click below
click below
Normal Size Small Size show me how
KPWKP REVIEW
1ST SEM FINALS, 11-BLSD. GABRIELA
| Question | Answer |
|---|---|
| Itinuturing na pinakamakapangyarihang media sa kasalukuyan dahil sa dami ng mamamayang naaabot nito. | Telebisyon |
| Filipino ang nangungunang wika sa radyo. Ang mga istasyon ng radyo sa probinsya ay gumagamit ng rehiyonal na wika subalit sa mga panayam ay karaniwang Filipino ang wikang ginagamit. | Radyo at Diyaryo |
| Ang mga lokal na pelikulang gumagamit ng midyum na Filipino ay mainit ding tinatangkilik ng mga manonood. | Pelikula |
| Nahahawig sa balagtasan subalit hindi nakalahad o walang malinaw na paksa. Walang nakasulat na iskrip kaya karaniwang di pormal ang gamit na wika | FlipTop |
| Sinasabing makabagong bugtong kung saan may tanong na sinasagot ng isang bagay na madalas maiuugnay sa pag-ibig at iba pang aspekto ng buhay. | Pick-up Lines |
| Tinatawag ding love lines o love quotes. Karaniwang nagmula sa linya ng ilang tauhan sa pelikula o telebisyon ang marka sa puso’t isipan ng mga manonood. | Hugot Lines |
| Mahalagang bahagi ng komunikasyon sa ating bansa ang pagpapadala at pagtanggap ng SMS (short messaging system). | Text |
| Tulad ng sa text, gumagamit din ng code switching sa pagpapahayag sa social media, gayundin ang pagpapaikli ng mga salita. Kaiba sa text, maaaring mag-edit ng post o komento sa social media. | Social Media at sa Internet |
| Mga boardroom ng malalaking kompanya at korporasyon. Website ng mga malalaking mangangalakal gayundin ang kanilang mga press release lalo na kung ito ay nakalathala sa mga broadsheet o magazine. | Kalakalan |
| Sa mababang paaralan (Kindergarten hanggang Grade 3) ay unang wika ang gamitin bilang wikang panturo at bilang hiwalay na asignatura, samantalang ang Filipino at Ingles naman ay itinuturo bilang magkahiwalay na asignaturang pangwika. | Edukasyon |
| Ang pananaliksik ay isang maingat, kritikal, at disiplinadong inkwiri sa pamamagitan ng iba’t ibang teknik at paraan batay sa kalikasan at kalagayan ng natukoy na suliranin tungo sa klasipikasyon at resolusyon. | GOOD (1963) |
| Ang pananaliksik ay sistematikong paghahanap ng mga mahahalagang impormasyon hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin. | AQUINO (1974) |
| Ito ay proseso ng pangangalap ng mga impormasyon upang malutas ang isang partikular na suliranin sa isang siyentipikong pamamaraan. | MANUEL AT MEDEL (1976) |
| Ang pananaliksik ay isang pagtatangka upang makakuha ng mga solusyon sa mga suliranin. Idinagdag pa nila na ito ay isang pangangalap ng mga datos sa isang kontroladong sitwasyon para sa layunin ng prediksyon at eksplanasyon. | E. Trece at J.W Trece (1973) |
| Ang layunin ng pananaliksik na ito ay umunawa at magpaliwanag. Ito ay binubuo ng teoryang nagpapaliwanag tungkol sa isang penomenong sinisiyasat (o pangyayari) at ito ay deskriptibo o naglalarawan. | Panimulang Pananaliksik (Basic Research) |
| Ang layunin ng pananaliksik na ito ay upang matulungan ang mga tao na maunawaan ang kalikasan ng isang suliranin nang sa gayon ay magkaroon siya ng ideya kung paano ito makokontrol. | Pagtugong Pananaliksik (Applied Research) |
| Ang pananaliksik na ito ay naglalayong lumutas ng isang tiyak na suliranin sa isang programa, organisasyon, o komunidad. | Pagkilos na Pananaliksik (Action Research) |
| tuwirang pinanggalingan ng impormasyon na maaaring indibidwal na tao, iba’t ibang organisasyon, pribado man o pampubliko. Sulat, talaarawan, talumpati, talambuhay, dokumento, batas, kontrata, at lahat ng uri ng orihinal na talaan. | Pangunahing Datos |
| datos na kinalap mula sa mga aklat, diksiyonaryo, encyclopedia, almanac, tesis, disertasyon, manuskrito, at mga artikulong mababasa sa mga pahayagan at magasin. | Sekundaryang Datos |
| pagpapaliwanag tungkol sa paksa. Sinasagot ang mga tanong na ano at bakit tungkol sa paksa | Saligang Katwiran |
| inilalahad ang kaukulang tanong na nagsisilbing suliranin ng pag-aaral. Maaaring inilalahad sa anyong patanong. | Layunin |
| ipinaaalam ang paraang gagamitin sa kabuoan ng tala at mga taong tutugon sa gawaing pananaliksik na magsisilbing hanguan ng impormasyon. | Metodolohiya |