click below
click below
Normal Size Small Size show me how
AP 4, 2nd MT
anyong lupa at tubig
| Question | Answer |
|---|---|
| Isang anyong lupa na napaliligiran ng tubig. | pulo |
| Isang anyong lupa na mas mataas kaysa sa burol | bundok |
| Hanay ng mga bundok | bulubundukin |
| Mataas na anyong lupa na mayroong butas o crater sa taluktok. Bumubuga ito ng mga bato at kumukulong putik kapag pumuputok. | bulkan |
| Mataas na anyong lupa na mas mababa kaysa sa bundok. | burol |
| Isang mababa at pahabang anyong lupa na nasa gitna ng dalawang bundok o burol. | lambak |
| Patag na anyong lupa na karaniwang makikita sa itaas na bahagi ng bundok o bulubundukin. | talampas |
| Mahaba, patag at malawak na anyong lupa. | kapatagan |
| Anyong lupa na nakausli at napaliligiran ng tubig | tangway |
| Mas maliit kaysa sa tangway | tangos |
| Pinakamalawak at pinakamalalim na anyong tubig | karagatan |
| Malawak na anyong tubig na mas maliit kaysa karagatan | dagat |
| Mahaba ngunit makipot na anyong tubig na napaliligiran ng lupa. | ilog |
| Anyong tubig na napaliligiran ng lupa | lawa |
| Bahagi ng dagat na papasok sa baybayin at hlos napaliligian ng lupa. | look |
| Maliit at makipot na anyong tubig na may patuloy na agos. | batis |
| Maliit na anyong tubig na ang katubigan ay nagmumula sa ilalim ng lupa. | bukal |
| Bahagi ng dagat o karagatan na bahagyang napalilibutan ng lupa. | golpo |
| Tatlong malalaking pangkat ng pulo | Luzon, Visayas, Mindanao |
| Pinakamataas na bundok sa Pilipinas. | Bundok Apo |
| Pinakamahabang bulubundukin sa Pilipinas | Sierra Madre |
| Pinakaaktibong bulkan sa Pilipinas | Bulkang Mayon |
| Lungsod sa Pilipinas na nasa talampas. | Baguio |
| Isang halimbawa ng karagatan | Karagatang Pasipiko |
| Pinakamalaking lawa sa Pilipinas | Laguna de Bay |
| Pinakamalaking golpo sa Pilipinas | Golpo ng Moro |
| Pinakamakasaysayang golpo sa Pilipinas | Golpo ng Leyte |