click below
click below
Normal Size Small Size show me how
SSP - Mid, 1
| Term | Definition |
|---|---|
| Komunikasyong berbal | paggamit ng wika bilang paraan ng pagbabatid ng kahulugan at pagpapahayag ng ating iniisip at saloobin. Ito rin ag ginagamit natin upang lumikha at mapanatili ng magandang relasyon sa kapwa. |
| De Vito (2003) | ayon sa kanya, sa pagkilala natin sa kalikasan ng wika, bilang sistema ng komunikasyon, malalaman natin kung paano magagamit ang wwika upang maging epektibo ang komunikasyon gayundin, upang maiwasan ang di-pagkakaunawaan. |
| Ang kahulugan ng wika ay nagmumula sa tao | upang malaman natin ang kahulugan ng salita, ang tinitignan natin ay ang tao at hindi ang salita. Pero tandaan na habang nagbabago ang tao, maaring magbago rin ang pagkahulugan niya sa mga nakaraan o dating mensahe. |
| Bypassing | nagaganap kapag hindi nagtutugma ang pagpapakahulugan ng tagapagsalita at ang tatanggap. |
| Denotasyon | tiyak at literal na kahulugan ng salita/ ito yaong mga kahulugang nakilita sa diksyunaryo |
| Konotasyon | pahiwatig na pang emosyonal o pangsaloobin na ikinakapit ng tagapagsalita o tagapakinig bukod sa tiyak na kahulugan ng isang salita. |
| Hayakawa (1990) | ayon sa kanya, nilikha ang mga terminong "snarl words" at "purr words" upang lalong mapaliwanag ang pagkakaiba ng denotibo at konotatibong kahulugan ng salita |
| Purr words | highly positive |
| Snarl words | highly negative |
| Ang kahulugan ng wika ay nakabatay sa konteksto | ang berbal at di berbal na komunikasyon ay umiiral sa loob ng isang konteksto at ang konteksto ang siyang nagtatakda ng kahulugan dito. |
| Ang wika ay maaring tahas o maligoy | ang wika ay nakapagpapahayag ng eksaktong pagkahulugan o saloobin, ngunit maari ring maging hadlang ang ika upang maging maligoy ang isang pahayag |
| Tahasang pananalita | nagpapahayag ng tiyak na pagpapakahulugan kaya't walang pag-aalinlangan sa kaisipan at damdaming nais na ipabatid |
| Di Tuwirang pananalita | pagpapahayag ng kahulugan sa isang maligoy na paraan. Hindi tahasan ang pagsasabi, ipinahihiwatig lang. |
| Maggay (2002) | ayon sa kanya, ang pahiwatig ay isang katutubong pamamaraan ng pagpapahayag na di-tuwirang ipinaaabot ngunit nababatid at nahihiwatigan ng matalas na pakiramdam at matunog na pagbabasa ng mga berbal at di berbal na palatandaang kaakibat nito." |
| Ang wika ay institusyong pangkultural | ang bawat kultura ay nagtatakda ng mga paraan paano nila gagamitin ang kanilang wika na may sariling sistema ng pagbibigay kahulugan |
| Kultura | nagtatakda ng mga paraan kung paano nila gagamitin ang kanilang wika na may sariling sistema ng pagbibigay kahulugan. |
| Oryentasyon Intensyonal | isang tendensiya na tingnan ang mga tao, bagay, o pangyayari batay sa kung ano ang sinabi ng ibang tao o kung anong leybel ang ikinapit sa kanila |
| Oreyntasyong Ekstensyunal | ginagamit upang maiwasan ang oryentasyong intensyonal. tingnan muna at suriin nang maigi ang aktwal na tao, bagay, o pangyayari, saka pagtugmain ang mga leybel na ikinapit sa kanila. |
| Imperensyal | ito ay pahayag na ginawa batay lamang sa palagay |
| Ebalwasyon istatik | isang "conceptual distortion" na tumutukoy sa tendensiyang panatilihin ang mga ebalwasyon ibinigay natin sa mga tao o bagay samantalang sa katotohanan ay may nangyaring pagbabago sa kanila |
| Mental date | Maiwawasan ang ebalwasyon istatik sa pamamgitang nang paggamit ng isang kaparaanan na tinatawag ni De Vito (200)3 na ___ |
| Indiskriminasyon | ang pagkabigong makita o mabigyang pagkakaiba ang mga tao o pangyayaring bagamat may pagkakaiba ay magkakatulad dahil sa nasasakop ito sa isang panlahatang kategorya |
| Stereotyping | batay sa nasyonalidad, lahi, relihiyon, kasarian, at iba pa. |
| Stereotype | isang de-kahong paglalarawan sa isang pangkat ng mga tao na ikinakapit natin sa bawat taong bahagi ng pangkat na iyon na walang pagsasaalang-alang sa indibidwal na katangian nila. |
| Pananaig ng mga "extreme terms" at ang kakulangan o pagkawala ng mga tinatawag na "middle terms" | isang katangian wika na nagbubunga ng polarisasyon |
| Polarisasyon | ang tendensiyang tignan ang mudo sa magkasalungat na direksyon at maglarawan gamit ang magkabilang dulo |
| Extensional device | ginagamit upang maiwasan ang polarisasyon. mental na pagsasaalang-alang ng pagkakaiba ng mga tao, bagay o pangyayari bagama't nasasakop sila ng isang leybel o kategorya |