click below
click below
Normal Size Small Size show me how
Filipino 3
| Question | Answer |
|---|---|
| Salita o lipon ng mga salitang naglalarawan sa pandiwa, pang-uri at pang-abay. | pang-abay |
| Mga uri ng pang-abay | 1) pang-abay na pamaraan, 2) pang-abay na pamanahon, 3) pang-abay na panlunan |
| Nagsasabi kung paano isinasagawa ang isang kilos. Sinasagot nito ang tanong na paano. | pang-abay na pamaraan |
| Nagsasabi kung kailan nangyari ang isang kilos. Sinasagot nito ang tanong na kailan. | pang-abay na pamanahon |
| Nagsasabi kung saan ginawa ang kilos. Sinasagot nito ang tanong na saan. | pang-abay na panlunan |
| Ito ay bahagi ng pahayagan na nakalagay sa unang pahina. | ulo ng mga balita |
| Bahagi ng pahayagan nakalaan para sa opinyon ng editor ng pahayagan ukol sa sa isyu at napapanahong pangyayari. | editoryal at opinyon |
| Bahagi ng pahayagan kung saan nakalagay ang balitang artista, pelikula, mga produktong anunsiyo, at iba pa na magbibigay-aliw sa mambabasa | aliwan |
| Bahagi ng pahayagan kung saan nakalagay ang mga balitang isports | pampalakasan |
| Bahagi ng pahayagan na kinaroroonan ng mga paksa o anumang kaalaman na maaring talakayin ng isang manunulat sa pahayagan | lathalain |
| Bahagi ng liham kung saan nakapaloob dito ang lugar na pinanggalingan ng liham at petsa kung kailan ito isinulat. | pamuhatan |
| Bahagi ng liham kung saan nakapaloob ang pangalan ng sinusulatan. | bating panimula |
| Bahagi ng liham kung saan nakapaloob ang mensaheng nais ipahatid ng sumulat. | katawan ng liham |
| Bahagi ng liham kung saan nakapaloob ang relasyon ng sumulat sa sinulatan, ito rin ang huling pagbati ng sumulat. | bating pangwakas |
| Bahagi ng liham kung saan nakapaloob ang pangalan ng sumulat at ang lagda. | lagda |