click below
click below
Normal Size Small Size show me how
DOKTRINA PREP B
| Question | Answer |
|---|---|
| Les. 10 P: Ano ang pinagbabatayan ng isinasagawang paghahandog ng abuloy? | Heb. 13:15-16 > Ang utos mismo ng Diyos na huwag lilimutin:ang pag-aabuloy |
| Les. 10 P: Paano po ang mga bata, baka pag mayaman lang pwede maghandog, kaya tanong: may exempted po ba sa pag-aabuloy? | II Cor. 9:7 > Magbigay bawat isa ayon sa ipinasiya ng puso |
| Les. 10 P: Ano dapat ang pagtuturing natin sa ginagawa nating pag-aabuloy? | Gal. 6:5-6 > Isang pasan o pananagutan |
| Les. 10 P: Paano ba ihanda ang ating abuloy? | I Cor. 16:2 NPV > Magbukod ng halaga ayon sa kinikita:tuwing unang araw ng sanglinggo |
| Les. 10 P: Bakit kailangan ihanda o ibukod ang abuloy? | II Cor. 9:5 > Para hindi gaya ng sapilitan |
| Les. 10 I: Anu-ano ang mga pinag-uukulan ng nalilikom na handog ng Iglesia? | II Cor. 9:12-13 NPV > Sa pagpapalaganap ng gospel at upang makatugon sa needs ng bayan ng Diyos |
| Les. 10 I: Sa ano pa ginagamit ang mga salapi na inihahandog natin? | Hag. 1:8 > Sa pagtatayo ng bahay sambahan |
| Les. 10 I: Dapat bang matisod sa paghahandog? | I Cron. 29:11-12 > Hindi bcoz sa Diyos din galing ang ating ibinibigay |
| Les. 10 I: Ano ba ang hinahanap ng Diyos sa mga naghahandog, malaki bang halaga? | I Cron. 29:9 > Pusong nagagalak |
| Les. 10 I: Dahilan ba para hindi maghandog yung kasapatan ng kinikita para sa pang-araw-araw na pangangailangan o ang kahirapan? | II Cor. 8:1-3 MB > Hindi po, dapat bukas palad sa pagbibigay |
| Les. 10 II: Bakit may isinasagawa pang pagpapasalamat na may handog tuwing matatapos ang taon? | Awit 50:14 > Utos ng Diyos |
| Les. 10 II: Ano bang naidudulot nito sa Panginoong Diyos? | Awit 50:23 > Siya ay lumuluwalhati |
| Les. 10 II: Bukod sa awit ng pagpupuri at pananalangin, bakit kailangan pang magdala ng handog sa pagpapasalamat? | I Cron. 16:29 > Utos na magdala ng handog |
| Les. 10 II: Gaanong pagtatalaga ang dapat nating iukol sa paghahanda ng handog sa pagpapasalamat? | II Cor. 9:2 > Kailangang ihanda ng isang taon |
| Les. 10 III: Ano ang pangako ng Diyos sa mga naghahandog? | II Cor. 9:7-8 > Maaaring gawin na ang lahat ng biyaya ay magsisagana |
| Les. 10 III: Ano ang lalong dakilang pagpapala na dapat pakanasain na tamasahin natin? | I Tim. 6:18-19 > Ang tunay na buhay |
| Les. 11 P: Ano ang utos ng Diyos ukol sa pag-aasawa na itinuro ng mga apostol sa mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo? | II Cor. 6:14(a) > Huwag makipamatok sa mga hindi sumasampalataya |
| Les. 11 P: Ano ang ibig sabihin ng "pakikipamatok" sa talatang binasa? | II Cor. 6:14(a) LAMSA > Pag-aasawa |
| Les. 11 P: Bakit bawal ito ng Panginoong Diyos? | II Cor. 6:14-15 > Ayon na rin mismo sa talata: Kasi ito'y rhetorical question |
| Les. 11 P: Baka sa panahong Cristiano lamang nagsimulang ipinagbawal ito, baka naman noon ay pwede? | Deut. 7:2(b)-4 > Noon pang una ay bawal na |
| Les. 11 I: Maliit na kasalanan ba sa harap ng Diyos ang mag-asawa nang hindi kabilang sa Kaniyang bayan? | Neh. 13:26-27 > Malaking kasalanan |
| Les. 11 I: Anong mawawala sa atin kung ating mamahalin ang sanglibutan? | I Juan 2:15 at 17 > Mawawala ang pag-ibig ng Ama |
| Les. 11 II: Ano ang dapat maunawaan ng sinomang kapatid na nais nang lumagay sa buhay may-asawa? | Kaw. 19:14 NPV > Nagbubuhat sa Panginoon ang mabuting asawa |
| Les. 11 II: Paano po masang-ayon sa kalooban ng Diyos ang pag-aasawa ng mga lingkod Niya? | I Tes. 4:3-5 MB > Ang dapat maging layunin:banal at marangal |
| Les. 11 II: Matanda na po kami, siguro pwede na mag-asawa kahit di pinapayagan ng magulang kaya magtatanan, hindi magpapaalam sa mga magulang:ayon po ba iyon sa turo ng Biblia? | Mat. 15:4 > Labag iyon sa utos na igalang ang ama't ina |
| Les. 11 III: Ano pa ang ipinagbabawal ng Diyos sa mga INC na may kaugnayan sa pag-aasawa? | Mat. 19:5-6 > Huwag papaghiwalayin ng tao |
| Les. 11 III: Ano bang damdamin ng Diyos sa diborsiyo? | Mal. 2:15-16 NPV > Ang Diyos ay namumuhi sa diborsiyo |
| Les. 11 III: Anong kapalaran kapag sinunod natin ang lahat na tuntuning ito ng ating Panginoong Diyos? | Awit 128:1-4 NPV > Pagpapalain |
| Les. 12 P: Paano napatunayan sa pangyayari na makasasama sa tao ang hindi pagsunod sa tuntuning ibinigay ng Diyos tungkol sa kung alin ang dapat at hindi dapat kainin? | Gen. 2:16-17 > Ang ipinagbawal sa mga unang tao: bawal kumain ng bunga ng kahoy ng pagkakilala ng mabuti at masama |
| Les. 12 P: Anong masamang ibinunga nang labagin ng mga unang tao ang tuntuning ito? | Gen. 3:17-19, 23-24 > Binawi ng Diyos ang pribilehiyo ng mga unang tao |
| Les. 12 P: Sino rin ang nagbabawal ng pagkain ng dugo at kailan pa ito ipinagbabawal? | Gen. 9:1-4 > Bawal ng Diyos sa panahon pa ni Noe |
| Les. 12 P: Nagpatuloy ba ang pagbabawal ng Diyos tungkol sa pagkain ng dugo sa panahon natin? | Gawa 21:25 MB > Ang mahigpit na tagubilin:Huwag kakain ng dugo |
| Les. 12 I: Ano ang dahilan at ipinagbawal ng Diyos na kainin ang dugo? | Deut. 12:22-23 > Ang dugo ang siyang buhay |
| Les. 12 I: Ano pa ang dahilan kaya ipinagbawal ang pagkain ng dugo? | Lev. 17:11 MB > Itinalaga ang dugo na pantubos |
| Les. 12 II: Ano ang inilalarawan ng dugo ng hayop na inihahandog noon ng bayang Israel bilang pantubos sa kanilang mga kasalanan? | Heb. 10:1 > Anino o larawan ng mabuting bagay na darating |
| Les. 12 II: Alin itong anino o larawan ng mabuting bagay na darating na inilalarawan ng dugo ng hayop na inihahandog noon ng bayang Israel bilang pantubos sa kanilang mga kasalanan? Ano ang kaugnayan nito sa panahon natin? | Heb. 9:13-14 > Ang pagtubos ni Cristo sa pamamagitan ng Kaniyang dugo |
| Les. 12 II: Ano ang ipinag uutos ng Diyos sa Kaniyang bayan kung sila'y magkakatay o magpapatay ng ibon o hayop bilang pagkain? | Lev. 17:12-13 > Ibuhos ang dugo at tabunan ng lupa |
| Les. 12 III: Gaano kasama sa harap ng Diyos kung ang sinomang tao sa Kaniyang bayan ay kumain ng dugo? | Lev. 17:10(a) MB > Magiging kalaban ng Diyos at ipinatitiwalag ang kumain ng dugo |
| Les. 12 III: Maliligtas ba ang mga taong itinuturing ng Diyos na Kaniyang kalaban? | Heb. 10:27 MB > Lalamunin ng apoy |
| Les. 12 III: Paano pinahahalagahan ng mga tunay na lingkod ng Diyos ang pagsunod sa Kaniyang mga utos? | Awit 119:35-36 MB > Nasa pagsunod ang kanilang ligaya |
| Les. 13 P: Aling pagsasayaw ang labag sa kalooban ng Diyos ayon sa Biblia? | Exo. 32:19 > Ang tulad ng ikinagalit ni Moises: sayaw na nakaugnay sa kasalanan gaya sa pagsamba sa dios-diosan |
| Les. 13 P: Alin pang uring pagsasayaw ang ipinagbawal bagaman kinalugdan ng tao subalit may ibinungang masama? | Mar. 6:22-25 > Ang sayaw na masama gaya ng sayaw ni Salome na anak na babae ni Herodias na nagbunga ng kamatayan ng sugo ng Diyos |
| Les. 13 P: Lahat ba ng uri ng pagsasayaw bawal? Meron bang sayaw na hindi ipinagbawal at alin iyon? | Awit 149:3-4 > Noong una, ang Israel ay nagsasayaw sa paglilingkod |
| Les. 13 P: Subalit sa atin na mga INC, aling pagsasayaw ang ipinagbabawal sa atin? | Gal. 5:19-21 > Ang bawal sa INC-kahalayan, kalayawan at ang mga katulad nito |
| Les. 13 I: Bakit ipinagbabawal ang paglalasing at pag-inom ng alak sa mga tao ng Diyos? | Luc. 21:34 MB > Bawal ni Cristo |
| Les. 13 I: Ipinagbabawal din ba ng mga apostol ang paglalasing at ano ang dahilan? | Efe. 5:18 MB > Bawal ng mga apostol-nakasisira ng maayos na pamumuhay |
| Les. 13 I: Gaano kahigpit na ipinagbabawal ng PD ang paglalasing at ano ang tagubilin? | Kaw. 23:20 MB > Makisama lang sa mga lasenggo ay bawal na |
| Les. 13 II: May batayan ba sa Biblia na ipinagbawal sa panahong ito pati ng pag-inom ng alak? | Efe. 4:27 MB > Huwag bigyan ng pagkakataon ang diyablo |
| Les. 13 II: Anong katunayan na maging ang pag-inom ng alak ay mahigpit na ipinagbabawal? | I Ped. 4:1-3 MB > Binanggit na sapat na panahon na ang panahong inaksaya kasama ang mga pag-iinuman at paglalasing |
| Les. 13 II: Paanong nangyayari na kapag uminom ng alak ay nabibigyang pagkakataon ang diablo? | Kaw. 23:31-32 > Sa huli ay kumakagat |
| Les. 13 II: Ano pa ang kabawalan na may kaugnayan sa pag-inom ng alak at pagtikim sa alak? | Isa. 5:22 MB > Pati maghalo ng inuming alak bawal, kaawaan wag kahangaan |
| Les. 13 II: Paano yung nagtitinda ng alak, ano ang pagtuturing sa kanila ng Biblia? | Hab. 2:15 > Sa aba, may parusa, may sumpa |
| Les. 13 II: Ano ang masamang ibinubunga ng pag inom ng alak at paglalasing kaya ang gumagawa nito ay nagbibigay ng pagkakataon sa diablo? | Kaw. 31:5 > Baka uminom at malimot ang kautusan |
| Les. 13 III: Ano ang batayan ng Biblia na pagbabawal ng pagsusugal? | Mat. 22:39 > Ibigin mo ang iyong kapuwa:sa pagsusugal, hindi ito natutupad kasi naghahari sa bawat manunugal ang hangaring manalo laban sa kapuwa |
| Les. 14 P: Ano ang tungkulin natin bilang kaanib upang hindi malagot ang ating kaugnayan sa Iglesia at matiyak natin ang ating kaligtasan? | Heb. 13:17 > Pasakop sa Pamamahala |
| Les. 14 P: Kanino po ba nagmula ang karapatan ng Pamamahala sa loob ng INC? | Col. 1:25 > Pamamahala na mula sa Diyos |
| Les. 14 P: Ano rin ang pananagutan natin sa mga kinakatulong sa pamamahala sa Iglesia? | I Cor. 16:15-16 > Kayo ay pasakop naman sa mga gayon:sa mga maytungkulin |
| Les. 14 I: Ano ang tiniyak ng ating Panginoong Jesucristo ukol sa karapatan ng Pamamahala sa loob ng Kaniyang Iglesia? | Mat. 18:18 > Ang lahat ng "inyong talian sa lupa ay tatalian sa langit" |
| Les. 14 I: Alin ang tali na ibinigay sa namamahala? | Kaw. 3:3,1 > Mga kautusan o SND |
| Les. 14 I: Papaano matatalian ang mga tao ng mga kautusan ng Panginoong Diyos? | Mar. 16:15-16 > Ipangangaral ng mga binigyan ng karapatang mangaral:ang SND |
| Les. 14 I: Sa panahon ng mga apostol, paano nakapanatili ang mga kapatid sa kaugnayan sa pamamahala bagaman sila'y nasa iba't ibang dako? | Gawa 16:4 BSP > Tinupad ang mga tagubiling ipinasiya ng Pamamahala |
| Les. 14 I: Gaano ba kahalaga na tayo'y namamalaging natatalian sa langit sa paraang namamalagi na nasa talaan ang pangalan? | Dan. 12:1(b) > Ang nakatala sa aklat ay maliligtas |
| Les. 14 I: Alin ang aklat na doon nakasulat ang pangalan ng mga maliligtas? | Apoc. 20:12(a), 15 > Aklat ng buhay sa langit |
| Les. 14 II: Paano natin matitiyak na hindi inaalis ang ating pangalan sa aklat ng buhay o namamalagi tayong natatalian sa langit? | Mat. 18:18 > Ang lahat ng "inyong talian sa lupa ay tatalian sa langit" |
| Les. 14 II: Sa kabilang dako, sino naman ang mga taong kinalagan ng pamamahala dito sa lupa kaya kinalagan din sa langit? | I Cor. 5:12(a)-13 NPV > Ang kinalagan ay ang mga itiniwalag sa Iglesia |
| Les. 14 II: Kanino na ang mga itiniwalag ng pamamahala sa Iglesia? Sila ba'y sa Diyos pa? | I Tim. 1:19-20 > Ibinigay kay Satanas |
| Les. 14 II: Maliligtas ba ang mga gayon pati ang mga nahiwalay sa Iglesia? | Juan 15:6 > Hindi po sapagkat sila'y katulad ng sanga na natuyo na ihahagis sa apoy |
| Les. 14 II: Kahit po ba hiwalay kay Cristo ngunit patuloy pa rin daw sa paglilingkod sa Diyos, ligtas po ba iyon? | Efe. 2:12 > Walang Diyos ang hiwalay |
| Les. 14 III: Paano tayo makapananatili sa ating pagka-INC? | Juan 15:7 > Manatili kay Cristo at sa salita |
| Les. 14 III: Paano tayo makapananatili sa Panginoong Jesucristo? | Juan 15:5 > Manatiling sanga ng puno |
| Les. 14 III: Paano naman ang pananatili sa salita ng PJC? | Juan 15:9-10 > Sa pamamagitan ng pagtupad sa mga utos |
| Les. 14 III: Anong dapat nating maging pananalig sa ipinapasiya ng Pamamahala, tao lang ba ang nagpasiya? | Mat. 18:18 MB > Ariin o ituring na pasya ito mula sa Diyos |
| Les. 14 III: Hanggang kailan tayo dapat manatiling INC na sumusunod sa mga utos at nagpapasakop sa Pamamahala? | Mat. 24:13 > Hanggang sa wakas |
| Les. 15 P: Ano ang pinagsasaligan ng INC sa isinasagawang pagkakaisa? | Awit 133:1 > Ang aral ng Diyos |
| Les. 15 P: Ito rin ba ang itinuro ng PJC? | Juan 17:9,11 > Itinuro na maging isa |
| Les. 15 P: Ano ang katangian o kaibahan at kahigitan ng pagkakaisa ng INC kaysa sa kaisahan ng ibang mga relihiyon? | Juan 17:21,23 > Lubos na pagkakaisa |
| Les. 15 P: Itinuro din ba ito ng mga apostol? Paano nila ito itinuro? | I Cor. 1:10 > Malubos sa isang pag-iisip at isang paghatol |
| Les. 15 I: Ano ang kalagayan sa harap ng Diyos ng INC kaya ito'y tinuruang maging isa? | Roma 12:4-5 > Iisang katawan |
| Les. 15 I: Alin po ang tinutukoy na katawan? | Col. 1:18 > Iglesia |
| Les. 15 I: Sino ba ang nag-ayos at gumawa, bagaman ang Iglesia ay maraming sangkap, ay isang katawan lamang? | I Cor. 12:18 > Ang Diyos |
| Les. 15 I: Bakit minagaling ng Diyos na maging isang katawan? | I Cor. 12:25 > Upang wag magkabaha-bahagi |
| Les. 15 I: Sa Diyos pa ba kung magkabaha-bahagi? | I Cor. 3:3-4 > Sa tao ang pagkakabaha-bahagi |
| Les. 15 I: Anong kasamaan ng pagiging sa laman? | Roma 8:9 > Siya'y hindi kay Cristo |
| Les. 15 I: Sa PD pa ba ang gumagawa ng pagkakabaha-bahagi? | Sant. 3:14-15 > Sa Diablo |
| Les. 15 I: Dahil dito, anong ipinapayo ng mga apostol upang manatili ang Diyos sa atin? | II Cor. 13:11 > Manatili sa pagkakaisa |
| Les. 15 I: Bakit masama na magkaroon ng pagkakabaha-bahagi at mawala ang pagkakaisa sa Iglesia? | Efe. 4:4-6 > Lahat masisira kapag di naingatan ang pagkakaisa |
| Les. 15 II: Bakit maging sa pagboto ay ipinatutupad ng pamamahala ang pagkakaisa ng INC? | Fil. 2:2-3 > Huwag gawin ang anuman sa kampi-kampi |
| Les. 15 II: Ano po ang katunayan na ang pagkakaisa maging sa pagboto ay huwag gawin ang pagkakampi-kampi? | I Cor. 1:10 > Malubos sa isa lamang paghatol |
| Les. 15 II: Ano ba ang ibig sabihin ng paghatol o judgment? Ano po ba ang ginagawa ng citizen kapag siya'y bumuboto? | 1913 Webster's New Int'l Dict. p. 2295 > Pagpapahayag ng paghatol |
| Les. 15 II: Ano po ang aral ng mga apostol tungkol sa paghatol/pagboto? | I Cor. 1:10 GOODSPEED > Makaisang lubos sa paghatol |
| Les. 15 III: Upang magkaisa sa paghatol, ang Iglesia, sino ang dapat magpasiya? Sa panahon ng unang Iglesia, paano po ba sila nagkaisa? | Gawa 15:19 MB > "Ang pasiya ko":The C.A. Bro.EVM |
| Les. 15 III: Sino ba ang Tagapamahalang Pangkalahatan noon? | Gawa 15:13 > Apostol Santiago (anak ni Alfeo, bata{Mat. 10:3}) |
| Les. 15 III: Ibig sabihin ba sariling pasiya ng T.P. ang kanilang ipinapasiya? Wala ba silang kasangguni sa pagpapasiya? | Gawa 15:28 > Minagaling ng Espiritu Santo |
| Les. 15 III: Bakit kinakailangan ang pasiya ng pamamahala noon? Ano ba ang nangyari noon sa unang Iglesia kaya kinailangan sumangguni sa Pamamahala? | Gawa 15:1-2 > Nagkaroon ng pagtatalo |
| Les. 15 III: Ano ang ginawa nila nang nasa harap na sila ng pamamahala? | Gawa 15:12-13 at 19-20 MB > Nagpahayag ang 2 panig at sinabi ang pasiya ng Pamamahala |
| Les. 15 III: Anong naging damdamin ng mga kapatid nang magkaroon ng pasiya ang Pamamahala at basahin ito sa kanila? | Gawa 15:30-31 MB > Nagalak sila |
| Les. 16 P: Ano ang aral ng Biblia ukol sa kapatiran sa loob ng Iglesia? | I Ped. 2:17 > Ibigin ang kapatiran |
| Les. 16 P: Bakit mahalaga na ibigin ang kapatiran? Ano ang kinalaman ng pag-ibig natin sa kapatid sa ating kaugnayan sa PJC? | Juan 13:34-35 > Ang umiibig ang tunay na alagad ni Cristo |
| Les. 16 P: Sino ba ang nagtatag ng kapatiran sa loob ng Iglesia Ni Cristo? | Mat. 23:8 > Ginawa Niya tayong lahat na magkakapatid |
| Les. 16 I: Paano natin patutunayan ang ating pag-ibig sa kapatid? | I Juan 3:17 > Huwag pagkakaitan ng tulong |
| Les. 16 I: Sinong kapatid ang hindi marapat tulungan o damayan kahit pa siya ay nangangailangan din? | II Tes. 3:6 MB > Ang mga tamad at ayaw mabuhay ayon sa tagubilin ng mga apostol |
| Les. 16 I: Sino ang tinutukoy rito na hindi namumuhay ng ayon sa itinagubilin sa kanila ng mga apostol? | II Tes. 3:11-12 MB > Ang ayaw magtrabaho at nanghihimasok sa buhay nang may buhay |
| Les. 16 I: Bakit di dapat tulungan ang mga tamad? Anong utos tungkol sa kanila? | II Tes. 3:10 > Di pinakakain-mamamatay |
| Les. 16 I: Kung meron mang kapatid na tamad, paano maipadarama ang ating pag-ibig sa kapatid na tamad? | II Tes. 3:15 MB > Pangaralan |
| Les. 16 II: Paano pa natin maiingatan ang kapatiran sa loob ng Iglesia? | Sant. 5:9 > Huwag mag-upasalaan, maghihinanakitan (MB), maghihinakitan (NPV) |
| Les. 16 II: Kung sakaling nagawan tayo ng masama ng kapatid, ano ang ipinagbabawal upang maingatan natin ang kapatiran sa Iglesia? | I Ped. 3:8-9 > Huwag gantihan ng masama ang masama |
| Les. 16 II: Ano pa ang ipinagbabawal sa atin upang maingatan natin ang kapatiran sa Iglesia? | I Ped. 3:10 > Magpigil ng dila sa masama |
| Les. 16 II: Ano ang hindi natin marapat gawin sa kapatid natin sa Iglesia? | I Cor. 6:8 > Pandaraya |
| Les. 16 III: Kung may nagawang masama sa atin ang ating kapatid sa Iglesia, ano ang hindi natin marapat gawin? | I Cor. 6:6 MB > Ang magsakdal ng kapatid sa mga hukuman sa lupa |
| Les. 16 III: Anong marapat nating gawin sa halip na ihabla, idemanda o ipagsakdal ang ating kapatid? | I Cor. 6:4 MB > Sa taong kinikilala ng Iglesia |
| Les. 16 III: Bago idulog sa pamamahala ng Iglesia, ano muna dapat gawin? Ano ang ipinagagawa ni Cristo kung nagkasala sa atin ang ating kapatid? | Mat. 18:15 MB > Puntahan at kausapin nang sarilinan |
| Les. 16 III: Ano ang pinapagawa kung hindi pa rin nakikinig? | Mat. 18:16 MB > Magsama pa ng isa o dalawa upang sumaksi(maytungkulin o ministro) |
| Les. 16 III: Kung hindi pa rin siya nakikinig, ano ang susunod na dapat gawin? | Mat. 18:17 MB > Sabihin sa Iglesia (Iulat) |
| Les. 16 III: Anong katumbas ng Gentil? | Efe. 2:11-12 > Hiwalay sa Iglesia |
| Les. 16 III: Ano tungkulin ng magkakapatid sa Iglesia na nagkaroon ng pagkakaalit? | Mat. 5:23-26 > Magkasundo agad |
| Les. 16 III: Paano ang maayos na pagkakasundo ng nagkaalit na magkakapatid sa Iglesia? | Efe. 4:32 > Magpatawaran sa isa't isa |
| Les. 16 III: Gaano kasama ang magtanim ng poot sa kapatid? | I Juan 3:15 > Katumbas ng mamamatay-tao |
| Les. 16 III: Saan naman nananahan ang tunay na umiibig sa kapatid? | I Juan 3:14 > Nangalipat sa buhay mula sa kamatayan |
| Les. 17 P: Bakit tungkulin natin na makisama sa pagpapalaganap ng ebanghelyo? Hindi ba dapat sarilinin na lamang ang ating pagka-INC? | Mat 5:14 > Ginawa tayong ilaw |
| Les. 17 P: Bakit tayo ginawang ilaw ng sanglibutan? | Mat. 5:15-16 > Upang magbigay ng liwanag sa mga tao |
| Les. 17 P: Bakit nangangailangan ng ilaw ang sanglibutang ito? | Efe. 6:12 MB > Sapagkat namamayani ang kadiliman sa sanglibutan |
| Les. 17 P: Bakit kung gumagawa tayo ng mabuti ay natutugunan natin ang pagiging ilaw ng sanglibutan? | Fil. 2:15 > Isang lahing liko at masama |
| Les. 17 I: Ano pa ang dahilan at pananagutan natin ang pakikisama sa pagpapalaganap ng ebanghelyo? | Mat. 5:13 > Itinulad tayo sa asin ng lupa |
| Les. 17 I: Bakit tayo itinulad sa asin sa sanglibutan? Ano ba ang kalagayan ng sanglibutan? | Roma 8:21 > Alipin ng kabulukan |
| Les. 17 II: Paano ang pinakamagaan na paraan ng pagpapalaganap ng ebanghelyo? | Juan 4:28-30 > Tularan ang babaing Samaritana-mag-anyaya ng mga taong makikinig ng aral |
| Les. 17 II: Naging mabisa ba ang ginawang paraan ng Samaritana? Anong katunayang mabisa yun? | Juan 4:39,41-42 > Lalo pang marami nagsisampalataya |
| Les. 17 II: Gaanong pagtatalaga ang dapat nating iukol sa pagtulong sa gawaing pagpapalaganap? | Awit 40:9-10 MB > Hindi titigil |
| Les. 17 II: Ano ang nagagawa natin sa paningin ng Diyos kapag tumulong tayo sa pagpapalaganap ng ebanghelyo? | Col. 1:10 NPV > Nagbubunga |
| Les. 17 III: Ano ang kapalaran ng mga kapatid na patuloy n tumutulong sa pagpapalaganap ng ebanghelyo? | Fil. 4:3 MB > Nakasulat ang kanilang pangalan sa aklat ng buhay |
| Les. 17 III: Anong kahalagahan kung ang pangalan natin ang nakasulat sa aklat ng buhay? | Dan. 12:1(b) > Tiyak na maliligtas |
| Les. 18 P: Ano ang itinakda ng Diyos na gagawin Niya sa sanglibutan? | Gawa 17:31 > Araw Ng Paghuhukom |
| Les. 18 P: Ano pa ang katunayan na matutupad ang itinakdang ito ng Diyos? | Heb. 9:27 > Ang kamatayan ay itinakda rin ng Diyos |
| Les. 18 P: Kailan magaganap ang Araw Ng Paghuhukom? | Jud. 1:14-15 > Sa ikalawang pagparito ni Cristo |
| Les. 18 I: Paano natin matitiyak kung malapit na ang ANP o ang Katapusan Ng Sanglibutan? | Mat. 24:3,33 > May mga makikitang palatandaan |
| Les. 18 I: Ano ang mga tanda na kapag nakita na ay malapit na ang ANP? | Mat. 24:6-8 > Mga digmaan, lindol, kagutom, at kahirapan |
| Les. 18 I: Ano ang kapahamakang magaganap sa sanglibutan sa ANP? | II Ped. 3:7,10 > Lilipulin ang mga taong masama |
| Les. 18 I: Subalit sino ang tiniyak na mga hindi lilipulin? | Roma 8:1 > Ang mga kay Cristo |
| Les. 18 I: Alin ang kinikilala ni Cristo na sa Kaniya? | Mat. 16:18 > Ang itinayo Niya:Iglesia |
| Les. 18 I: Anong pangalan ng Iglesia? | Roma 16:16 NPV > Iglesia Ni Cristo |
| Les. 18 II: Ano ang kapalaran ng mga kay Cristo sa ANP? | I Tes. 4:16 > Unang bubuhayin |
| Les. 18 II: Ano naman ang gagawin ng mga kay Cristo na dinatnang buhay pa? | I Tes. 4:17 MB > Titipunin sa ulap at isasama sa mga binuhay na mag-uli at sasalubong sa Panginoon sa papawirin |
| Les. 18 II: Ano ba ang kapalaran ng makalakip sa unang pagkabuhay na mag-uli? | Apoc. 20:6 > Wala nang kapangyarihan ang 2nd death |
| Les. 18 II: Kailan bubuhayin ang ibang mga patay at ano gagawin sa kanila? | Apoc. 20:5,7-10 > 2nd Revival at sila'y pahihirapan sa apoy araw at gabi magpakailanman |
| Les. 18 II: Saan tatahan magpakailanman ang mga maliligtas? | Apoc. 21:1-4 > Sa bayang banal na ang mga bagay nang una ay lumipas na |
| Les. 18 III: Ano ang pananagutan ng bawat Iglesia Ni Cristo samantalang naghihintay sa ANP? | Mat. 24:44 > Dapat maghanda |
| Les. 18 III: Ano ang isa sa mga dahilan kung bakit natin dapat paghandaan ang pagdating ng ANP? | Mat. 24:36 > No one knows except the Father |
| Les. 18 III: Paano natin paghahandaan ang ANP? | II Ped. 3:14 > Datnang nasa kapayapaan |
| Les. 18 III: Alin ang kinaroroonan ng kapayapaan na dapat diyan tayo kasumpungan? | Col. 3:15 > Nasa katawan |
| Les. 18 III: Alin yung katawan na tinutukoy? | Col. 1:18 > Iglesia |
| Les. 18 III: Ano ang hinihingi sa atin upang makatiyak tayo ng kaligtasan? | Mat. 24:13 MB > Manatiling tapat hanggang sa wakas |
| Les. 19 P: Ano ang ipinapauna ng mga apostol na hindi dapat ipagtaka kung ating danasin? | I Ped. 4:12-13 MB > Ang mabibigat na pagsubok |
| Les. 19 P: Bakit kailangang paraanin tayo sa pagsubok? | I Ped. 1:6-7 MB > Upang malaman kung tayo ay tapat |
| Les. 19 I: Ano ang dapat mapatunayan sa mga nahasikan ng SND? | Mar. 4:14-20 MB > Hindi madadaig ng pang-uupat o ng pag-uusig at kahirapan, hindi manlalamig ni paaabala sa mga bagay sa mundong ito, kundi magbubunga |
| Les. 19 I: Ano ang bunga na hinahanap sa atin? | Fil. 1:11 > Bunga ng kabanalan |
| Les. 19 I: Ano pa ang isang katunayan na ang isang naturuan ay natuto? | Efe. 4:21-24 MB > Ang isa pang katunayan ng natuto-nagbabagong-buhay |
| Les. 19 II: Paano patutunayan ng sumasampalataya na siya'y matatag sa pag-asa at hindi nag-aalinlangan? | Heb. 10:23,25 > Hindi kinaliligtaan ang pagdalo sa pagsamba |
| Les. 19 II: Kung dinatnan ng suliranin at nahahadlangan sa paglilingkod, ano ang dapat nating maging pag-asa? | Awit 27:4-5,1 MB > Matatamo ang pag-iingat at patnubay |
| Les. 19 III: Anong paninindigan ang hinahanap ng Diyos sa sumasampalataya upang tiyak na maligtas? | Heb. 10:38-39 > Huwag uurong |
| Les. 19 III: Hanggang kailan dapat itaguyod ang ating mga paglilingkod? | Apoc. 14:12-13 MB > Hanggang kamatayan |
| Les. 19 III: Alin ang kapahingahan na iyon na ating tatamasahin? | Apoc. 21:1-4 > Papahirin ang bawat luha sa mata, walng kamatayan, walng dalamhati o panambitan o hirap man |
| Les. 20 P: Sino ang may utos na dapat tayong manalangin at ano ang kahalagahan nito? | Luc. 18:1 > Utos ni Cristo upang huwag manlupaypay (huwag manghinawa {MB}) |
| Les. 20 P: Ano pa ang kahalagahan ng pananalangin? | Mat. 26:41 > Upang wag magsipasok sa o wag mapagtagumpayan ng tukso |
| Les. 20 P: Sa ano pa natin magagamit ang mga pananalangin? | Fil. 4:6 > Upang maipakilala ang mga kahilingan sa Diyos |
| Les. 20 P: Sa ano pa mapapakinabangan ang pananalangin? | Sant. 5:14-15 > Sa ikagagaling ng maysakit |
| Les. 20 P: Ano ang isang mahalagang dapat nating hilingin sa ating pananalangin? | Luc. 17:5 > Humingi ng pananampalataya |
| Les. 20 I: Kailan ang karaniwang takdang pansariling panalangin ng mga tao ng Diyos? | Awit 55:17 > Sa umaga, tanghali o hapon |
| Les. 20 I: Kailan dapat manalangin? | I Cor. 10:31 > Anoman ang ginagawa:Lagi |
| Les. 20 I: Dapat ba nating katamaran ang pananalangin? | Gawa 10:2 > Laging nananalangin |
| Les. 20 II: Ano ang tamang balangkas ng pananalanging itinuro ng ating PJC? | Mat. 6:9-12 MB > Magpuri, magpasalamat, humingi ng tawad, at mga pangangailangan |
| Les. 20 II: Kanino pa tayo dapat manalangin? | Heb. 4:14,16 > Lumapit sa luklukan ng biyaya |
| Les. 20 II: Ano ang tagubilin sa atin kapag tayo'y mananalangin? | Juan 15:16 > Hingin sa pangalan ni Cristo |
| Les. 20 II: Ano ang kabawal-bawalan sa atin kapag tayo'y mananalangin? | Mat. 6:7 > Ang walang kabuluhang paulit-ulit na dasal |
| Les. 20 III: Ano ang katangian ng mga tiyak na sasagutin sa panalangin? | Mar. 11:24 > May pananampalataya |
| Les. 20 III: Bakit kailangang tayo'y may pananampalataya kapag tayo'y nananalangin? | Sant. 1:6-8 > Sapagkat di tatanggap ang mga nag-aalinlangan |
| Les. 20 III: Sapat na bang ang nananalangin ay sumasampalataya? | I Juan 3:22 > Kailangang sumusunod sa mga utos ng Diyos |
| Les. 20 III: Sinong nananalangin ang hindi tatanggap? | Sant. 4:3 > Yaong may masamang hangarin |
| Les. 20 III: Bakit di tayo dapat mag-atubili sa pananalangin o paghingi sa Diyos? | Isa. 30:18 MB > Naghihintay ang Diyos sa nagtitiwala |
| Les. 9 P: Bakit tungkulin ng lahat ng Iglesia Ni Cristo ang sumamba sa Diyos? | Juan 4:23 > Hinahanap ng Ama |
| Les. 9 P: Bakit pinapanagot tayo ng Panginoong Diyos na sumamba sa Kaniya? | Awit 95:6-7 > Siya ang May Lalang at tayo ang bayan Niya |
| Les. 9 P: Saan ba sumasamba ang mga tunay na mananamba o ng bayan ng Diyos, don ba sa anumang dako na mapili nila? | Awit 5:7 > Sa Kaniyang banal na templo |
| Les. 9 P: Alin ang pagsambang isinasagawa sa loob ng bahay sambahan at paano ang pagsasagawa nito? | I Cor. 14:26,15 > Ito ang pagkakatipon na may awit, panalangin at aral |
| Les. 9 I: Ano ang mahigpit na tagubilin ng mga apostol tungkol sa ganitong mga pagkakatipon ng Iglesia? | Heb. 10:25 MB > Huwag kaligtaan ang pagdalo |
| Les. 9 I: Kailan ba isinasagawa ng unang Iglesia ang kanilang mga pagsamba? | Gawa 20:7 > Unang araw ng sanlingggo |
| Les. 9 I: May pagkakataon ba sa unang Iglesia Ni Cristo sa panahon ng mga apostol na naging araw-araw ang kanilang mga pagkakatipon? | Gawa 2:46 > May pagkakataong naging araw-araw |
| Les. 9 I: Ano ba ang karapatan ng namamahala sa Iglesia sa pagtatakda ng mga araw ng pagsamba? | Mat. 18:19 > Pinagtitibay sa langit |
| Les. 9 II: Ano ang mahigpit na bilin ng Diyos upang huwag nating mapabayaan ang ating mga pagsamba? | Deut. 12:5 > Hanapin ang sambahan saan man naroon |
| Les. 9 II: Anong babala ng Panginoong Diyos sa mga nagpapabaya sa pagsamba? | Heb. 10:25-27 > Parurusahan |
| Les. 9 II: Yung bang mga pangangatuwiran na di nakasamba, tatanggapin po ba iyon ng Panginoong Diyos at ng Panginoong Jesucristo? | Luc. 9:59-62 > Hindi magiging karapatdapat sa kaharian ng Diyos ang mga mapagdahilan |
| Les. 9 III: Ano ang pangako ng Panginoong JesuCristo sa ating mga pagsamba? | Mat. 18:20 > Makikisama Siya sa pagkakatipon |
| Les. 9 III: Paano makikisama ang Panginoong JesuCristo sa ating pagsamba? | Gal. 4:6 > Sa pamamagitan ng Espiritu |
| Les. 9 III: Ano ang dapat nating isapuso sa pagdalo sa pagsamba? | Efe. 3:16-18 MB > Lalakas ang buhay espirituwal at magiging matatag sa pag-ibig |
| Les. 8 P: Ano ang dapat na maging uri ng bawat kaanib sa Iglesia Ni Cristo? | II Cor. 5:17 > Bagong nilalang-ang dating bagay ay lumipas na |
| Les. 8 P: Alin ang mga dating bagay na ito? | Efe. 4:21-22 > Iwan ang dating pamumuhay |
| Les. 8 P: Pagkatapos iwan ang dating pamumuhay, ano ang dapat ibihis para maiwan ang masamang pamumuhay? | Efe. 4:23-24 Bagong espiritu ng pag-iisip at bagong pagkatao |
| Les. 8 I: Bakit masamang manatili sa likong pamumuhay ang isang taong umanib na sa Iglesia Ni Cristo? | I Cor. 6:9-10 > Sapagkat hindi magmamana ang nasa likong pamumuhay |
| Les. 8 I: Ano ang isa sa kasalanang hindi ikaliligtas? | I Cor. 6:9-10 TLB > Pakikiapid sa lalake o homosexuals |
| Les. 8 I: E feminine daw, di bakla kundi may pusong lalake, yun ba'y maliligtas din? | I Cor. 6:9 NLT > Kahit kilos babae ay di rin maliligtas |
| Les. 8 I: Ano ang gagawin ng Panginoong Diyos sa mga tumatangging magbagong-buhay? | Ose. 13:13-14 MB > Parurusahan sa impiyerno |
| Les. 8 I: Paano kung sila'y Iglesia Ni Cristo pero sila'y bakla, tomboy, adik, anong gagawin sa kanila? Anong uring Iglesia Ni Cristo ang di nagbabagong buhay? | Job 18:5,18 > Itatapon sa labas ng sanglibutan kapag tuluyang nagdilim |
| Les. 8 I: Anong katumbas nito? | I Cor. 5:13 NPV > Di Ligtas |
| Les. 8 II: Ano ang nararapat nating gawin kung tayo ay nasa mga gawa ng laman? | Col. 3:5-9 > Dapat patayin o layuan |
| Les. 8 II: Ano ng ilan sa mga gawa ng laman na dapat patayin o layuan? | Gal. 5:19-21 Ang ilan sa mga gawa ng laman= Pakikiapid, karumihan, kalibugan, pagsamba sa diosdiosan, pangkukulam, mga pagtataniman, mga pagtatalo, mga hidwang pananampalataya, mga kalayawan atbp. |
| Les. 8 II: Dahil dito, anong dapat gawin ng mga kaanib o miyembro na sa INC? | Mat. 3:8,10 > Magbunga ng karapatdapat sa pagsisi |
| Les. 8 II: Dapat po bang itago o ikaila ang mga kasalanan? Ano pong dapat gawin sa mga ito? | Awit 32:5 > Ipinahayag sa Panginoon at ipinatawad |
| Les. 8 II: Paano makikilala ang buong pusong nanunumbalik sa Panginoong Diyos? Ano ang isa sa kaniyang mga katangian? | Isa. 55:7 > Patunayan ang panunumbalik sa pamamagitan ng paglisan sa masamang lakad |
| Les. 8 III: Ano ang biyayang tatamuhin ng mga magsisisi o magpapahayag ng kanilang mga kasalanan sa Diyos? | I Juan 1:9 > Patatawarin at lilinisin |
| Les. 8 III: Paano kung napakabigat ng pagkakasala? Wala na bang pag-asa na matupad iyon? | Isa. 1:18 MB > Kahit pa napakarami ng pagkakasala ay patatawarin |
| Les. 8 III: Anong babala kung ayaw duminig? | Isa. 1:19-20 MB > Parurusahan |
| Les. 7 P: Ano ang kahulugan ng pagbabagong buhay ng mga Iglesia Ni Cristo ayon sa itinuro ng Panginoong Jesucristo? | Mat. 19:28 > Pagsunod sa pagbabagong-lahi |
| Les. 7 P: Paano matutupad ang pagbabagong-lahi ng mga sumunod kay Cristo? | Juan 3:3-4 > Dapat na ipanganak na muli |
| Les. 7 P: Anong ibig sabihin na ipanganak na muli o born again? Paano? | Juan 3:6 > Ipanganganak ng Espiritu |
| Les. 7 P: Sino ang espiritu na sa pamamagitan Niya ay ipanganganak na muli ang tao? | Juan 4:24 > Sa pamamagitan ng Ama (Spiritual not Biological) |
| Les. 7 I: Paano maipanganganak ng Diyos ang tao na ito ang panganganak na muli ayon sa Biblia? | Juan 1:12-13 > Sumampalataya sa Pangalan |
| Les. 7 I: Paano natin makikilala ang mga naipanganak na muli? | Gawa 15:17 > Tinatawag sa Pangalan |
| Les. 7 I: Alin ang pangalang itatawag sa kanila? | Juan 17:11 MB > Pangalang ibinigay ng Diyos kay Cristo |
| Les. 7 I: Paano itatawag ang pangalang ibinigay ng Diyos kay Cristo? | Roma 16:16 NPV > Iglesia Ni Cristo |
| Les. 7 I: Dahil ba sa umanib na ang tao sa Iglesia Ni Cristo, wala na bang pananagutan na magbagong buhay? | II Cor. 5:17 > Ang tunay na Iglesia Ni Cristo-bagong nilalang na |
| Les. 7 I: Alin ang tinutukoy na mga dating bagay na nagsilipas na? | Efe. 4:22 > Dating Pagkatao/Ugali/Karakter |
| Les. 7 I: Alin ang dating pagkatao na dapat iwan ng mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo? | Col. 3:5-9 > Iwan ang iba't ibang uri ng kasalanan |
| Les. 7 II: Paano mapatutunayan ng isang Iglesia Ni Cristo ang lubos na pagbabagong buhay? | II Cor. 5:15 > Nabubuhay roon sa namatay: sa pamamagitan ni Cristo |
| Les. 7 II: Paano maibubuhay ang ating Panginoong Jesucristo? Literal ba na Siya'y tutularan? | I Ped. 4:1 at 2-3 > Magsandata ng pag-iisip ni Cristo |
| Les. 7 III: Ano ang hinihingi ng Diyos sa lahat ng Iglesia Ni Cristo na hindi nagbabagong buhay? | Ezek. 18:30-31 > Katulad din ng hiningi sa Israel: Magbalik Loob, Magsihiwalay sa Pagsalangsang, Iwaksi, Magbagong Loob, at Magbagong Diwa |
| Les. 7 III: Dahil dito, anong uring puso ang dapat nating ibihis? | Col. 3:12 > Mahabagin, kagandahang loob, kababaan, kaamuan at pagpapahinuhod |
| Les. 7 III: Ano ang pangako ng Diyos sa mga dirinig sa kanyang panawagan? | Kaw. 4:10-12 > Ang pangako sa dirinig: Ipagkakaloob ang mga biyaya sa buhay na ito at sa darating |
| Les. 6 P: Aling talata ng Bibilia ang ginagamit nang hidwa ng mga nagtuturong si Cristo ay Diyos na nagkatawang tao? | Juan 1:1, 14 > Ang Verbo ay Diyos na nagkatawang-tao |
| Les. 6 I: Ano ba ang kahulugan ng Verbo ayon na rin sa mga pari? | Juan 1:1 Trinidad (footnote) > Kaisipang mula sa Diyos |
| Les. 6 I: Bakit natin tinanggap ang sinabi ng pari? Ano ba ang paliwanag nila patungkol sa talatang iyon? | I Ped. 1:20 Trinidad > Sapagkat wala pang Cristo nang pasimula kundi nasa isip pa lamang Siya ng Diyos |
| Les. 6 II: Kailan nagkaroon ng Cristo sa kalagayan na sa pasimula'y balak pa lamang o salita? | Gal. 4:4 > Nang ipanganak ng isang babae |
| Les. 6 II: Ano bang pagkakagamit ng salitang Verbo/ng terminong Diyos? | Luc. 1:37 > Walang salitang mula sa Diyos na di may kapangyarihan |
| Les. 6 II: Ano ba ang isa sa mga katangian ng tunay na Diyos? | Gen. 35:11 > Makapangyarihan sa lahat |
| Les. 6 II: Anong ibig sabihing nagkatawang tao ang Verbo? | Mat. 1:18, 20 > Natupad ang Verbo o Salita nang ipanganak ni Maria ang Panginoong Jesucristo |
| Les. 6 III: Si Cristo ba ang ipinakilalang tunay na Diyos sa I Juan 5:20? | I Juan 5:20 > Ang ipinakilala ng Anak: ay ang tunay na Diyos |
| Les. 6 III: Sino ba ang ipinakilala Niyang tunay na Diyos? Ang sarili ba Niya? | Juan 17: 3, 1 > Ang Ama |
| Les. 5 P: Anu-ano ang pagkakaiba ng Diyos at ni Cristo? | Awit 90:2 > Ang Diyos ay walang pasimula |
| Les. 5 P: Si Cristo ba'y walang pasimula katulad ng Diyos? | Juan 8:42 > Nagmula at nanggaling sa Diyos, Isinugo si Cristo |
| Les. 5 P: Ano pa ang katangian ng tunay na Diyos? | I Tim. 1:17 > Walang kamatayan ang Diyos |
| Les. 5 P: Hindi ba nakaranas ng kamatayan si Cristo? | Juan 19:30,33 > Nalagot ang hininga o namatay |
| Les. 5 I: Ano pa ang nagpapatunay na iba si Cristo sa Diyos? | Isa. 45:5 > Ang tunay na Diyos ay walang kinikilalang ibang Diyos |
| Les. 5 I: Ang Panginoong Jesucristo ba'y walang kinikilalang Diyos kaya siya daw ay Diyos? | Mar. 15:34 > May kinikilalang Diyos: Diyos Ko, Diyos Ko. |
| Les. 5 I: Ano pang nagpapatunay ng kaibahan ni Cristo sa Diyos? | Isa. 40:28 > Ang Diyos ay hindi napapagod |
| Les. 5 I: Taglay ba ito ng Panginoong Jesucristo? | Juan 4:6 > Napagod at Naupo |
| Les. 5 II: Ano pa ang lalong nagpapatunay na malaki ang pagkakaiba ni Cristo sa Diyos? | I Cor. 15:27-28 > Si Cristo ay pasusukuin sa Diyos |
| Les. 5 II: Ano ring maling pag-aakala o pagkaunawa ng mga alagad ni Cristo tungkol sa Kaniya? | Luc. 24:36-37 at MB > Inakala nilang Siya ay isang Espiritu o multo |
| Les. 5 II: Sino ba ang tinutukoy ng Biblia na espiritu? | Juan 4:24 > Ang Diyos |
| Les. 5 II: Anong ginawa ng PJC para ituwid ang maling pagkaunawa ng mga alagad tungkol sa Kaniya? | Luc. 24:38-39 > Pinatunayan na Siya ay hindi Espiritu o Diyos kundi may laman at mga buto |
| Les. 5 II: Totoo bang nang umakyat si Cristo sa langit ay naging Diyos na Siya? | Juan 20:17 > Aakyat si Cristo sa Diyos na ating Diyos |
| Les. 5 II: Sino ang Diyos na kinikilala ni Cristo? | Juan 17:1,3 > Ang Ama |
| Les. 5 III: Si Cristo ay hindi Diyos, subalit bakit nakagawa Siya ng mga himala? | Gawa 2:22 Trinidad > Ang Diyos ang gumawa sa Kaniya |
| Les. 5 III: Anong kamalian na tanggaping Diyos si Cristo dahil sa kaniyang ginawang mga himala? | Gawa 19:11-12 > Darami ang Diyos-sapagkat nahayag din ang mga himala sa pamamagitan ni A.Pablo |
| Les. 5 III: Ano pang lalong nagpapatunay na hindi mapanghahawakan na Diyos si Cristo dahil Siya'y nakagawa ng himala? | Juan 5:30 > Ipinagtapat ni Cristo:"Hindi ako makagagawa ng anuman sa aking sarili." |
| Les. 5 III: Bakit nabuhay na mag-uli ang Panginoong Jesucristo? Sapagkat Siya ba'y Diyos? | Gawa 2:23-24 > Binuhay na mag-uli ng Diyos |
| Les. 4 P: Ano ang pagkakilala ng Iglesia Ni Cristo kay Cristo? | Mat. 3:17 > Anak ng Diyos-ayon mismo sa Ama |
| Les. 4 P: Ano pa ang katangian at karangalan ang ibinigay kay Cristo? | Gawa 2:36 > Ginawang Panginoon:Hindi katutubo |
| Les. 4 P: Ano pa ang katangian na ibinigay kay Cristo? | Gawa 5:31 > Tagapagligtas |
| Les. 4 P: Ano pa ang katangian na ibinigay kay Cristo ayon kay Apostol Pablo? | I Tim. 2:5 > Tagapamagitan |
| Les. 4 P: Ano pa ang katangian na ibinigay kay Cristo? | Efe. 1:20-22 > Inilagay sa ibabaw ng lahat ng nilalang/Pangulo |
| Les. 4 P: Ano pa ang ginawa ng Diyos kay Cristo na katungkulan naman gawin ng lahat ng tao sa Kaniya na iyon ay kalooban ng Diyos? | Filip. 2:9-11 MB > Pinadakila ng Diyos at ipinag-utos na sambahin |
| Les. 4 P: Ano pa ang isa sa mga katangian ng PJC na ipinakilala ng Biblia na ating sinasampalatayanan? | Filip. 2:5,8 > Mapagpakumbaba at masunurin |
| Les. 4 P: Ano naman ang gagawin ng Diyos kay Cristo pagkatapos pasukuin ang lahat ng bagay? | I Cor. 15:27-28 > Pasusukuin sa Diyos |
| Les. 4 I: Ano pa ang kahigitan o katangian ni Cristo kaysa karaniwang tao? | Roma 5:12 > Nagkasala ang lahat |
| Les. 4 I: Sino lamang ang pinatutunayan ng Biblia na di nagkasala? | I Ped. 2:21-22 > Si Cristo |
| Les. 4 I: Banal ba ang PJC? Walang kasalanan sa ganang Kaniyang sarili kaya daw Diyos? | Juan 10:36 > Siya ay pinabanal ng Ama |
| Les. 4 II: Sa kabila ng mga katangian ni Cristo, ano ang likas Niyang kalagayan ayon mismo sa Kaniya? | Juan 8:40 > Tao si Cristo ayon sa turo Niya mismo |
| Les. 4 II: Ayon sa mgaa apostol, ano rin ang likas na kalagayan ng PJC? | I Tim. 2:5 > Taong Tagapamagitan ayon kay A.Pablo |
| Les. 4 II: Is PJC a dual nature? | I Tim. 2:5 TLB > Isang tao mismo |
| Les. 4 II: Ano rin ang itinuro ni A.Pedro tungkol sa likas na kalagayan ng PJC? | Gawa 2:22 Trinidad > Tao ayon kay A.Pedro |
| Les. 4 II: Bago pa naman ipanganak ang PJC, ano na ang Kaniyang likas na kalagayan na paunang pahayag ni A.Mateo? | Mat. 1:18,20 > Tao ayon kay A.Mateo |
| Les. 4 III: Nasa Biblia ba ang aral na si Cristo ay taong totoo at Diyos na totoo? | Ose. 11:9 > Ang Diyos ay hindi tao |
| Les. 4 III: Baka naman pumayag ang Diyos na ang tao'y maging Diyos? | Ezek. 28:2 > Ang tao ay hindi Diyos |
| Les. 4 III: Kung labag sa Biblia, bakit malaganap ng gayong aral? Saan ba nagsimula ang ganoong doktrina? | Discourses on the Apostles' Creed, p.206 > Sa Konsilyo ng Nicea noong 325 A.D. |
| Les. 4 III: Kataka-taka ba na may bumangong mangangaral na ang turo ay iba sa mga ipinangaral ng mga apostol? | II Cor. 11:3-4 > Hindi, ipinagpauna ni A. Pablo na may ibang Jesus na ituturo |
| Les. 3 P: Ano ang marapat na pagpasok o pag-anib sa Iglesia Ni Cristo ayon sa Biblia? | Roma 5:2 > Sa pamamagitan ng pananampalataya |
| Les. 3 P: Bakit ang marapat na pagpasok sa Iglesia Ni Cristo ay sa pamamagitan ng pananampalataya? | Heb. 11:6 > Hindi makalulugod sa Diyos |
| Les. 3 P: Anong pasya ng Diyos sa mga di sumasampalataya kahit pa INC? | Juan 3:18 > Hinatulan na |
| Les. 3 P: Anong hatol ng Diyos? | Apoc. 21:8 > Parurusahan sa dagat-dagatang apoy: Di ligtas |
| Les. 3 I: Mayroon bang mga hal. sa Biblia ng mga nagsisunod kay Cristo noong una subalit hindi dahil sa pananampalataya? | Juan 6:25-26 > Dahil sa pagkain |
| Les. 3 I: Sa hangaring mapagbago sila, anong bilin ng PJC sa kanila? | Juan 6:27-29 > Pagkaing di-mapapanis |
| Les. 3 I: Meron bang sumama, umanib sa INC noong una pero di sumampalataya? | Juan 6:64 > Tiyak walang aamin |
| Les. 3 I: Paano natin makikilala ang di sumasampalataya? | Juan 6:60-61 > Mga matitisurin |
| Les. 3 I: Makapananatili po ba ang mga gayon? | Juan 6:66 > Hindi po |
| Les. 3 I: On the other hand, anong buti kapag ang nag-udyok ay dahil sa pananampalataya? | Juan 6:67-69 > Kahit palayasin ay di aatras o di uurong |
| Les. 3 II: ANo ang kahulugan ng pananampalataya ayon sa Biblia? | Heb. 11:1 > Kapanantagan sa hinihintay |
| Les. 3 II: Sino ang isang mabuting halimbawa? | Roma 4:18-21 > Nanalig sa kapangyarihan ng Diyos si Abraham |
| Les. 3 II: Anong katangian ng may pananampalataya? | Col. 1:23 > Matitibay at di nakikilos |
| Les. 3 III: Paano nagiging matibay ang isang sumasampalataya? | Mat. 7:24-25 > Nakikinig at tumutupad |
| Les. 3 III: Anong sama kung nakikinig pero di gumaganap? | Mat. 7:26-27 > Marupok ang kaanib na hindi gumaganap |
| Les. 3 III: Sinu-sino ang dapat nating sampalatayanan? | Juan 14:1-2 > Ang Diyos at si Cristo |
| Les. 3 III: Alin pa ang dapat sampalatayanan? | Mar. 16:15-16 > Ang evangelio |
| Les. 3 III: Bukod sa Diyos at kay Cristo, sino pa dapat sampalatayanan? | Juan 6:29 > Ang sinugo |
| Les. 2 P: Ano ang ipinagpauna ni Cristo na daranasin ng Kaniyang mga alagad dito sa sanlibutan? | Juan 15:20 > Pag-uusigin |
| Les. 2 P: Bukod sa pag-uusig, ano pa ang maaari nating maranasan nating mga INC? | Juan 15:18 > Ang kapootan ng sanglibutan |
| Les. 2 P: Bakit pinag-uusig at kinapopootan ang mga kaanib ng INC? | Juan 5:19 > Sapagkat hinirang Niya tayo |
| Les. 2 P: Ano ang nasa atin na wala sa iba kaya tayo'y pinag-uusig at kinapopootan? | Juan 15:21 > Dahil sa pangalan ni Cristo |
| Les. 2 P: Kung maranasan natin ito, dapat ba natin itong ipagdamdam? | Mat. 5:10-12 > Hindi, sa halip ay dapat mangagalak |
| Les. 2 I: Sinu-sino ang ipinagpauna ni Cristo na maaaring umusig sa Kaniyang mga alagad? | Mat. 10:36 > Ang mga kasambahay |
| Les. 2 I: Kahit makaranas ng pag-uusig, ano ang hinihintay ng PJC na maging paninindigan natin usigin man tayo? | Mat. 10:37 > Marapat ibigin Siya ng higit kaysa kasambahay o mga mahal sa buhay |
| Les. 2 I: Dapat ba nating ikahiya ang pagka-INC natin kung ito'y pinipintisan? | I Ped. 4:14-16 > Kapalaran kung mapintasan |
| Les. 2 I: Anong babala ng PJC sa mga nagmakahiya? | Mar. 8:38 > Ikakahiya ng PJC sa ANP=Di ligtas |
| Les. 2 II: Paano nanindigan sa pag-uusig ang mga naunang lingkod ng Diyos? | Gawa 5:40-42 > Ikinatuwa ng mga apostol ang pagbabata dahil kay Cristo |
| Les. 2 II: Sino pang lingkod ng Diyos ang halimbawa na kahit pinag-uusg ay nanatili sa pagsunod sa kalooban ng Diyos? | Dan. 6:7-10 > Hindi natakot sa banta si Propeta Daniel |
| Les. 2 III: Ano ang pangako ng Diyos sa mga nagpakasakit dahil sa pagsunod kay Cristo? | Luc. 18:28-30 > Gagantihin ng walang hanggang buhay |
| Les. 2 III: Anong maaasahan ng mga nagtiis ng pang-uusig at kapighatian dahil sa pagka-INC? | II Tes. 1:4-5 > Aariing karapat dapat sa kaharian |
| Les. 2 III: Anong tatamasahin natin kapag nakarating na tayo sa pangako sa atin? | Apoc. 7:13-17 > Hindi na magugutom ni mauuhaw man |
| Les. 1 P: Anu-ano ang iba't ibang kaparaanan sa paglalang sa tao? | Gen. 2;7 MB > Ang unang paraan-nilikha mula sa alabok |
| Les. 1 P: Ano naman ang ikalawang paraan? | Gen. 2:21-23 MB > Ginawa mula sa tadyang ng lalake |
| Les. 1 P: Nang matatag na ang pag-aasawa, ano na ang ikatlong paraan ng paglalang? | Isa. 44:2(a) NPV at DS > Lumilikha at nagbibigay anyo sa sinapupunan o bahay-bata |
| Les. 1 P: Ano naman ang natatanging paraan sa paglalang sa tao? | Mat. 1:20 Trinidad > Lalang ng Espiritu Santo |
| Les. 1 P: Paano ba nilalang ng Espiritu Santo ang PJC? | Luc. 1:31 at 35 > Binabaan at nililiman ng Espiritu Santo si Maria |
| Les. 1 I: Natatapos na ba ang kaugnayan sa Diyos ng tao pagkatapos siya ay malalang? | Job 12:9-10 > Hawak ng Diyos ang hininga ng lahat ng may buhay |
| Les. 1 I: Anong katumabas nito? | Gawa 17:28 > Sa Kaniya tayo nabubuhay at kumikilos |
| Les. 1 I: Ano pa ang isang katunayan na ang tao'y nabuhay hindi dahil sa ganang sarili? | Roma 14:7-8 > Itinakda ang kamatayan |
| Les. 1 II: Ilang sangkap ang bumubuo sa katauhan ng tao at anu-ano ito? | I Tes. 5:23 MB > Tatlo-espiritu, kaluluwa at katawan |
| Les. 1 III: Anu-ano ang pagkakaiba ng tatlong sangkap na bumubuo sa tao? | Gen. 6:3 > Katawan-ang laman |
| Les. 1 III: Saan nagmula ang laman o katawan? | Gen. 2:7 > Alabok ng lupa na hininghan |
| Les. 1 III: Ano naman ang tinatawag na kaluluwa? | II Cor. 4:16 > Ang pagkataong loob |
| Les. 1 III: Anong katunayan? | II Cor. 4:16 SNB > Kaluluwa |
| Les. 1 III: Ano naman ang espiritu? | Gen.7:22 > Hininga ng buhay |
| Les. 1 III: Anong katumbas? | Job 27:3 > Hininga ng Espiritu |
| Les. 1 III: Anong katumbas ng hininga ng espiritu? | Job 27:3 NPV > Hininga ng Diyos |
| Les. 1 III: Anu-ano ang nangyayari sa tatlong sangkap kapag ang tao'y namamatay? | Ecles. 12:7 MB > Katawan-bumabalik sa lupa Espiritu-bumabalik sa Diyos |
| Les. 1 III: Anong nangyayari sa kaluluwa pag tao'y namatay? | Awit 119:25 > Kaluluwa-dumidikit sa lupa/alabok (Ezek. 18:4=kaluluwa ay namamatay) |
| Les. 1 III: Anong nangyayari sa espiritu pag tao'y namatay? | Ecles. 12:7 MB > Nagbabalik sa nagbigay nito |