaalaman sa wika at retorika partikular sa wastong paggamit ng malaki at maliit na titik, wastong pagbaybay, paggamit ng batas, pagbuo ng talata, at masining at obhetibong paghabi ng mga kasipan upang makabuo ng isang mahusay na sulatin. | Kaalaman sa Wastong Pamamaraan ng Pagsulat |
| kakayahang mailatag ang mga kaisipan at impormasyon mula sa panimula hanggang sa wakas na maayos, organisado, obhetibo, at masining na pamamaraan ang isang komposisyon. | Kasanayan sa Paghahabi ng Buong Sulatin |
| Mga uri ng pagsulat | malikhaing pagsulat, teknikal, propesyonal, akademiko, reperensyal, at dyornalistik |
| Maghatid ng aliw, makapukaw ng damdammin, at makaantig ng imahinasyon at isipan ng mga mababasa Hal: Tula, Dula, Maikling Kwento, Panitikan | Malikhaing Pagsulat |
| Ito ay ginagawa sa layuning pag-aralan ang isang proyekto o bumuo ng isang pag-aaral na lulutas sa isang problema. Hal: Feasibility study, Ulat-Panlaboratoryo, Manual o Gabay sa Paggamit, Ulat-Panteknikal (Technical Report) | Teknikal na Pagsulat |
| May kinalaman sa mga sulating kaugnay sa isang tiyak na larangan, propesyon o bokasyon ng isang tao. Hal: Liham Aplikasyon (Application Letter), Resume o Curriculum Vitae (CV), Memorandum (Memo), Katitikan ng Pulong (Minutes of the Meeting) | Propesyonal na Pagsulat |
| may kinalaman sa pamamahayag nakatuon sa isang pagbubuod ng artikulo na karaniwang laman ng pahayagan pangkampus man bansa o pandaigdig Hal: Balita, Editoryal, Isports, Lathalain, at Agham | Dyornalistik (Journalistic) na Pagsulat |
| Bigyang Pagkilala ang mga pinagkunang kaalaman o impormasyon sa paggawa ng konseptiong papel, tesis at disertasyon) Review of related literature, American Psychological Association, Modern Language Association, Chicago style | Reperensyal (Referential) na Pagsulat |
| Intelektuwal na pagsulat na nakatutulong sa pagpapataas ng antas ng kaalaman ng tao sa iba’t ibang larangan Hal: Abstrak, Sintesis, Punukalang Proyekto, Bionote, Talumpati | Akademikong Pagsulat |
| ay itinuturing na isang institusyon ng mga kinikilala at respetadong iskolar at siyentista na ang layunin ay isulong, paunlarin, palalimin, at palawakin ang kaalaman ng partikular na larangan. | Akademiko |
| pagpapahalaga sa kapuwa ay gumagabay kung paano natin ihaharap ang ating sarili o pakikiharapan ang ating kapuwa. Gayundin, tumutulong ito upang magkaroon ng kaayusan at katahimikan sa isang lipunan. | Etika |
| Intellectual property code of the philippines o republic act No. 8293 ang karapatan at obligasyon ng mga may akda (manunulat, artista, iskolar, tagasalin, kompayler, editor, mananaliksik at iba) pati na ang paggamit nito | Copyright |
| Ito ang maling pag gagamit, “pagnanakaw ng mga ideya, pananaliksik, lengguwahe at payahag” ng ibang tao sa layuning angkinin ito o magmukhang sa kanya | Plagiarism |
| Mga Pagpapahalagang Intelektuwal at Moral sa Akademiya | Kababaang-loob, Lakas ng loob, Pakikiisa at pag-unawa sa karanasan at kalikasan ng iba, Integridad, Pagsisikap o pagsisikhay, Paniniwala sa katwiran, Kamalayang mapanuri, at Pagaatubili |