click below
click below
Normal Size Small Size show me how
2 Filipino Mid1st
| Question | Answer |
|---|---|
| Onomatopeya (Panghihimig) | ay isang uri ng tayutay kung saan ang tunog ng isang salita ay naglalarawan o nagpapahiwatig ng kahulugan nito. |
| Onomatopeya (Panghihimig) | Ang mga salitang ito ay naglalarawan ng mga tunog mula sa mga bagay, hayop, o tao. |
| Halimbawa ng Tayutay | "tik-tak" (tunog ng orasan), "tsug-tsug" (tunog ng tren), at “aw-aw" (tunog ng aso) |
| Halimbawa ng Tayutay | ›Kakabog-kabog dibdib na sa tuwa ay sasabog. ›Broom, broom ang tangi niyang narinig mula samotorsiklo. ›Ang twit-twit ng ibon ay kaysarap sa tainga. ›Alam kong gutom na ang pusa dahil sa sunud-sunod na pagngiyaw nito. |
| tekstong biswal | ay isang uri ngkomunikasyon na umaasa sa mga larawan, simbolo, at iba pang elementong biswal para maihatid ang mensahe. |
| Mga halimbawa ng tekstong biswal | ›Grafiko › Infographic ›Poster ›Dayagram ›Larawan ›Logo o Icon |
| Grafiko | Ito ay mga larawan, dayagram, o charts na nagpapakita ng datos o impormasyon |
| Infographic | Isang kombinasyon ng mga larawan at teksto na naglalarawan ng mga konsepto o impormasyon nang malinaw at makatawag-pansin. |
| Poster | -Ito ay karaniwang ginagamit sa mga kampanya o anunsyo, na may malalaking teksto at mga larawan. |
| ANEKDOTA | maikling salaysay ng natatangi at kawili-wiling pangyayari, karaniwan sa buhay ng kilala o dakilang tao, at maaaring tunay na nangyari o hindi. |
| pamagat | ay nagpapahayag ng kabuoan ng isang talata o kwento. |
| Konotasyon | Ito ay ang pansariling kahulugan ng isa o grupo ng tao sa isang salita. Ang kahulugan ng konotasyon ay iba sa pangkaraniwang kahulugan |
| Halimbawa ng Konotasyon | Gintong Kutsara – mayaman o maraming pera ang pamilya Ang batang lalaki ay talagang may gintong kutsara sa bibig |
| Denotasyon | Ito ay ang kahulugan ng salita na matatagpuan sa diksyunaryo Literal o totoong kahulugan ng salita |
| Halimbawa ng Denotasyon | Pulang Rosas – uri ng rosas na kulay pula |
| Halimbawa ng Denotasyon | Ginto – isang uri ng metal na kumikinang at malleable; ginagamit ito sa mga palamuti (jewelry) at barya |