click below
click below
Normal Size Small Size show me how
AP3 MT
| Question | Answer |
|---|---|
| Isang larawan na nagpapakita ng mga ilog, bundok, kalye, at iba pa sa isang partikular na lugar. | mapa |
| Ginagamit upang kumatawan sa pagbibigay kahulugan sa bawat bagay na nais ipahiwatig nito. | simbolo |
| Ipinakikita nito ang mga pangunahin at pangalawang direksiyon. | compass rose |
| Nagsisilbing gabay upang ituro ang direksiyon ng Hilaga. | North arrow |
| Nagpapakita ng distansiya ng bawat lugar sa isa’t isa sa mapa | graphic scale |
| Ang bawat simbolo sa mapa ay may kaukulang _________ | kahulugan |
| Ang kauna-unahang detalyadong, mapa ng Pilipinas ay iginuhit noong ________. | 1734 |
| Pamagat ng kauna-unahang mapa ng Pilipinas. | Mapa de las Yslas Philipinas |
| Kinakailangang maging malinaw ang mga simbolo upang madali itong ______. | malaman |
| Ang Pilipinas ay binubuo ng humigit kumulang ilang maliliit at malalaking pulo | 7,107 |
| Isang adminstratibong subdisbisyon na kinapapalooban ng mga lalawigan, lungsod, at mga bayan na magkakalapit sa isat isa na may magkakatulad na pangheograpiyang katangian. | rehiyon |
| Tatlong pangunahing pulo ng Pilipinas | Luzon, Visayas, Mindanao |
| Pinakamahalagang pulo ng Pilipinas. Dito matatagpuan ang kabisera ng bansa, ang Maynila | Luzon |
| Pinakamaliit sa tatlong pangunahing pulo ng Pilipinas. Matatagpuna ito sa gitnang bahagi ng Pilipinas. Hiwahiwalay ang mga pulong bumubuo dito. | Visayas |
| Ikalawang pinakamalaking pangkat ng mga pulo sa Pilipinas at may sukat na humigit-kumilang 102, 000 kilometro. | Mindanao |
| Executive Order na napaging-isa sa Negros Occidental at Negros Oriental bilang Region XVIII o Negros Island Region | Executive Order 183 |
| Negros Island Region | Ang pinakabagong rehiyon sa Pilipinas sa pamamagitan ng Executive Order 183 |
| Binubuo ng humigit-kumulang na 7,107 maliliit at malalaking pulo | Philippines |
| Naghahanda ng sistematikong pagtatala ng impormasyon para sa 2015 Census of Population | Philippine Statistics |
| Madaling mailarawan ng pagkakapareho o pagkakaiba ng mga populasyon sa pamamagitan ng ___________________ | bar graph |
| Ang CALABARZON ay binubuo ng mga lalawigan ng Cavite, Laguna, Batangas, _______________ at Quezon | Rizal |
| Kabisera ng Pilipinas. | Maynila |
| Isang malawak at patag na anyong lupa | kapatagan |
| Halimbawa ng kapatagan | Bangan ng Bigas ng Pilipinas |
| Isang mataas na anyong lupa | bundok |
| halimbawa ng bundok sa Pilipinas | Mt Manunggal sa lalawigan ng Cebu |
| Isang anyong lupa na may matataas at matatarik na bundok. Ito ay magkakadikit at sunod-sunod. | bulubundukin |
| Halimbawa ng bulubundukin | Sierra Madre sa Luzon |
| Isang anyong lupa na patag at nasa mataas na lugar. Makikita sa tuktok ng bundok. | talampas |
| Halimbawa ng talampas | Bauio City at Tagaytay |
| Ito'y patag na lupain sa pagitan ng mga bundok. | Lambak |
| Halimbawa ng lambak | Manduyog sa Aklan |
| Isanganyong lupa na kauri ng bundok, ngunit ito ay may bunganga at bumubuga ng apoy. | bulkan |
| Tatlong halimbawa ng bulkan | bulkan ng Taal sa Batangas, Mayon, Pinatubo |
| Isang anyong lupa na patag sa tabing dagat. Tinatawag din itong aplaya. | baybayin |
| Mga halimbawa ng baybayin | Pagudpod sa Ilocos; Anilao sa Batangas, Puerto Galera sa Oriental Mindoro |
| Anyong lupa na mataas ngunit mas mallit at mababa kaysa bundok | burol |
| Isang anyong lupa na napapalibutan ng tubig. | pulo |
| Halimbawa ng burol | Chocolate hills sa Bohol |
| Mga halimbawa ng pulo | Pulo ng Bataan; Pulo ng Marinduque; Pulo ng Mindoro |
| Pinakamalaking anyong tubig sa buong daigdig | karagatan |
| Halimbawa ng karagatan | Pacific Ocean |
| Anyong tubig na mas maliit kaysa karagatan | dagat |
| Mga halimbawa ng dagat | Dagat ng Sulu; Dagat ng Mindanao; Dagat ng Sibuyan; Dagat ng Celebes |
| Isang makitid na daang-tubig na naguugnay sa dalawang malaking anyong tubig tulad ng dagat o karagatan. | kipot |
| Halimbawa ng kipot | kipot ng San Juanico |
| Isang anyong tubig na mas maliit kaysa dagat. | Ilog |
| Halimbawa ng ilog | Rio Grande de Cagayan; |
| Isang anyong tubig na halos napaliligiran ng lupa. | look |
| Mga halimbawa ng look | Look ng Maynila; Look ng Iligan; Look ng Subic |
| Anyong tubig na bahagi ng dagat na higit na mas malaki kaysa look. | Golpo |
| Mga halimbawa ng Golpo | Golpo ng Ragay sa Quezon; Golp ng Lingayen sa Pangasinan; Golpo ng Davao |
| Anyo ng Tubig na napaliligiran ng lupa at karaniwang nagmumula sa ilog ang tubig. | lawa |
| Mga halimbawa ng lawa | Lawa ng Lanao sa Mindanao; Lawa ng Naujan sa Oriental Mindoro |
| Anyong tubig na nagmula sa ilalim ng lupa. | bukal |
| Anyong tubig na maliit lamang kaysa ilog, kadalasang natutuyo pag tag-init. | sapa |
| Anyong tubig na nagmumula sa isang matarik na lugar, umaagos paibaba. | Talon |
| Mga halimbawa ng Talon | Talon ng Maria Cristina; Botocan Falls; Pagsanjan Falls sa Laguna |
| Talon na tumutulong sa suplay ng kuryente sa Mindanao | Maria Cristina Falls |
| Anyong tubig na may mainam na pantalan. | Golpo |
| Lalawigan kung saan matatagpuan ang Underground River | Palawan |
| Dagat | Anyong tubig na bahagi ng karagatan |
| Matatagpuan ito sa pagitan ng Samar ay Leyte | kipot ng San Juanico |
| Pacific Ocean | Pinakamalaking karagatan sa buong mundo |
| Pinakamalaking Lawa sa Pilipinas | Lawa ng Laguna |
| Anyong tubig na pinanggagalingan ng Geothermal | bukal |
| Isang mahabang ilog sa loob ng kuweba. | Subterranean River |