click below
click below
Normal Size Small Size show me how
PANITIKAN
INTRODUKSYON
| Term | Definition |
|---|---|
| Panitikan ayon kay Arrogante (1983) | Ang panitikan ay itinuturing na "talaan ng buhay" sapagkat dito makikita ang malikhaing paglalantad ng tao sa mga kulay ng kanyang buhay, ang kanyang mundo, at mga pangarap. |
| Panitikan ayon kay Salazar (1995) | Inilarawan ni Salazar ang panitikan bilang ang "lakas na nagpapakilos" sa anumang uri ng lipunan na nagpapalakas sa kamalayan ng mga tao. |
| Panitikan ayon sa Webster's Dictionary (1947) | Ang panitikan ay katipunan ng mga akdang nakasulat na makikilala sa pamamagitan ng malikhaing pagpapahayag, aestetikong anyo, pandaigdigang kaisipan, at kawalang-maliw. |
| Panitikan mula sa salitang "titik" | Ang panitikan ay tumutukoy sa mga naisatitik o naisusulat na pahayag, kaya't lahat ng nasusulat ay maaaring ituring na panitikan. |
| Tunay na Panitikan | Ang panitikan na nagpapahayag ng kaisipan, damdamin, karanasan, at mga pangarap ng sangkatauhan sa malikhaing paraan. |
| Pasalin-dila | Uri ng panitikan na isinasalin sa pamamagitan ng bibig mula sa isang henerasyon patungo sa susunod; halimbawa ay epiko, alamat, at awiting bayan. |
| Pasulat | Uri ng panitikan na naisusulat, kung saan mas matitiyak ang kawalang-maliw ng akda, at madalas itong naililimbag. |
| Tuluyan o Prosa | Uri ng panitikan na nasusulat sa karaniwang takbo ng pangungusap at hindi sa patulang anyo, kabilang ang nobela, maikling kwento, dula, sanaysay, at talumpati. |
| Tulang Pasalaysay | Isang anyo ng patulang panitikan na nagkukwento ng mga pangyayari, tulad ng "Florante at Laura" at "Ibong Adarna." |
| Tulang Pandamdamin o Liriko | Uri ng tula na nagpapahayag ng damdamin ng makata o may-akda, kasama ang awiting bayan, soneto, at elehiya. |
| Tulang Padula o Dramatiko | Isang uri ng patulang panitikan na itinatanghal sa entablado, tulad ng "Panunuluyan" at "Senakulo." |
| Tulang Patnigan | Uri ng tula na mayroong tunggalian ng talino o palaisipan, kasama ang Karagatan, Duplo, Ensilada, at Balagtasan. |
| Humanismo | Teoryang pampanitikan na nagpapahalaga sa mga di-siyentipikong larangan tulad ng wika, panitikan, at sining, na nagbibigay diin sa rasyonalidad ng tao. |
| Imahismo | Teoryang nakatuon sa hanay ng mga salita at simbolismo, nagbibigay-diin sa malinaw at kongkretong imahe. |
| Romantisismo | Teoryang pampanitikan na nakatuon sa damdamin, imahinasyon, at kalayaan ng tao, na may pagpapahalaga sa kalikasan at damdaming makabayan. |
| Eksistensyalismo | Teoryang nagpapakita ng individual na kalayaan at ang kakayahan ng tao na bumuo ng sariling kapalaran. |
| Dekonstruksyon | Pananaw na binibigyang halaga ang maraming posibleng interpretasyon ng isang teksto, pinapalawak ang kahulugan ng panitikan. |
| Feminismo | Teorya na tumutukoy sa pagkakapantay-pantay ng kasarian at pagsusuri sa representasyon ng kababaihan sa panitikan. |
| Naturalismo | Teoryang nagpapakita ng ugnayan ng tao at ng kanyang kapaligiran at ang mga pwersang panlabas na nakakaapekto sa kanyang buhay. |
| Realismo | Teoryang nagpapakita ng makatotohanang paglalarawan ng buhay at mga tunay na pangyayari sa lipunan. |
| Marxismo | Batay sa teorya ni Karl Marx, nakatuon ito sa ugnayan ng tao sa kanyang kapaligiran at sa mga pang-ekonomikong aspeto ng kanyang buhay. |
| Pananaw Sosyolohikal | Isang pananaw na nagpapakita ng ugnayan ng panitikan at lipunan, kung saan ang panitikan ay nagsisilbing salamin ng mga pangyayari sa lipunan. |
| Klasismo | Teoryang may balanse, kariktan, at kawalan ng labis na damdamin, nagpapakita ng mga katangian ng klasikong akda. |
| Pormalismo | Teoryang nakatuon sa anyo, istruktura, at estilo ng akda; pinapahalagahan ang mga teknik at istruktura sa pagsusuri ng panitikan. |
| Nobela | Mahabang salaysayin ng mga pangyayari na nagaganap sa mahabang panahon, kinasasangkutan ng maraming tauhan, at nahahati sa mga kabanata. |
| Nobela | Halimbawa: Noli Me Tangere ni Jose P. Rizal, Salawahang Pag-ibig ni Lope K. Santos. |
| Maikling Kwento | Salaysay ng mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isang tauhan at may isang kakintalan. |
| Maikling Kwento | Halimbawa: Kwento ni Mabuti ni Genoveva Edroza-Matute, Suyuan sa Tubigan ni Macario Pineda, Dugo at Utak ni Cornelio Reyes. |
| Dula | Uri ng panitikan na isinusulat upang itanghal sa entablado o tanghalan, karaniwang nahahati sa tatlo o limang yugto. |
| Dula | Halimbawa: Lakambini ni Patricio Mariano, Minda Mora ni Severino Reyes. |
| Alamat | Salaysaying nauukol sa pinagmulan ng mga bagay-bagay, karaniwang hubad sa katotohanan at likhang-isip lamang. |
| Alamat | Halimbawa: Alamat ng Pinya. |
| Pabula | Salaysaying kinasasangkutan ng mga hayop, halaman, o mga bagay na walang buhay na kumikilos at nagsasalita, na may layuning magbigay-aral sa mga bata. |
| Pabula | Halimbawa: Ang Pagong at Ang Matsing. |
| Parabula | Mga kwento na hinango sa Banal na Kasulatan, na may layuning mag-iwan ng aral na kapaki-pakinabang sa buhay. |
| Parabula | Halimbawa: Ang Alibughang Anak, Ang Mabuting Samaritano. |
| Sanaysay | Paghahayag ng kuro-kuro o opinyon ng may-akda hinggil sa isang suliranin o paksa; maaaring pormal o di-pormal. |
| Sanaysay | Halimbawa: The Indolence of Filipino ni Jose Rizal. |
| Talambuhay | Kasaysayan ng buhay ng isang tao; Talambuhay na Pansarili kung ang sarili ang may-akda, at Talambuhay na Paiba kung isinulat ng ibang may-akda. |
| Talambuhay | Halimbawa: Ang Mabuting Pakikipaglaban ni Manuel L. Quezon, Itinadhana sa Kadakilaan ni Analecto I. Dizon. |
| Balita | Paglalahad ng araw-araw na pangyayari sa lipunan, maaaring tungkol sa pamahalaan, lalawigan, ibayong dagat, agham, at industriya. |
| Talumpati | Isang pagpapahayag na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig na maaaring humikayat, magbigay ng impormasyon, magpaliwanag, mangatwiran, o maglahad ng opinyon. |
| Talumpati | Halimbawa: Wikang Pambansa ni Manuel L. Quezon. |
| uri ng panitikan batay sa anyo | tuluyan/prosa, patula |
| uri ng panitikan batay sa paraan ng pagsalin | pasalin-dila, pasulat |
| Klasismo | Kasalungat ng Romantisismo |
| Romantisismo | Kasalungat ng Klasismo |
| Dekonstruksyon | Kasalungat ng Pananaw Sosyolohikal |
| Pananaw Sosyolohikal | Kasalungat ng Dekonstruksyon |
| epiko | kabayanihan |
| awit at korido | paawit kung basahin (Florante at Laura ni Francisco Balagtas) (Ibong Adarna ni Jose dela Cruz) |
| awiting bayan | maikling tula, may himig |
| soneto | 14 taludtod |
| elehiya | payao ng minamahal |
| dalit | inaawit, papuri sa diyos / birhen |
| pastoral | pamumuhay sa kabukiran |
| oda | paghanga, pagpuri sa isang bagay |