click below
click below
Normal Size Small Size show me how
TOUR GUIDE
| Question | Answer |
|---|---|
| Magandang araw, magandang buhay, mga ka-turista! Panibagong araw, panibagong atraksiyon na naman ang ating tutuklasin! | Ako nga pala si Camillia Arias, at ako ang inyong magiging gabay sa isang makasaysayan at kamangha-manghang paglalakbay dito sa University of Santo Tomas — sa mismong puso ng pamantasan, ang UST Main Building! |
| Pero siyempre, bago tayo magsimula, siguraduhin muna natin kung kumpleto pa ang ating grupo. Isa, dalawa, tatlo... ayun, lahat present! Wala namang nag-sidetrip sa Starbucks o napunta sa field para mag-picture! | Ngayon, ilang paalala lang bago tayo magpatuloy: Una, huwag iiwan ang inyong mga gamit at panatilihing hindi kayo maiiwan sa grupo |
| Pangalawa, magpayong kung mainit at uminom ng tubig at pangatlo, kung kukuha ng litrato, siguraduhing hindi nasa gitna ng daan o may tatamaan ng frame! | So, handa na ba kayo? Tara na at sabay-sabay nating kilalanin ang pinakatanyag na gusali ng UST — ang Main Building! |
| Narito tayo ngayon sa Main Building, ang pinakasentro ng unibersidad. Itinayo ito mula 1924 hanggang 1927, at idinisenyo ng paring Dominikano at inhinyerong si Fr. Roque Ruaño, O.P. | Siya ang nagplano nito upang maging kauna-unahang earthquake-resistant building sa buong Pilipinas! Gumamit siya ng reinforced concrete kaya matatag talaga ito laban sa lindol — kaya nga kahit ilang ulit nang yumanig ang Maynila, matibay pa rin ito, |
| Ngayon, tumingin tayo sa tore sa gitna. Sa pinakatuktok, makikita natin ang tatlong estatwa na kumakatawan sa Pananampalataya, Pag-asa, at Pagmamahal — mga birtud na taglay ng bawat Tomasino. | Sa paligid naman ng gusali, makikita ninyo ang mga rebultong kumakatawan sa iba’t ibang larangan ng karunungan — mula sa agham at sining, hanggang sa batas at teolohiya. Ito ay sumisimbolo sa malawak na kaalaman na hinuhubog ng unibersidad. |
| Ngunit hindi lang ito tungkol sa ganda — puno rin ito ng kasaysayan. Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ginawang internment camp ng mga Hapon ang UST. | Dito pinatira ang higit 3,000 sibilyan, karamihan ay mga Pilipino at Amerikano. Sa kabila ng giyera, nanatiling nakatayo ang Main Building — simbolo ng katatagan at pag-asa ng mga Tomasino. |
| At siyempre, hindi mawawala ang mga nakakatakot na kwento! Sabi-sabi, sa gabi raw, may mga anino na naglalakad sa mga pasilyo ng Main Building. | May mga guard na nakakita ng mga kaluluwang nagroronda — mga dating sundalo o estudyanteng hindi na nakalabas noong giyera. |
| Kaya kung may marinig kayong kaluskos o may biglang magpatay-sindi ng ilaw, huwag matakot — baka gusto lang nilang maki-tour sa atin! | Sa loob naman ng Main Building, matatagpuan ang UST Museum of Arts and Sciences, ang pinakamatandang museo sa Pilipinas! |
| May mga koleksyon ito ng sining, agham, at kasaysayan — mula sa lumang pintura hanggang sa mga specimen ng hayop at halaman. Dito mo mararamdaman na ang Main Building ay hindi lang lugar ng pag-aaral, kundi tahanan ng kultura at karunungan. | Kaya mga ka-turista, kapag napadaan kayo rito, huwag lang basta mag-selfie. Tumingala kayo, at isipin ninyo: |
| Ito ang gusaling nakaligtas sa lindol, sa digmaan, at sa panahon — ngunit patuloy pa ring naglilingkod bilang ilaw ng edukasyon. | Muli ako si Camillia, ang inyong tour guide na nagsasabing: Mag-aral nang may puso, magmahal nang may dangal, at laging tumingala sa karunungang hatid ng UST Main Building! |
| Maraming salamat at sa susunod muli nating paglalakbay! |