click below
click below
Normal Size Small Size show me how
Argumento
Filipino sa Piling Larang
| Question | Answer |
|---|---|
| Ano ang gawain na mahalaga ang pakikinig sa kabilang panig? | Argumento |
| Ano ang hinuhubog ng pakikibahagi at pagsasagawa ng argumento? | Pagiging "open-minded" |
| Ano ang ginigiit o pinagtatanggol sa isang argumento? | Katotohanan |
| Ano ang mahalagang taglay ng mga argumento upang maging balido at kumumbinsi ng iba? | Ebidensya |
| Ano ang layunin ng argumento? | Maghikayat at magpakilos ng iba |
| Ano ang tatlong mga salik na bumubuo sa Rhetorical Triangle? | Pathos, Ethos, Logos |
| Isa rin itong katangian ng retorika ngunit hindi karaniwang sinasama sa Rhetorical Triangle. Ano ito? | Kairos |
| Anong salik ng Rhetorical Triangle ang gumagamit ng "appeal to emotion" o emosyon upang mangumbinsi? | Pathos |
| Anong salik ng Rhetorical Triangle ang gumagamit ng credibilidad o moralidad upang mangumbinsi? | Ethos |
| Anong salik ng Rhetorical Triangle ang gumagamit ng lohika upang mangumbinsi? | Logos |
| Ano ang gumagamit ng katumpakan sa oras o panahon upang mangumbinsi? | Kairos |
| Ano ang ginagawa ng argumento sa isang isyu? | Pinapaliwanag o binibigyang linaw |
| Ilista ang tatlong uri ng argumento. | Classical o Aristotelian, Rogerian, at Toulmin Method |
| Aling uri ng argumento ang kumukumbinsi sa iba tungkol sa isang bagay o paksa? | Classical o Aristotelian |
| Ano ang ibang katawagan sa Classical na argumento? | Aristotelian |
| Alin ang pinaka-simpleng uri ng argumento? | Classical o Aristotelian |
| Sa lahat ng mga uri ng argumento, ang Classical o Aristotelian ay ang... | pinaka-simple |
| Anong klaseng mga argumento ang binibigay ng Classical o Aristotelian na uri? | General na argumento |
| Sino ang bumuo o nag-imbento ng Rogerian na uri ng pag-aargumento? | Carl Rogers |
| Ano ang nais buoin ng Rogerian na uri ng pag-aargumento? | Middle ground o isang napagkasunduang ideya o pasya |
| Aling uri ng pag-aargumento ang nangyayari kung nasangkot ang pahayag ng bawat panig at nakabuo ng isang napagkasunduang ideya o pasya? | Rogerian |
| Aling uri ng argumento ay ang nagsisimula sa dalawang bahagi? | Toulmin method |
| Ano ang dalawang bahagi ng Toulmin method? | Claims at grounds |
| Dito binubuksan at pinahahayag ang pangunahing argumento sa Toulmin method? | Claims |
| Dito inilalahad ang mga patunay o ebidensyang sumusuporta sa pinahayag na argumento o claim sa Toulmin method? | Grounds |
| Sa claims sinasabi o ibinabahagi ang... | Thesis statement |
| Ano ang binubuksan ng pag-aargumento sa isipan ng isang tao? | Pagtanggap ng ibang pananaw |
| Maaring maging ano ang isang tao kung siya ay nakikibahagi sa mga argumento? | Critical thinker |