click below
click below
Normal Size Small Size show me how
FILIPINO 1ST
1ST MAPA IN FILIPINO #RoadToPICC2019
| Term | Definition |
|---|---|
| Teksto | Ang mga isinasatitik na pahayag ideya at impormasyon ng tao bunga ng kaniyang kaalaman |
| Teksto | isang babasahin na naglalaman ng mga ideya at impormasyon tungkol sa ibat ibang tao o bagay |
| Teksto | Ang orihinal na salita ng isang awtor o dokumento bukod sa mga puna o paliwanag |
| Pamagat o titulo Simula o introduksyon Katawan Wakas o konklusyon | Mga bahagi ng teksto |
| Paggamit ng katanungan o retorikal na tanong Anekdota Bagong kaalaman Direktang pagtukoy sa mambabasa Paglahad ng nakakaakit na paksa | teknik para sa introduksyon |
| Kaisahan Kaayusan Diin | Mga dapat isaalang alang sa pagbuo ng katawan |
| Diin Komento Hangad ng adhikain | Mga dapat isaalang alang sa pagbuo ng wakas |
| Naglalarawan | lagpas sa isa ang kahulugan |
| Nagpapakahulugan | tumutukoy sa actual na depinisyon ng bagay |
| Konotasyon | quotation o hindi totoong kahulugan |
| Denotasyon | diksyonaryong kahulugan ng mga salita |
| TEKSTONG DESKRIPTIBO | Naglalayon na bumuo ng malinaw na larawan sa isip ng mga mambabasa. |
| TEKSTONG DESKRIPTIBO | Pumipili ng mga salita at ibang sangkap sa paglalarawan ang manunulat upang makabuo ng isang klarong imahe sa isipan ng mambabasa |
| TEKSTONG DESKRIPTIBO | Gamitin dito ang pang-uri at pang-abay. |
| Pagpili ng Paksa Pagbuo ng isang pangunahing larawan Pagpili ng sariling pananaw o perspektibo Kaisahan Pagpili ng mga sangkap na isasama | MGA PANGANGAILANGAN SA EPEKTIBONG DESKRIPSYON |
| Pagpili ng Paksa | – piliin ang isang bagay na nais ilarawan. Higit na mainam kung ito’y iyong alam na alam. |
| Pagbuo ng isang pangunahing larawan | – simulan sa buo patungo sa bawat bahagi. |
| Pananaw sa anyo ng bagay Pananaw sa damdamin o saloobin ng sumusulat | dalang uri ng pananaw |
| Pananaw sa anyo ng bagay | (Panlabas na pananaw |
| Pananaw sa damdamin o saloobin ng sumusulat | (Panloob na pananaw |
| Kaisahan | paglalarawan sa pagpili ng maliliit na bahaging maaaring Makita lamang mula sa pananaw na napili ng naglalarawan. |
| Pagpili ng mga sangkap na isasama | pagsasama ng bahaging ikinaiba ng inilalarawan. |
| Karaniwang Deskripsyon | Uri ng deskripsyon na paglalarawan sa tulong ng katanglang ating napag-aralan na |
| Karaniwang Deskripsyon | uri ng deskripsyon na walang kinalaman ang sariling kuro-kuro at damdamin ng naglalarawan |
| Masining na Deskripsyon | uri ng deskripsyon na Pumupukaw ng guniguni |
| Masining na Deskripsyon | uri ng deskripsyon na Higit sa nakikita ng paningin ang inilalarawan |
| Masining na Deskripsyon | uri ng deskripsyon na Gumagamit ng retorika tulad ng mga tayutay |
| TEKSTONG NARATIBO | Naglalayon na magsalaysay o magkuwento ng mga magkakaugnay na pangyayari. |
| TEKSTONG NARATIBO | Sulating may layuning mapag-ugnay ang mga pangyayari. |
| TEKSTONG NARATIBO | Batay sa mga sariling karanasan, napakinggan/ narinig, nakita/ nasaksihan/ napanood, nabasa/ natunghayan o nabalitaan. |
| Mabuting Pamagat Mahalagang Paksa Wastong pagkakasunod-sunod ng mga Pangyayari Mabuting Simula Mabuting Wakas | Katangian ng mabuting naratibong teksto |
| Maikli Kawili-wili o kapana-panabik Nagtatago ng lihim o hindi nagbubunyag ng wakas, orihinal at hindi palasak Hindi katawa-tawa kung hindi naman magpapatawa May kaugnayan o naaangkop sa paksang-diwa ng komposisyon | Mga Dapat Taglayin ng Mabuting Pamagat: |
| Simula Gitna Wakas | Karaniwang Ayos ng mga pangyayari |
| Gitna o dakong wakas Nagbabalik sa simula sa pamamagitan ng gunita Wakas | Para sa flashback na ayos ng mga pangyayari |
| Wakas Susundan ng tunay na simula Magwawakas gamit ang wakas na itinampok sa unahan | Di karaniwang ayos ng mga pangyayari |
| Iwasan ang pagiging prediktabol Lagyan ng mga makatwirang twist ang narasyon Iwasan ang maligoy na wakas Huwag lagyan ng paliwanag ang wakas Huwag mangaral sa wakas Gumamit ng mga simbolismo at pahiwatig | Mga Paalala sa Pagbuo ng Wakas: |
| TEKSTONG EKSPOSITORI | Naglalayon na magpaliwanag upang magkaroon ng bago o karagdagang kaalaman ng tao kaugnay sa mga bagay-bagay na nasa kaniyang kapaligiran. |
| TEKSTONG EKSPOSITORI | Sumasagot ito sa mga katanungan na lagging hinahanap o hindi masumpungan ng tao. |
| TEKSTONG EKSPOSITORI | Pangunahing layunin ng tekstong ito ang makapagbigay ng impormasyon. |
| TEKSTONG EKSPOSITORI | Gumagawa ng isang malinaw, sapat at walang pagkiling na pagappaliwanag sa anomang bagay na nasasaklaw ng kaalaman ng tao. |
| Malinaw Tiyak May Kohirens Empasis | MGA KATANGIAN NG MABUTING TEKSTONG EKSPOSITORI |
| Termino Uri/ Genre Natatanging Katangian | 3 Bahagi ng Isang Depinisyon: |
| Dimensyong Denotasyon Dimensyong Konotasyon | 2 Dimensyon ng Tekstong Depinisyon |
| Simpleng Pag-iisa-isa Komplikadong Pag-iisa-isa | 2 Uri ng Enumerasyon: |
| Sikwensyal-Kronolohikal Prosidyural | 2 Batayang Uri ng Order: |
| Sikwens Kronolohikal | Dalawang uri ng Sikwensyal-Kronolohikal |
| Halinhinan (Alternating) Isahan (Block) | 2 Paraan ng Paghahambing na Hulwaran |
| Problema at Solusyon | pagtatalakay sa suliranin at paglalapat o paghahain ng kalutasan. |
| Sanhi at Bunga | tinatalakay ang pinag-ugatan o pinagmulan ng mga pangyayari o paksa at pagtatalakay sa maaaring maging epekto nito. Kadalasan gumagamit ng “dahil” at “Kaya”. |
| Depinisyon Pag-iisa-isa o Enumerasyon Pag-aayos Paghahambing at Pagkokontrast Problema at Solusyon Sanhi at Bunga | MGA HULWARAN NG TEKSTONG EKSPOSITORI |
| TEKSTONG ARGUMENTATIB - PERSUWEYSIB | Tekstong idinako bandang huli dahil mula sa mga naunang teksto ay magbibigay na ng opinyon ang “encoder”. |
| TEKSTONG ARGUMENTATIB - PERSUWEYSIB | Ito ay may layunin na manindigan at magmatuwid. |
| TEKSTONG ARGUMENTATIB - PERSUWEYSIB | Nagsisiwalat ng mga prinsipyo na maninindigan at manghihikayat sa iba. |
| Simula | inihahanda sa bahaging ito ang mga mambabasa uoang kanilang maunawaan ang iyong argumento maging ang paksang pinagtatalunan. |
| Gitna | – unti-unting nililinaw at tinatalakay rito ang mga katangian at obserbasyon sa bawat baryabol na nakapaloob sa paksang pinagtatalunan kaya kinakailangan na suportahan ito ng mga ebidensya, datos o estadistika. |
| Wakas | ang pinakamahalagang bahagi na magiging huling suntok sa kalaban dahil ipapahayag ang kongklusyon ng mga nailahad at ang panapos na panghihikayat na magpapabago sa desisyon ng mambabasa o tagapakinig. |
| Simula Gitna Wakas | Bahagi ng tekstong argumentatib-persuweysib |
| Pabuod na pangangatuwiran | Uri ng pangangatwiran na Inuumpisahan sa mga maliliit na detalye at tatapusin sa panlahat na pahayag kaugnay sa mga tinalakay na detalyeng ispesipik. |
| Pasaklaw na pangangatuwiran | nagsisimula sa isang malawak na kaisipan at ibabahagi sa mga maliliit na detalye |
| Argumentum ad hominem | isang nakakahiyang pag-atake sa personal na katangian o katayuan ng katalo at hindi sa isyung pinagtatalunan. |
| Argumentum ad hominem | Hal.: Siya ay under de saya kaya huwag n’yo iyan iboto. |
| Argumentum ad baculum | puwersa o awtoridad/ katungkulan ang gamit upang maiwasan ang isyu at tuloy maipanalo ang argumento. |
| Argumentum ad baculum | Hal.: Anak lang kita at tatay moa ko. |
| Argumentum ad misericordiam | gumagamit ng mga salitang aatake sa damdamin at hindi sa kaisipan upang maipanalo ang laban. |
| Argumentum ad misericordiam | Hal.: Limusan natin ang mga pulubi na payat, nanlalalim ang mga mata at marurumi, ano na lamang ba ang munting sentimo na ipagkakaloob natin sa kanila? |
| Non sequitir | (it doesn’t follow) Pagbibigay ng kongklusyon sa kabila ng mga walang kaugnayan na batayan. |
| Non sequitir | Hal.: Ang sanggol ay hindi magbubunga ng manga, magulo ang paligid niyan kaya hindi na iyan magbabago! |
| Ignorado elenchi | circular reasoning) pagiging paligoy-ligoy |
| Ignorado elenchi | Hal.: Ako ay mabuting tao, tanungin n’yo pa ang asawa ko na kilala n’yong mabuting tao at mabuting ina sa mga anak ko. Tiyak na siya’y inyong paniniwalaan. |
| Maling Paglalahat | dahil lamang sa isang aytem o sitwasyon ay nagbibigay na ng kongklusyon na sumasaklaw sa paglalahat. |
| Maling Paglalahat | Hal.: Ang artistang ito ay bobo at hindi nakapagtapos, ang isa naming iyan ay puro drama lamang ang alam maging ang isa na iyan na puro kalandian ang alam kahit may asawa na. Kaya huwag na natin iboto ang mga artista! |
| Maling Paghahambing | Usapang lasing) nagkakaroon ng hambingan na may bahid ng pagkakamali ngunit sumasala naman sa matinong kongklusyon. |
| . Maling Paghahambing | Hal.: Tama ang sinasabi ng bata na bakit ninyo siya pinapatulog nang maaga kung kayo ay gising pa ng gabi. |
| Maling Saligan | ang akala o kaya ay maling mga sapantaha ay ginagawang saligan hanggang makabuo ng maling kongklusyon na wala sa katwiran. |
| Maling Saligan | Hal.: Lahat ng kabataan ay puro pag-aasawa o paghahanap ng partner ang nasa isip. Sa pag-aasawa ay kailangang maging masikap at masipag. Kaya dapat ang mga kabataan ngayon ay maging masikap at masipag. |
| Maling Awtoridad | naglahahad ng tao o sangguniang walang kinalaman sa isyung kasangkot. |
| Maling Awtoridad | Hal.: Ang Kristiyanismo ay pananampalataya ng mga mahihina ayon iyan kay Karl Marx. |
| Dilemma | naghahandog lamang ng dalawang opsyon/pagpipilian na para bang iyon lamang at wala nang iba pang alternatibo. |
| Dilemma | Hal.: Upang hindi ka mapahiya ay umatras ka na sa laban o kaya ay huwag kang sumipot. |
| Tukuyin ang Problema Rebyuhin ang Literatura Linawin ang Problema Malinaw na bigyan ng kahulugan ang mga Termino at Konsepto Ilarawan ang Populasyon Idebelop ang Plano ng Instrumentasyon Kolektahin ang mga Datos Suriin ang mga Datos | Hakbang sa Pananaliksik |
| Pagdebelop ng katanungang pampananaliksik Patanong na inilalahad Maaaring may pangkalahatan at may mga tiyak na problema Pokus ng Pag-aaral | Tukuyin ang Problema |
| Pagkakaroon ng higit na kaalaman mula sa mga kaugnay na literatura Batayang kaalaman kung ano ang dapat gawin, nagawa na at rekomendasyon ng binasa | 2. Rebyuhin ang Literatura |
| Nililimita o pinapalawak ang problema Gabay ang naunang proseso sa paglilinaw | 3. Linawin ang Problema |
| Ginamit sa paglalahad ng Layunin at Deksripsyon ng Pag-aaral Kung paano gagamitin sa pananaliksik Upang maunawaan nang higit ng mga mambabasa | 4. Malinaw na bigyan ng kahulugan ang mga Termino at Konsepto |
| Dapat tiyak ang pangkat Populasyon – sangkot sa pag-aaral Matitiyak na nasa tamang landas ang mananaliksik | 5. Ilarawan ang Populasyon |
| Populasyon | – sangkot sa pag-aaral |
| Sino-sino ang sangkot, paano at kalian kokolektahin ang mga datos. Maraming desisyon at konsiderasyon Kabuuang hakbangin sa pag-aaral | 6. Idebelop ang Plano ng Instrumentasyon |
| Aktwalisasyon ng plano Kukuhanin ang mga impormasyon upang masagot ang mga Suliranin Mula sa mga literature o mga sabjek (pinag-aaralan) | 7. Kolektahin ang mga Datos |
| Pagtataya ng mga datos na nakuha sa mga Sangkot sa Pag-aaral Lalagumin base sa mga inilahad na Suliranin | 8. Suriin ang mga Datos |
| Ayon sa itinakdang pormat ng Paaralan Maging maingat sa balarila at pagsasamakinilyado. Kailangan ng organisasyon ng mga ideya ayon sa Kaisahan (Unity), Pagkakaugnay-ugnay (Coherence) at Diin (Emphasis) | 9. Isulat ang Papel Pampananaliksik |
| Kulminasyon na proseso Pag-uulat sa paraang PASALITA Maaaring may matukoy na kahinaan at pagkakamali sa pananaliksik na magreresulta sa pagbalik sa mga nakaraang hakbang. | 10. Iulat ang Resulta ng Pag-aaral |
| Sarili Dyaryo at Magasin Radyo, TV at Cable TV Mga Awtoridad, Kaibigan at Guro Internet Aklatan | Mga Hanguan ng paksa ng pananaliksik |
| Alamin muna ang Tema ng Pananaliksik upang hindi mapunta sa iba ang layunin at inyong mga isipan. 2. Alamin ang mga dapat ikonsidera sa pagpili ng Paksa. 3. Paglilimita sa napiling Paksa | Mga Proseso ng pagpili ng paksa ng pananaliksik |
| Kasapatan ng Datos Limitasyon ng Panahon Kakayahang Pinansyal Kabuluhan ng Paksa Interes ng Mananaliksik | Konsiderasyon sa Pagpili ng Paksa |
| Panahon Edad Kasarian Perspektibo Lugar Propesyon o Grupong Kinabibilangan Anyo o Uri Partikular na Halimbawa o Kaso Kumbinasyon ng dalawa o higit pang batayan | Batayan ng Paglilimita |
| (Upang magkaroon ng DIREKSYON at POKUS) | bakit kailangan magkaroon ng limitasyon ang pagpili ng paksa |
| 1. PAMAMARAAN 2. PAKSA 3. PAMAMARAAN | Mga Dapat Taglayin ng Pamagat |
| 1. PAMAMARAAN | -PAANO tatayain ang datos? -ANO ang tatayain na datos? |
| 2. PAKSA | -ANO ang nais gawan ng pag-aaral? |
| 3. PAMAMARAAN | -SAAN at KAILAN isinagawa ang pag-aaral? -SINO ang mga tutugon at pokus sa pag-aaral? |
| Malinaw (Hindi Matalinhaga) Tuwiran (Hindi Maligoy) Tiyak (Hindi Masaklaw) | Mga Batayan sa Pagbuo ng Pamagat |
| Fly Leaf 1 | ANO ANG PINAKAUNANG PAHINA NA BLANGKO sa papel- pampananaliksik? |
| Pamagating pahina | naglalaman ng pamagat at iba pa |
| dahon ng pagpapatibay | naglalaman ng pagpapatibay na natapos ang nasabing pananaliksik |
| pasasalamat o pagkilala | pagpapasalamat sa mga taong nakiisa sa paggawa ng pananaliksik |
| talaan ng nilalaman | taglay ang mga paahina ng mga kabanata at bahagi |
| talaan ng mga talahanayan at grap | talaan ng mga talahanayan at grap sa pananaliksik |
| Blangkong pahina bago naman ang katawan ng pamanahong papel. | Fly Leaf 2 |
| Maikling talata na kinapapalooban ng pangkalahatang pagtalakay sa paksa. | Panimula ointroduksyon |
| Inilalahad dito ang dahilan kung bakit napili ang pananaliksik at isinasagawa. Tinutukoy rin dito ang mga ispesipikong suliranin nang patanong. | Layunin ng pag-aaral |
| Significance ng paksa. Tinutukoy ang pakinabang o halaga ng pag-aaral sa iba’t ibang tao o lipunan. | Kahalagahan ng pag-aaral |
| Tinutukoy ang simula at hangganan ng pananaliksik. Tinatakda ang parameter dahil sa pagtukoy sa mga baryabol na sakop at hindi ng pag-aaral. | Saklaw at limitasyon |
| naglalaman ng mga depinisyon ng mga paksa sa pananaliksik | Depinisyon ng mga terminolohiya |
| balangkas konseptwal | ng konseptwal na balangkas ay naglalaman ng konsepto ng mananaliksik hinggil sa pag-aaral na isinasagawa. Ito ang pangunahing tema at panuntunan ng pagsisiyasat. |
| balangkas teoretikal | Ikinonsider ang ilang theory upang magsilbing batayan ng pag-aaral. |
| Hypotheses | mga assumptions para sa pananaliksik |
| disensyo ng pananaliksik | Dito nililinaw kung anong uri ng Pananaliksik ang kasalukuyang pag-aaral. |
| respondente | Tinutukoy ang mga tagatugon, kung ilan sila, paano sila hinanap at kung bakit sila ang napili. |
| Instrumento ng pananaliksik | Inilalarawan ang paraang ginamit ng mananaliksik sa pangangalap ng datos at impormasyon. |
| Tritment ng mga datos | Inilalarawan kung anong estadistikal na paraan ang ginamit upang ang mga numerikal na datos ay mailarawan. |
| lagom | Binubuod ang mga nakalap na datos at impormasyong nakalap ng mananaliksik na komprehensibong tinalakay sa kab.4 |
| kongklusyon | Inference, abstraksyon, implikasyon, interpretasyon, pangkalahatang pahayag batay sa mga datos at impormasyong nakalap. |
| rekomendasyon | Mungkahing solusyon para sa suliraning natukoy o natuklasan sa pananaliksik |
| ESTILONG APA | LISTAHAN NG SANGGUNIAN/ BIBLIOGRAPI |
| APENDIKS/ DAHONG-DAGDAG | MGA DOKUMENTO NA GINAMIT AT ISINUMETO TULAD NG MGA LIHAM |
| LAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON | KABANATA 5 |
| PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG DATOS | kabanata 4 |
| DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK | kabanata 3 |
| MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA | KABANATA 2 |
| ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO | kabanata 1 |