click below
click below
Normal Size Small Size show me how
Karapatan
| Artikulo 1 | Ang mga tao ay isinalang na pantay pantay sa kalayaan at mga karapatan. |
| Artikulo 2 | Ang lahat ng tao'y karapat dapat sa mga kalayaan at karapatang nakalahad sa Pahayag na ito, nang walang pagtatangi katulad ng lahi, kulay, o relihiyon. |
| Artikulo 3 | Ang bawat tao'y may karapatan sa buhay, kalayaan, at kapanatagan sa sarili |
| Artikulo 4 | Walang sino man ang aalipinin o bubusabusin; ipagbabawal ang ano mang uri ng pang-aalipin o pangangalakal ng alipin. |
| Artikulo 5 | Walang sino mang pahihirapan o papatawan ng malupit, di-makatao, o nakakalait na parusa. |
| Artikulo 6 | Ang bawat tao ay may karapatang kilalanin bilang isang tao sa harap ng batas. |
| Artikulo 7 | Ang bawat tao ay pantay pantay sa harap ng batas at may karapatan sa walang pagtatangi ng pangangalaga ng batas |
| Artikulo 8 | Ang bawat tao ay may karapatan sa mabisang lunas ng hukumang pambansa tungkol sa mga paglabag sa kanyang mga pangunahing karapatan na ipanagkaloob ng saligang batas o ng batas. |
| Artikulo 9 | Walang sino mang ipapasailalim sa di-makatwirang pagdakip, pagpigil, o pagpapatapon. |
| Artikulo 10 | Ang mga tao ay may karapatan sa pantay-pantay, hayag, at makatarungan na paglilitis ng isang malaya at walang kinikilingang hukuman |
| Artikulo 11 - 1 | 1. Ang bawat taong pinaparatangan ng pagkakasalang pinaparusahan ay may karapatang ituring na walang sala hangggang hindi napapatunayan na nagkakasala sa batas sa isang hayag na paglilitis. |
| Artikulo 11-2 | 2. 2. Walang taong paparusahan dahil sa gawang hindi pinaparusahan noon. Hindi rin paparusahan ng lalong mas mabigat kesa sa parusa noong panahong iyon. |
| Artikulo 12 | Walang taong isasailalim sa 'di makatwirang panghihimasok sa kanyang pananahimik, pamilya, tahanan, o pakikipagsulatan ni sa tuligsa sa kanyang karangalan at mabuting pangalan. |
| Artikulo 13 | 1. Ang bawat tao ay may karapatan sa pagkilos at paninirahan sa loob ng hangganan ng bawat estado 2. Ang bawat tao ay may karapatang umalis sa sa alin ang bansa, kahit sa kanyanng sarili, at bumalik sa kanyang bansa |
| Artikulo 14 | 1. Ang bawat tao ay may karapatang humanap ng pagkupkop sa ibang bansa laban sa paguusig. 2. Ang karapatan ito ay hindi mahihingi sa mga pagkakasalang di-pampulitika o mga gawang nakasalungat sa mga layunin o simulain ng mga Bansang Nagkakaisa (UN) |
| Artikulo 15 | 1. karapatan sa pagkamamamayan 2. Walang sino mang aalisan ng pagkamamamayan ng walang katwira ni pagkakaitan na magpalit ng kanyang pagkamamamayan |
| Artikulo 16 | 1. Ang lahat ng babae't lalakeng nasa tamang edad ay may karapatang magpakasal at magkapamilya, at magpawalang bisa sa kasal na ito 2. Ang pagpapakasal ay bukal sa loob o 'di sapilitan sa magaasawa |
| Artikulo 16 - 3 | 3. Ang pamilya ay likas at pangunahing pangkat sa lipuna at karapat-dapat sa pangangalaga ng Estado |
| Artikulo 17 | 1. Ang bawat tao'y may karapatang magkaroon ng ari-arian ng magisa o kasama ng iba 2. Walang sino mang aalisan ng kanyang ari-arian ng walang katwiran |
| Artikulo 18 | 1. Ang bawat tao'y may karapatan sa kalayaan sa pag-iisip, budhi, o relihiyo at may kalayaang magpalit ng relihiyon ng mag-isa o may kasama. |
| Artikulo 19 | Ang bawat tao'y may karapatan sa kalayaan sa pagkukuro at pagpapahayag, at tumanggap o magbigay ng impormasyon at kaisipan sa alin mang paraan. |
| Artikulo 20 | 1. Ang bawat tao'y may karapatan sa kalayaan sa mapayapang pagpupulong at pagsasamahan 2. Walang sino mang pipilitin samapi sa isang kapisanan |
| Artikulo 21 | 1. Ang bawat tao'y may karapatan makilahok sa pamahalaan ng kanyang bansa 2. Ang bawat tao'y may karapatan sa pantay na pagpasok sa paglilingkod pambayan ng kanyang bansa 3. Ang kalooban ng bayan ang magiging saligan ng kapangyarihan ng pamahalaan |
| Artikulo 22 | Ang bawat tao, bilang kasapi ng lipunan, ay may karapatan sa kapanatagan at makinabang sa mga karapatang pangkabuhayan, panlipunan, at pangkalinangan, sa pamamagitan ng pambansang pagsisikap at pakikipagtulungang pandaigdig. |
| Artikulo 23 | 1. Ang bawat tao'y may karapatan sa paggawa, malayang pagpili ng hanapbuhay, makatarungan at kanais nais na kalagayan sa paggawa at sa pangangalaga laban sa kawalang hanap-buhay. |
| Artikulo 23 - 2 & 3 | 2. Ang bawat tao'y may karapatan sa kapantay na bayad sa kapantay na gawain. 3. makatarungan at nababatay sa kabayarang tumitiyak sa kanyang sarili at pamilya ng kabuhayang karapat-dapat sa karangalan ng isang tao |
| Artikulo 23 - 4 | 4. karapatang magtatag at umanib sa mga unyon ng manggagawa |
| Artikulo 24 | karapatan sa pamamahinga at paglilibang, at makatwirang pagtatakda ng mga oras ng paggawa at may sahod sa mga pana-panahong pista opisyal. |
| Artikulo 25 | pamantayan ng pamumuhay na sapat para sa kalusugan at kagalingan ng kanyang sarili at pamilya, at ng karapatan sa kapanatagan sa panahong pagkakasakit at iba pang kakapusan sa ikabubuhay sa mga di-maiiwasang pangyayari |
| Artikulo 26 | karapatan sa edukasyon. elementarya at pangunahing antas: walang bayad; edukasyong elementarya: sapilitan; edukasyong teknikal at propesyonal: maabot ng lahat; lalong mataas na edukasyon: para sa mga karapat-dapat |
| Artikulo 26-2 & 3 | 2. Ang edukasyon ay tungo sa ganap na pagpapaunlad ng pagkatao at pagpapalakas ng paggalang sa karapatan ng tao at pangunahing kalayaan. 3. Ang mga magulang ay may karapatang pumili ng uri ng edukasyong ng kanilang mga anak. |
| Artikulo 27 | 1. karapatang makilahok sa pamayanan, upang matamasa ang mga sining at kaunlaran sa siyensiya |
| Artikulo 27 - 2 | 2. karapatan sa pangangalaga ng mga kapakanang moral at materyal sa produksiyong pang-agham, pampanitikan o pansining na siya ang may-akda. |
| Artikulo 28 | karapatan sa kaayusang panlipunan at pandaigdig |
| Artikulo 29 | 1. tungkulin sa pamayanan na tungo sa malaya at ganap na pagkaunlad ng kanyang pagkatao 2. Sa pagkilala ng karapatan at kalayaan na nasaad sa Pahayag, dapat na kilalanin din ang karapatan at kalayaan ng iba. |
| Artikulo 29 - 3 | 3. Ang mga karapatan at kalayaang ito ay hindi magagamit kung sumasalungat ang tao sa mga layunin at mga simulain ng Mga Bansang Nagkakaisa |
| Artikulo 30 | Walang bagay sa Pahayag na ito ang nagbibigay ng ano mang karapatang gumawa ng mga kilusan o hakbang na sisira sa mga nakalahad dito. |