click below
click below
Normal Size Small Size show me how
fil
| Question | Answer |
|---|---|
| Ang pambansang wika ng Pilipinas na simbolo ng pagkakaisa at identidad ng bansa. | Filipino |
| Mahigit 170 wika ang umiiral sa Pilipinas; 12 sa mga ito ang pangunahing ginagamit. | Mga Wika sa Pilipinas |
| Itinakda ang Tagalog bilang opisyal na wika ng mga Pilipino. | 1897 Saligang Batas ng Biak-na-Bato |
| Ginamit ang Ingles bilang wikang panturo sa mga paaralan. | 1901 Philippine Commission Act |
| Inirekomenda ang paggamit ng mga katutubong wika bilang panturo sa primarya simula SY 1932–1933. | 1931 Panukalang Batas Blg. 577 |
| Ipinag-utos na paunlarin ang pambansang wika batay sa isa sa mga katutubong wika; pansamantalang Ingles at Kastila ang opisyal. | 1935 Konstitusyon ng Pilipinas |
| Itinatag ang Surian ng Wikang Pambansa (SWP) upang pag-aralan ang mga umiiral na wika at pumili ng batayan. | 1936 Batas Komonwelt Blg. 184 |
| Pinili ng Surian ng Wikang Pambansa ang Tagalog bilang batayan ng pambansang wika. | 1937 Resolusyon ng SWP |
| Ipinatupad ni Pangulong Quezon ang paggamit ng Tagalog bilang batayan ng pambansang wika. | 1937 Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 |
| Pagpapalimbag ng diksyunaryong Tagalog–Ingles at Balarila ng Wikang Pambansa; sinimulan ang pagtuturo ng wika sa mga paaralan. | 1940 Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 |
| Nag-utos na magkaroon ng kursong Pilipino sa mataas na paaralan at pitak sa wikang pambansa sa mga pahayagang pampaaralan. | 1940 Sirkular Blg. 26 |
| Pinalitan ang tawag sa Wikang Pambansa mula “Tagalog” tungo sa “Pilipino.” | 1959 Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 |
| Itinakda ang paggamit ng Wikang Pambansa bilang panturo sa elementarya at kursong Rizal at Philippine History sa kolehiyo. | 1970 Resolusyon Blg. 70 |
| Ipinatupad ang Patakarang Bilingguwalismo – paggamit ng Filipino at Ingles sa edukasyon. | 1973 Resolusyon Blg. 73-7 |
| Nag-utos ng 6 na yunit ng Filipino sa lahat ng kurso at 12 yunit sa kursong pang-edukasyon. | 1978 Kautusang Pangministri Blg. 22 |
| Pinagtibay na ang Wikang Pambansa ay Filipino; dapat payabungin at pagyamanin salig sa iba pang wika sa bansa. | 1987 Konstitusyon (Art. XIV, Sek. 6) |
| Nagpapalalim ng pag-unawa, nagpapalakas ng pambansang identidad, at nagtataguyod ng pagkakaisa. | Kahalagahan ng Wika sa Edukasyon |