click below
click below
Normal Size Small Size show me how
FILIPINO PLUMA PER.
2nd sem periodical exam
| Term | Definition |
|---|---|
| TEKSTONG NARATIBO | Ay ang pagsasalaysay o pagkuwento ng mga pangyayari sa isang tao o mga tauhan. |
| UNANG PANAUHAN | Ang nagsasalaysay ng mga bagay na kanyang nararanasan, naaalala, o naririnig kaya gumagamit ng panghalip na "ako". |
| IKALAWANG PANAUHAN | Ang tauhang pinagagalaw niya sa kuwento kaya't gumagamit siya ng mga panghalip na "ka" o "ikaw" |
| IKATLONG PANAUHAN | Ang mga pangyayari sa pananaw na ito ay isinasalaysay ng taong walang relasyon sa tauhan kaya ang panghalip na ginagamit niya sa pagsasalaysay ay "siya" |
| MALADIYOS NA PANAUHAN | Nababatid niya ang galaw at iniisip ng lahat ng mga tauhan. (INIISIP, DAMDAMIN, AT PANINIWALA) |
| LIMITADONG PANAUHAN | Nababatid niya ang iniisip at ikinikilos ng isa sa mga tauhan subalit hindi ang sa iba pang tauhan. |
| TAGAPAG-OBSERBANG PANAUHAN | Hindi niya napapasok o nababatid ang nilalaman ng isip at damdamin ng mga tauhan. |
| DIREKTA o TUWIRANG PAGPAPAHAYAG | Ang tauhan ay direkta o tuwirang nagsasaad o nagsasabi ng kanyang diyalogo, saloobin, o damdamin. Ito ay ginagamitan ng panipi. |
| DI DIREKTA o DI TUWIRANG PAGPAPAHAYAG | Ang tagapagsalaysay ang naglalahad sa sinasabi, iniisip, o nararamdaman ng tauhan sa ganitong uri ng pagpapahayag. Hindi na ito ginagamitan ng panipi. |
| PANGUNAHING TAUHAN | Sa pangunahing tauhan o bida umiikot ang mga pangyayari sa kuwento mula simula hanggang sa katapusan. |
| KATUNGGALING TAUHAN | Ang katunggaling tauhan o kontrabida ay siyang sumasalungat o kalaban ng pangunahing tauhan. |
| KASAMANG TAUHAN | Ang kasamang tauhan ay karaniwang kasama o kasangga ng pangunahing tauhan. Ang pangunahing papel o tungkulin niya ay sumuporta, magsilbing hingahan, o kapalagayang-loob. |
| ANG MAY AKDA | Sinasabing ang pangunahing tauhan at ang may-akda ay lagi nang makasama sa kabuoan ng akda. |
| TAUHANG BILOG | Maraming saklaw ang personalidad. Tulad ng isang tunay na katauhan, nagbabago ang kanyang pananaw, katangian, at damdamin ayon sa pangangailan. |
| TAUHANG LAPAD | Tauhang nagtataglay ng iisa o dadalawang katangiang madaling matukoy o predictable. |
| TAGPUAN AT PANAHON | Ang tagpuan ay tumutukoy hindi lang sa lugar kung saan naganap ang mga pangyayari sa akda kundi gayundin sa panahon *oras, petsa, taon). |
| BANGHAY | Ito ang tawag sa maayos na daloy. |
| ORIENTATION o INTRODUCTION | Pagkakaroon ng isang epektibong simula kung saan maipakikilala ang mga tauhan, tagpuan, at tema |
| PROBLEM | Pagpapakilala sa suliraning ihahanap ng kalutasan ng mga tauhan partikular ang pangunahing tauhan. |
| RISING ACTION | Pagkakaroon ng saglit na kasiglahang hahantong sa pagpapakita ng aksiyong gagawin ng tauhan tungo sa paglutas sa suliranin. |
| CLIMAX | Patuloy sa pagtaas ang pangyayaring humahantong sa isang kasukdulan |
| FALLING ACTION | Pababang pangyayaring humahantong sa isang resolusyon o kakalasan. |
| ENDING | Pagkakaroon ng isang makabuluhang wakas. |