click below
click below
Normal Size Small Size show me how
AP 3 3rd MT
| Question | Answer |
|---|---|
| Tawag sa katutubong pamayanan. | barangay |
| Ang sanggunian ng mga matatanda na nagsisilbing tagapayo ng pinuno. | maginoo |
| pinuno ng mga pangkat | rajah o lakan |
| Ang taong tagapaghatid ng balita sa buong barangay. | umalohokan |
| Pang-itaas na damit na walang kuwelyo at manggas. | kangan |
| Ang kapirasong tela na ginagamit pang-ibaba. | bahag |
| Kapriasong tela na iniikot sa ulo. | putong |
| Ang ating pambansang wika. | Pilipino |
| Kulturang hindi pisikal na nakikita o nahahawakan. | di-materyal |
| Dalawang uri ng pamayanan. | rural at urban |
| Isang uri ng pamayanan na agrikultural dahil karamihan ng nahapbuhay rito ay ang pagtatrabaho sa bukid o maari rin namang sa tabing dagat na ang ikinabubuhay ay pangingisda. | rural |
| Isang uri ng pamayanan kung saan matatagpuan ang malaking populasyon ng tao. Itinuturing na sentro ng isang lalawigan ang mga lungsod dahil narito ang marming oportunidad. | urban o lungsod. |
| Pinakamataong lungsod sa Pilipinas na may populasyon na mahigit sa 2,000,000. | Lungsod ng Quezon |
| Pinakamatandang lungsod sa Pilipinas. | Cebu |
| Kultura na nagpapakilala sa tahimik at maliit na bayan ng Alfonso na matatagpuna sa timong-kanlurang bahagi ng lalawigan ng Cavite. | Sanghiyang |
| Nag-aayos ng mga santo, mga anghel, at mga krus ni Kristo kasama ang imaheng panrelihiyon na maari pang idagdag. | altares |
| Sa harap ng altares ay isang mababang lamesa na kung tawagin ay_________. | latok |
| Ibat ibang handog na mga pagkaing tinatawag na _________. | dulang |
| Pagsasayaw sa mga baga ng apoy na walang sapin sa paa at ang tradisyonal na Harana ng Pilipinas. | Sayaw sa Apoy |
| Ito ay isang seremonyal na sayaw ng mga Higaonon ng Bukidnon na ginagawa hindi lamang bilang pasasalamat sa isang magandang ani o sa kapanganakan ng lalaking tagapagmana, kundi ito rin ay isinasagawa para sa iba't ibang kadahilanan. | Dugso |
| Katutubong Pilipinong manggagamot na responsable para sa patuloy na pagningas ng apoy na nasa palayok. Sya rin ang nangunguna sa mga babaing mananayaw. | babaylan |
| Mga pulseras sa paa ng mananayaw. | saliyaw o singgil |
| Isang kompletong hanay ng sasuotan ng mga Manobo at Higaonon sa pagsasayaw ng Dugso. | sinuyaman |
| Disenyong paikot-ikot na halamang baging na ginagamit bilang paksang sining sa kagamitan ng Maranao at iba pang Muslim sa Rehiyon ng Mindanao. | Ukkil o Okir |
| Salitang Cebuano na may kahulugang "tulad ng agos ng tubig". Ito rin ay isang ritwal na seremonya bilang pagbibigay pugay sa mga kinikilala noon bilang anito. | Sinulog |
| Nang dumating si _________________ sa Cebu noong 1521, ang mga mamamayan ng Cebu ay nabinyagan bilang mga Katoliko at ang pagkakataong ito ang nagpakilala sa mga taga-Cebu kay Santo Nino. | Ferdinand Magellan |
| Ang salitang Sinulog ay salitang Cebuano na may kahulugang __________________________ | tulad ng agos ng tubig |
| Ang mga ___________________ ay may natatanging kultura na naging tanyag dahil sa kanilang kakaibang disenyo na tinatawag na "Okir" o "Ukkil". Sila ay nakatira sa paligid ng Lawa ng Lanao. | Maranao |
| Karaniwang walang instrumento o tugtuging musika sa pagsasayaw ng _________________. | Dugso |
| Ang Sanghiyang ay natatangi sa __________________ | bayan ng Alfonso, Cavite |
| Ang Dugso ay literal na nangangahulugang _________________. | sayaw |
| Ang Sinulog ay ginaganap taon-taon, tuwing ikatlong linggo ng Enero sa Lungsod ng Cebu upang parangalan ang _________________________ na siyang Patron ng buyong lalawigan ng Cebu. | Santo Nino |
| Isang bahagi o karagdagang sining pagtatanghal upang pagandahin lamang ang pagganap ng Sanghiyang. | sayaw sa apoy |
| Isa sa pinakatanyag na pangkat ng mga tao sa Luzon, dahil sa sa angkin nilang galing sa paggawa ng Banaue Rice Terraces. | Ifugao |
| Mga pangkat na naninirahan sa Hilagang Luzon. | Ifugao, Ilocano, Pangasinense, Tingguian, Kalinga, Ibanag, Kankana-ey, Ivatan, at Gaddang. |
| Pangkat na matatagpuan sa timog-kanlurang bahagi ng Cagayan. | Itawes |
| Mga pangkat ng mga tao sa Gitnang Luzon. | Bulakeno ng Bulacan; Tarlakeno mula sa Tarlac, Pampango mula sa PLampanga, at mga Zambaleno at Aeta mula sa Zambales. |
| Ang salitang Tagalog ay nagmula sa salitang _______________. | taga-ilog |
| Mga pangkat na kabilang sa Timog Katagalugan | Caviteno ng Cavite, Batangueno ng Batgangas. |
| Ang may pinakamalaking pangkat sa Gitnang Visayas. | Cebuano |
| Pangkat etniko sa Panay, na kung saan matatagpuna sa Visayas. | Ati |
| Sa isla ng Panay naninirahan ang mga pangkat ng _____________. | Sulod |
| Pangkat na matatagpuna sa Sultan Kudarat, South Cotabato, Cotabato, at Srangani. | Bagobo at Manobo |
| Pangkat na matatagpuna sa Cotabato. | T'boli |
| Pangkat na nakatira sa Parang, Sultan Kudarat, Matanog, buldon, Barira, Sultan Mastura, Alamada, at sa siyudad ng Cotabato, at Pagadian. | Iranun |
| "Lawa" ang kahulugan ng salitang _____________ kung saan hinango ang salitang Maranao. | ranao |
| Ang tawag sa grupo o pangkat ng mga tao na sama-samang naninirahan sa isang lugar na may pagkakakilanlan ang bawat kultura, wika, tradisyon, paraan ng pamumuyhay, at kasaysayan. | Pangkat-Etniko |
| Sa bahaging Timog ng Luzon o mas kilala bilang Timog Katagalugan dahil na rin ang wikang kanilang ginagamit ay _______________. | Tagalog |
| Ang kahulugan ng salitang "ranao" ay ______________. | Lawa |
| Ang salitang ______________ sulod ay nangangahulugang "interior". | Sulod |
| Ang salitang ________________ ay nagmula sa salitang "taga-ilog" na ang ibig sabihin ay nakatira malapit sa ilog. | Tagalog |
| Ang _____________ ay nangangahulugang "mga tao mula sa kabila ng ilog." | Itawes |
| Ang salitang Ifugao ay nagmula sa salitang ipugo na ang ibig sabihin ay ________________________. | mula sa mga burol |