PONOLOHIYA Word Scramble
|
Embed Code - If you would like this activity on your web page, copy the script below and paste it into your web page.
Normal Size Small Size show me how
Normal Size Small Size show me how
| Question | Answer |
| ponolohiya o palatunugan | pag-aaral ng mga makabuluhang tunog |
| ponema o ponemang segmental | pinakamaliit na yunit ng makabuluhang tunog |
| 3 salik ng pananalita | enerhiya, artikulador at resonador |
| mahahalagang bahagi ng mga tunog | dila at panga, ngipin at labi, matigas at malambot na ngalangala |
| ang ponemang pilipino ay may | 21 ponema |
| ang ponemang pilino ay binubuo ng | 16 katinig at 5 patinig |
| punto ng artikulasyon | ay tumutukoy kung saang bahagi ng bibig nagaganap ang pagbigkas ng bawat ponemang katinig |
| panlabi (bilabial) | ito ay tunog na ginagawa nang nakasara or nakabuka ang bibig |
| pangipin (dental) | kapag ang dulo ng dila ay tumatama sa likod ng ngipin sa itaas |
| panggilagid (alveolar) | ang itaas ng dulong dila ay tumatama sa punong gilagid |
| palatal | kung ang dila ay lumalapit sa matigas na bahagi ng ngalangala |
| Velar | kung ang dila ay lumalapit sa malambot na bahagi ng ngalangala |
| impit o glottal | ang mga babagtingang tinig ay lumalapit upang harangin and presyon ng papalabas na hininga upang lumikha ng paimpit na tunog |
| paraan ng artikulasyon | ito ay naglalarawan kung paano lumalabas and hininga sa pagbigkas ng bawat ponemang katinig |
| pasara | kapag ang hangin ay harang na harang |
| pailong | ang bibig ay nakasara upang ang hangin ay lumabas sa ilong |
| pasutsot | ang hangin ay lumalabas sa makipot na pagitan ng dila at ngalangala |
| pagilid | ang hangin ay lumalabas sa gilid ng dila |
| pakatal | kung ang hangin ay hinaharang at pinapalabas sa pamamagitan ng ilang beses na pagpalag ng nakaarkong dila |
| malapatinig | ito ay paggalaw mula sa isang posisyon ng labi o dila patungo sa ibang posisyon |
| ponemang PASARA NA WALANG TINIG | P T K |
| ponemang PAILONG (m.t.) | M N |
| ponemang PASARA NA MAY TINIG | B D G |
| ponemang PASUTSOT (w.t.) | S H |
| ponemang PAGILID (m.t.) | L |
| ponemang PAKATAL (m.t.) | R |
| ponemang MALAPATINIG (m.t.) | Y W |
| ponemang PANLABI | P B M |
| ponemang PANGIPIN | T D N |
| ponemang PANGGILAGID | S L R |
| ponemang PALATAL | Y |
| ponemang VELAR | K G NG W |
| ponemang GLOTTAL | H |
| harap, sentral at likod | ay tumutukoy sa kung aling bahagi ng dila ang gumagana sa pagbigkas ng patinig |
| sentral na ponemang patinig | A |
| harap na ponemang patinig | I E |
| likod na ponemang patinig | U O |
| PONEMANG MALAYANG NAGPAPALITAN | ponemang nagpapalitan na hindi nagbabago and kahulugan, tulad ng ponemang /e/ /i/ /o/ u/ |
| halimbawa ng ponemang malayang nagpapalitan | babai- babae noon-nuon totoo-tutuo |
| MATAAS na ponemang patinig | I U |
| GITNAng ponemang patinig | E O |
| MABABAng ponemang patinig | A |
| pares-minimal | pares na salita na magkatulad na magkatulad and bigkas ngunit magkaiba naman ang kahulugan |
| halimbawa ng pares-minimal | mesa-misa, boto-buto, oso-uso |
| mesa misa | hapag kainan seremonya na alay sa Diyos |
| boto buto | halal bahagi ng katawan o halaman |
| oso uso | isang uri ng mailap na hayop-gubat moda |
| pares minimal - unahan /p/ at /b/ | pantay (pareho) bantay (gwardya) |
| pares minimal - gitna /p/ at /b/ | apa (lalagyan ng sorbetes) aba (mahirap) |
| pares minimal - hulihan /p/ at /b/ | alab (ningas) alap (kapalit) |
| pares minimal - unahan /t/ at /d/ | tulay (daanan) dulay (lambitin) |
| pares minimal - gitna/t/ at /d/ | banta (babala) banda (musikero) |
| pares minimal - hulihan /t/ at /d/ | lapat (akma) lapad (lawak) |
| pares minimal - unahan /k/ at /g/ | kulay (kolor) gulay (uri ng halaman) |
| pares minimal - gitna/k/ at /g/ | saka (pagbubungkal ng lupa) saga (halamang gumagapang) |
| pares minimal - hulihan /k/ at /g/ | katok (tuktok) katog (nginig) |
| pares minimal - unahan /n/ at /ng/ | nawnaw (dama) ngawngaw (ngawa) |
| pares minimal - gitna /n/ at /ng/ | pana (busog at palaso) panga (gilagid) |
| pares minimal - hulihan /n/ at /ng/ | laman (karne) lamang (higit) |
| pares minimal - unahan /l/ at /r/ | laket (medalyon) raket (anomalya) |
| pares minimal - gitna /l/ at /r/ | bilo (rolyo) biro (tukso) |
| pares minimal - unahan /w/ at /y/ | wakwak (laslas) yakyak (laglag) |
| pares minimal - gitna /w/ at /y/ | iwan (umalis) iyan (hayan) |
| pares minimal - hulihan /w/ at /y/ | salaw (walang galang) salay (pugad ng ibon) |
| diptonggo | ay ang magkasamang tunog ng isang patinig at isang malapatinig na nasa isang pantig |
| diptonggong mataas at harap | iw iy |
| diptonggong mataas at likod | uy |
| diptonggong gitna at harap | ey |
| diptonggong gitna at likod | oy |
| diptonggong mababa at sentral | ay aw |
| halimbawa ng diptonggo | giliw tulay tuloy kasuy bataw kulay |
| klaster o kambal katinig | ay pagtatambal ng dalawang katinig na matatagpuan sa isang pantig |
| klaster sa hulihan | nars rekord tsart drayb teks |
| klaster sa gitna | transportasyon ekstra kompresor kontra empleyado |
Created by:
1826354745