click below
click below
Normal Size Small Size show me how
FILIPINO
MGA BAHAGI NG PANANALITA
Term | Definition |
---|---|
PANGNGALAN | Tumutukoy sa ngalan ng tao, hayop, bagay, pook, lunan o pangyayari. Halimbawa: Jose Rizal, nanay, papel, Luneta, pasko |
PANGHALIP | Salitang humahalili o pamalit sa ngalan o pangngalan na nagamit na sa parehong pangungusap o kasunod na pangungusap. Halimbawa: ako, ikaw, siya, atin, amin, kanya |
PANDIWA | Bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos o galaw at nagbibigay buhay sa lipon ng mga salita. Halimbawa: sayaw, tuwa, talon, alis, uminom, kumain, umiyak, binigyan |
PANG-ABAY | Ito ay bahagi ng pananalita na naglalarawan sa pang-uri, pandiwa at sa kapwa nito pang-abay. Halimbawa: bukas, sa radyo Pangungusap: Bukas kukunin ni Carla ang pera mula kay Tiyang Mila. |
PANG-URI | Salitang naglalarawan o nagbibigay turing sa pangngalan at panghalip. Halimbawa: maganda, masipag, mabango, asul, mataas, parisukat |
PANGATNIG | Ito ay ang bahagi ng pananalita na nag-uugnay sa dalawang salita, sugnay, parirala at pangungusap. Maaari itong nagpapakita ng pagbubukod, pagsalungat, o paglilinaw. Halimbawa: dahil, maging, gawa ng, upang, nang, samantala, saka, sapagkat, kaya |
PANG-UKOL | Bahagi ng pananalita na nag-uugnay sa pangngalan, panghalip, pandiwa, at pang-abay na pinag-uukulan ng kilos, gawa, ari, balak o ayon. Halimbawa: ng, kay/kina, ukol sa/kay, hinggil sa/kay, para sa/kay, alinsunod sa/kay, laban sa/kay |
PANG-ANGKOP | Ito ay mga katagang idinadagdag sa pagitan ng dalawang salitang naglalarawan at inilalarawan upang maging madulas o tuloy tuloy ang pagbigkas dito. Halimbawa: na, -ng, -g Gamit: tulay na bato, bago-ng sapatos, orasan-g bilog |
PANTUKOY | Mga salitang laging nangunguna sa pangngalan o panghalip. Ito rin ay nagbibigay-linaw sa kailanan ng kasamang pangngalan at panghalip. Halimbawa: si, sina, ang, ang mga, mga Pangungusap: Humahanga sa kanya ang mga magulang at kaibigan niya. |
PANGAWING | Nag-iisa ang pangawing sa Filipino. Ito ay ang "ay". Nagsisilbi itong kawing sa simuno at panag-uri ng pangungusap. Halimabawa: ay Pangungusap: Ako ay galing sa simbahan. |