click below
click below
Normal Size Small Size show me how
Sibika chap 5
| Question | Answer |
|---|---|
| tumutukoy sa mga anyong lupa at anyong tubig ng bansa | topograpiya |
| mababa, malawak at patag na anyong lupa | kapatagan |
| pinakamalaking kapatagan sa bansa | kapatagan ng Gitnang Luzon |
| mainam pagtaniman ng palay, mais, tubo at iba't ibang gulay | kapatagan |
| mainam pagtayuan ng panahanan at mga gusali | kapatagan |
| isang patag na lupang nasa pagitan ng mga burol o bundok | lambak |
| tulad sa kapataganm pagsasaka rin ang pangunahing ikinabubuhay ng mga tao sa ____ | lambak |
| isang mataas na anyong lupa | bundok |
| kabit-kabit na mga bundok | bulubundukin |
| pinakamahabang bulubundukin sa Pilipinas | bulubundukin ng Sierra Madre |
| pinakamataas na bundok sa Pilipinas | Mt. Apo |
| pinagkukunan ito ng troso na ginagamit sa paggawa ng bahay at kasangkapanm gamot at iba pa | bundok |
| pinagkukunan ng ginto, tanso, mamahaling hiyas, apog, bakal at iba pang mineral | bundok |
| isang anyong lupa na may butas na nilalabasan ng usok, kumukulong putik at malalaking bato | bulkan |
| pinakamaliit na bulkan sa Pilipinas | Taal Volcano |
| isang anyong lupa na halos napaliligiran ng anyong tubig | tangway |
| isang anyong lupa na mataas at patag | talampas |
| matulis na bahaging lupa na nakausli sa katubigan na maaaring isang dagat, lawa o karagatan | tangos |
| anyong tubig na malalim, malawak at maalat | dagat |
| isang malawak na bahagi ng dagat na pumapasok sa kalupaan | golpo |
| mainam na daungan ng mga sasakyang pandagat dahil malalim ang anyong tubig na ito | golpo |
| isang makipot at likas na daanang tubig alat | kipot |
| pinag-uugnay nito ang dalawang malaking anyong tubig | kipot |
| anyong tubig na hindi lubusang napaliligiran ng lupa at may likas na daanan na pinapasukan o nilalabasan ng tubig | look |
| anyong tubig na bumabagsak mula sa mataas na lugar | talon |
| anyong tubig na napaliligiran ng mga anyong lupa | lawa |
| anyong tubig na nanggagaling sa mataas na lugar tulad ng bundok at umaagos patungo sa dagat | ilog |
| pinakamahabang ilog sa Pilipinas | Cagayan River |
| pinakamalaking ilog sa Mindanao | Rio Grande de Mindanao |
| pinanggagalingan ito ng tubug para sa inumin irigasyon at gamit-industriyal at pagkain | ilog |
| tumutukoy sa kondisyon ng atmospera sa isang partikular na oras, sa isang partikular na lugar; ito ay iniuugnay sa temperature, halumigmig, presipitasyon, kaulapan, sikat ng araw, at hangin sa isang tiyak na araw o oras | panahon |
| ____ ay ang kondisyon ng atmospera sa mahabang panahon | klima |
| ang mga bansa sa ______ ay may klimang tropikal na may dalawang panahon - ang tag-init at tag-ulan | low latitude |
| ang mga bansa sa _____ ay may katamtamang klima na binubuo na apat na panahon - tagsibol, tag-araw, taglagas, at taglamig | middle latitude |
| ang mga bansa sa ____ ay may iisang panahon - taglamig | high latitude |
| ito ang tindi ng init o lamig ng atmospera | temperatura |
| ang ____ ng atmospera ng isang partikular na lugar ang tumitiyak sa mga kondisyon ng panahon ng lugar na iyon | temperatura |
| ito ay naiimpluwensyahan ng altitude at latitude; habang tumatas ang altitude o elebasyon, ito ay bumababa | temperatura |
| ang low latitude ay ang rehiyon sa pagitan ng ____ at ____ | Tropic of Cancer at Tropic of Capricorn |
| ang ____ na nasa 23.5ºH ay ang pinakahilagang hangganang naaabot ng tuwirang sikat ng araw | Tropic of Cancer |
| ang ____ na nasa 23.5ºT ay ang pinakatimog hangganang naaabot ng tuwirang sikat ng araw | Tropic of Capricorn |
| ang ____ ang tawag sa pagitan ng 66.5ºH hanggang Tropic of Cancer, gayndin ang 66.5ºT hanggang Tropic of Capricorn | middle latitude |
| ang ____ ang tawag sa rehiyon ng Arctic Circle hanggang North Pole, gayundin naman ang Antartic Circle hanggang South Pole | high latitude |
| ang _____ sa Pilipinas ay bunga ng lokasyon heograpikal nito at ang iba't ibang sistema ng hangin na umiiral sa bansa sa iba't ibang panahon ng taon | klima |
| ang _____ ay ang umiiral na sistema ng hangin sa Pilipinas mula Nobyembre hanggang Pebrero | northeast monsoon |
| ang _____ ay ang umiiral na sistema ng hangin sa Pilipinas sa mga buwan ng Hunyo, Hulyo, Agosto at Setyembre | southwest monsoon |
| ang hanging _____ ay nagdadala ng malamig na temperatura at maulang panahon sa silangang bahagi ng Pilipinas | amihan |
| ang ____ ay umiiral sa ibabaw ng tropiko, karaniwang itong nanggagaling sa silangan | sabalas |
| Ang _____ ay ang umiiral na sistema ng hangin sa Pilipinas sa natitirang bahagi ng taon at kung mahina ang hanging amihan at habagat | sabalas |
| Ang sabalas ay kilala rin bilang _____ | trade winds |
| ang ____ ng Pilipnas ay inilalarawan batay sa distribusyon ng ulan na natatanggap ng isang lugar sa iba't ibang buwan ng taon:tuyo at basa | klima |
| ang _____ uri ng klima sa Pilipinas ay may dalawang malinaw na panahon | unang |
| ang ____ uri ay walang tuyong panahon at may panahon ng sukdulang pag-ulas mula Disyembre hanggang Pebrero | ikalawang |
| ang ____ uri ng klima sa Pilipinas ay ang panahon na tuyo mula Nobyembre hanggang Abril at basa sa natitira pang bahagi ng taon | ikatlong |
| ang ____ uri ng klima sa Pilipinas ay ang pag-ulan ay humigit-kumulang pantay sa buong taon | ikaapat |
| ito ay ang distansyang sinusukat sa pagitan ng dalawang parallel | latitude |
| ito ay ang mga guhit na kaagapay ng equator | parallel |
| ito ay ang mga guhit na mula silangan pakanluran | parallel |
| Ang _____ lamang ang malaking bilog sa mga parallel | equator |
| ang ____ na 0º latitude ay naghahati sa mundo sa dalawang magkasinlaking bahagi:ang Northern at Southern Hemisphere | equator |
| ito ang distansya sinusukat sa pagitan ng dalawang meridian | longitude |
| ito ay ang guhit mula hilaga patimog | meridian |
| ang _____ na 0º longitude ay naghahati sa mundo sa dalawang magkasinlaking bahagi:and Eastern at Western Hemisphere | Prime Meridian |
| lahat ng meridian ay malalaking ______ | bilog |
| ang mga meridian ay mula hilaga patimog hanggang sa magtagpo ang mga guhit sa mga ________ | pole |
| ang Prime Meridian ay naghahati sa mundo sa ______ magkasinlaking bahagi | 2 (Eastern at Western Hemisphere) |
| Ang equator ay naghahati sa mundo sa ______ magkasinlaking bahagi | 2 (Northern at Southern Hemisphere) |
| ginagamit na panukat ang ______ sa mga guhit latitude at longitude | digri |
| ang ____ ang point of reference sa pagsukat pahilaga o patimog ng hemispero | equator |
| ang ____ ang point of reference sa pagsukat pasilangan o pakanluran ng hemispero | Prime Meridian |
| mahahanap ang tiyak na lokasyon ng isang lugar sa ____ paraan | dalawang (kabisera at geographical extent) |
| ang Maynila ay nakalatag sa ____ºH at 121ºS | 15 |
| ang lokasyon ng isang bansa ayon sa mga nakapaligid na anyong tubig ay tinatawag na lokasyon insular o _________ | maritima |
| ayon sa lokasyon insular ng Pilipinas, matatagpuan sa silangan ng bansa ang _____ | Pacific Ocean |
| ayon sa lokasyon insular ng Pilipinas, matatagpuan sa kanluran ng bansa ang _____ | South China Sea |
| ayon sa lokasyon insular ng Pilipinas, matatagpuan sa hilaga ng bansa ang _____ | Bashi Channel |
| ayon sa lokasyon insular ng Pilipinas, matatagpuan sa timog ng bansa ang _____ | Sulu Sea at Celebes Sea |
| ang lokasyon ng isang bansa ayon sa mga nakapaligid na bansa ay tinatawag na _______ | lokasyon bisinal |
| ayon sa lokasyon insular ng Pilipinas, matatagpuan sa hilaga ng bansa ang _____ | Taiwan at South Korea |
| ayon sa lokasyon insular ng Pilipinas, matatagpuan sa timog ng bansa ang _____ | Indonesia, Sabah at Brunei |
| ayon sa lokasyon insular ng Pilipinas, matatagpuan sa kanluran ng bansa ang _____ | Cambodia, Laos at Vietnam |
| ayon sa lokasyon insular ng Pilipinas, matatagpuan sa silangan ng bansa ang _____ | Micronesia at Marianas |
| ano ang kahalagahan ng lokasyon ng Pilipinas? | nasa ruta ng kalakalan ang Pilipinas |
| ano ang anyo/hugis ng Pilipinas? | letra y |
| ang arkipelago ng Pilipinas ay may kabuuang lawak na ______ kilometro kwadrado | 300,000 |
| sa bisa ng kasunduang ito, ang US ay nagbayad sa Spain ng $20 milyon upang mapasakamay nito ang pamamahala sa buong Pilipinas | Kasunduan sa Paris |
| kailan nilagdaan ang Kasunduan sa Paris? | Disyembre 10, 1898 |
| sa bisa ng kasunduang ito, ang US ay nagbayad sa Spain ng $100 milyon upang madagdag sa teritoryo ng Pilipinas ang pulo ng Cagayan, Sulu, at Sibutu | Kasunduan sa Washington |
| kailan nilagdaan ang Kasunduan sa Washington? | Nob 7, 1900 |
| sa bisa ng kasunduaan ito, nadagdag sa teritoryo ng Pilipinas ang Turtle Islands at Mangsee Islands | Kasunduan ng United States at Great Britain |
| kailan nilagdaan ang Kasunduan ng United States at Great Britain? | Hulyo 2, 1930 |
| ipinahayag dito ni Pangulong Ferdinand E. Marcos na ang pulo ng Kalayaan ay bahagi ng Pilipinas | Pampanguluhang Batas bilang 1596 |
| kailan ipinahayag ang Pampanguluhang Batas bilang 1596? | Hunyo 11, 1978 |
| ito ang pagtakda ng straight baseline sa bansa kung saan ang mga karagatan nakapaloob sa baseline ay itinuturing sakop ng bansa | Doktrinang Pangkapuluan |
| sino ang nagpaliwanag ng Doktrinang Pangkapuluan sa UNCLOS? | Senador Arturo Tolentino |
| kailan pinatibay at nilagdaan ng 130 bansa ang Doktrinang Pangkapuluan? | Disyembre 10, 1982 |
| sa bisa ng Doktrinang Pangkapuluan naitalaga ang ____ nautical miles na layo ng dagat teritoryal mula sa pampang ng mga bansang arkipelago | 12 |
| sa bisa ng Exclusive Economic Zone,pinagkalooban ng hurisdiksyon ang mga bansa ng hanggang _____ nautical miles mula sa batayang linya kung saan ang dagat teritoryal ay sinusukat | 200 |
| sa pamamagitan ng Pampanguluhang Batas bilang 1596, ipinahayag ni Marcos na ang Spratlys ay bahagi na ng lalawigan ng _____ | Palawan |
| ang pinakadulong hilagang mga pulo ng Pilipinas ay malapit sa pulo ng ______ | Taiwan |
| ang pinakatimog ng mga pulo ng Pilipinas ay malapit sa baybayin ng _____ | Borneo |
| itinatadhana ng ________ ang pambansang teritoryo ng Pilipinas | Konstitusyon ng 1987 |
| ang ______ ang tinuturing na pinakamahalagang likas na yaman sa buong daigdig | tubig |
| binubuo ng halos ____% ang katubigan sa mundo | 71 |
| sa kabuuang bahagdan ng katubigan sa mundo, ____% lamang ang tubig-tabang | 3 |
| itinuturing ang ______ bilang pinakamayamang pangisdaan sa ating bansa | Sulu Sea |
| ang Pilipinas ay may ____ species ng isda | 2157 |
| tinatawag na _________ ang mga isang sagana sa ating pangisdaan | marine fishes |
| ang ____ ay ang isdang pinalalaki sa mga swampland o latian na ginagawang mga palaisdaan | bangus |
| ang ____ ay kanlungan kung saan pinalalaki ang bangus, hito, tilapia, at iba pang isda | baklad |
| ang rehiyong may pinakamalaking produksyon mula sa palaisdaan ay ang _____ | gitnang luzon |
| may _____ uri ng pangisdaan sa ating bansa | tatlo(panloob na pangisdaan, coastal na pangisdaan, pangisdaan sa lahat ng dagat) |
| sa coastal na pangisdaan, sinasagawa ito ng mga ordinaryong mangisngisda sa layong ____ milya sa ating katubihan | 3 |
| sentrong pakyawan ng mga isda ang pamilihan sa ____ | Navotas |
| ang gamit-_______ ng tubig ay bilang pang-inom, panluto, pampaligo, at gamit sa sewerage system | domestik |
| ang gamit-______ ay paggamit ng tubig bilang sangkap sa paggawa ng mga tapos na produkto, paggawa ng yelo at iba pa | industriyal |
| Ang timog katagaluganm partikular ang Quezon at Laguna ang nangunguna sa produksyon ng ____ | niyog |
| ang pangunahing rehiyon prodyuser ng bigas ay ang ______ | gitnang luzon |
| ang pangunahing rehiyon prodyuser ng mais ay ang ____ | SOCCSKSARGEN |
| may ___ uri ng yamang mineral | 3(metal, di-metal at panggatong na mineral) |
| ang yamang mineral na matatagpuan sa Baguio, Paracale, Masbate at Surigao | ginto at pilak |
| ang yamang mineral na matatagpuan sa Ilocos Norte, Camarines Norte at Cotabato | bakal |
| ang yamang mineral na matatagpuan sa Zambales, Palawan, Davao Oriental, Romblon at Samar | nikel |
| ang yamang mineral na matatagpuan sa Cebu, Negros Occidental, Marinduque, Benguet, Samar | tanso |
| ang yamang mineral na matatagpuan sa Romblon | marmol |
| ang yamang mineral na matatagpuan sa Zambales at Pangasinan | asbestos |
| ang yamang mineral na matatagpuan sa Cebu | karbon |
| ang yamang mineral na matatagpuan sa Palawan at Sulu Sea | petrolyo |
| ang _____ na natagpuan sa Cebu ay may mataas na gravity at ang produksyon ay umaabot sa 890,000 litro | langis |
| ang uri ng kagubatan na tumutubo sa mga lugar na sobra ang ulan | rainforest |
| ang uri ng kagubatan na yaong nakikita sa mga lalawigang bulubundukin | pino |
| ang uri ng kagubatan na matatagpuan sa may katubigan | mangrove o bakawan |
| ang uri ng kagubatan na sa kasalukuyan ay pinagsisikapang pangalagaan dahil nakatutulong ito sa pangangalaga ng yamang tubig at nagsisilbing pananggalang sa mga pagbaha | mid-mountain o malumot |
| ang pinakamalawak na timberland ay ang ____ | Cagayan Valley |
| ang ____ ay mga lugar pasyalan na pinili o idineklara batay sa mga katangian at kahalagahan nito | national park |
| ang may pinakamalawak na kagubatan na ginawang national park ay ang _____ | katimugang tagalog |
| pinakamahalagang mineral na metalik sa Pilipinas | ginto |
| kilalang pangisdaan sa hilagang kanluran ng Palawan | Malampaya Sound |
| kilalang pangisdaan sa Visayan Sea | Estancia, Iloilo |
| gubat na pinagkukunan ng mga kailangang tabla | kagubatang rainforest |
| pinakamalaking lambak sa Pilipinas | lambak ng Cagayan |